"BRIA." Napatingin si Bria sa kanyang tabi ng marinig niya ang pagtawag ni Aliyah sa pangalan niya. Napansin nga din niya ang pag-usog ng kinauupuan nitong swivel chair palapit sa kanya. "Bakit?" tanong niya dito ng mag-angat ito ng tingin sa kanya. "I've noticed you're close to Sir Frank," komento nito sa kanya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata sa narinig na sinabi nito. Bumuka-sara nga din ang bibig niya, hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot dito. "I just remembered, you were also at the party organized by the De Asis family." Kinagat niya ang ibabang labi sa sumunod na sinabi nito. Akala niya ay hindi ito magtatanong tungkol do'n dahil halos isang linggo na ang nakakaraan. Na-post nga sa social media ang litraro nila ni Frank na magkasama pero hindi iyon maayado pina

