"Dagdagan mo pa ang pagtitiis mo, Cassandra. Isipin mo na lang na kapag nalagpasan mo ito ay mapapatawad ka na ng mga magulang mo," sabi ng kaniyang isipan. Huminga siya ng malalim para punuin ng hangin ang kaniyang dibdib. Kailangan niya iyon para maitawid niya ang buong maghapon. "Anong ginawa rito ni Senyora?" tanong sa kaniya ni Manang nang pumasok ito sa kusina. "May sinabi lang po, Manang," tugon niya na pinilit ang sarili na ngumiti. Ayaw na kasi niyang mag-alala pa sa kaniya si Manang. "Sige, tulungan mo na ako rito sa paghahanda ng almusal dahil kakain na sila pagkabalik ng dalawa sa pagja-jogging," sabi sa kaniya ni Manang. Tahimik lang siyang sumunod kay Manang na ipinagtataka ng matanda. "May problema ka ba, Cassandra? Bakit ang tahimik mo?" tanong sa kaniya ni Manan

