Kabanata 6

1061 Words

Tawid-Ilog (pangalawang bahagi) “wer na u d2 na me” Kung ano ang bilis sa paghatid ng mensahe gamit ang smart phone ng binatilyong si Philip ay ganun din naman ang bilis sa pagtanggap nito ng bagong mensahe. “knina p ko d2 luk behind u, tart” Halos mabitiwan ni Philip ang smart phone, pati na rin iyung dalawang sagwan ng kaniyang bangka. Nasa pampang na ng ilog ang 13-taong gulang na binatilyo, at sa kaniyang akmang paglingon sa kaniyang likuran ay tumama sa mapungas-pungas pang paningin ng kaniyang pagmumukha ang larawang ito: ang isang dulo ng tulay ng Alayan sa gawing itaas na lupang pinatag ilang metro rin ang layo sa pampang, at kung saan sa paanan naman ito na malapit kay Philip ay naroon ang mabatong b****a na nakapagitna sa magkabilang balikat ng dawagan papasok ng Hospicio d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD