"Haaaaay! Napakasarap pala ng may asawa, Macaria. Para akong isang prinsesa sa piling ni Hernan. Pag-gising ko sa umaga, nakahanda na ang almusal namin. Sa meryenda palagi niya akong kinukuhanan at tinatalupan ng buko... at sa gabi..." luminga sa paligid ang kinikilig na si Haryeta bago impit na tumili. "Ang sarap niyang ka-tabi! Wala ako ni katiting na pinagsisisihan kahit pa ipinagkasundo lang kami at malaki ang agwat ng aming edad.
Magkaibigang matalik ang ama ni Haryeta na bente anyos at Hernan na trenta anyos. Bata pa lang ang mga ito nang ipagkasundo ng mga magulang ang takdang araw ng kasal at naisakatuparan nga iyon noong nakaraang linggo.
"Ang saya-saya ko... wala na akong mahihiling pa," patuloy ni Haryeta. "Teka, saan ba ang punto mo at napakaraming mong dala-dala? At kailan ka pa nagin patay gutom?" Tanong nito nang mabalingan ang kaibigang abalang-abala sa pagsisalin ng sabaw ng buko sa maliit na galon.
Sinulyapan ni Macaria ang kaibigan at ibinalik rin ang atensyon sa ginagawa. "Ano nga sinasabi mo?"
"Saan mo kakodadalhin ang mga 'yan? Para kang maglalayas, ah?"
May dala siyang malaking bayong kung saan pinagsisikan ni Macaria ang ilang pirasong lumang baro ng ama, kumot, kulambot at manipis na unan. Mga kakailanganin ni Kaleb.
Isang linggo nang tinatago ni Macaria sa lumang kubo malapit sa ilong si Kaleb. At sa loob ng mga araw na 'yon, hindi pa rin bumabalik ang ala-ala ng lalaki. May mga napapanaginipan raw ito subalit malalabo 'yon at tuwina'y sumasakit ang ulo nito kapag pinipilit na alalahanin ang nakaraan.
"Pupunta ako sa ilog," ani Macaria at isinilid sa loob ng bitbit na malaking bayong ang binalot na dahon ng saging na may lamang pagkain.
Tiningala nito ang kaibigan. "Anong gagawin mo roon?"
"Aalis na ako, Haryeta. Kapag hinanap ako ni Ama sabihin mo nagtungo ako sa kagubatan para humanap ng pang-gatong." Isinukbit niya ang bag at hindi na hinintay na makatutol ang kaibigan.
"Macaria! Huy! Sandali!" Sigaw pa nito. Subalit mas binilisan lang Macaria ang paglalakad na tila walang naririnig.
Mahirap na't baka maabutan pa siya ng Ama at tanungin bakit dala na niya halos ang lahat ng gamit sa bahay nila.
***
Kalahating oras ang nilakad ni Macaria bago
pawisan na nakarating sa may tabi ng ilog. Tirik ang sikat ng araw at masakit sa balat. Sanay naman siya doon kundi nga lang sa sandamukal niyang bitbit. Hingal kabayo tuloy siya ngayon.
Huminto siya sa maliit na kubo at inikot pa ang paningin sa paligid bago pumasok sa loob. Mabuti na 'yong sigurado. Minsan kasi ay may napadpad doon na katribo niya lalo na 'yong mga magnonobyo at nobya. Minsan nang nasaksihan ni Macaria ang kahindik-hindik na kahalayan ng mga ito.
Bawal na bawal 'yon. Dahil sa tribo nila sagrado at banal pag-iisang dibdib. Kaya itinikom na lamang ni Macaria ang bibig, nagbulag-bulagan at bingi-bingihan sa tuwing makakasaksi ng kamunduhang hindi pa rin niya nararanasan.
"May mga dala akong—" natigilan si Macaria nang makitang wala roon si Kaleb.
Teka nasaan ang lalaking 'yon?
Ibinaba niya ang mga dala sa papag bago lumabas at umikot sa likod ng kubo. Nahinto siya sa paghakbang nang makitang naroon si Kaleb at nagsisibak ng kahoy.
Wala itong suot na pang-itaas kaya't kitang-kita niya ang pag-galawan ng matitikas at matitipuno nitong braso.
Kahit gustuhing iiwas ni Macaria ang tingin natuon pa iyon lalo sa tila namimintog at maimpis nitong kalamnan. Para bang ang tigas-tigas niyon.
Nangingislap pa ang katawan nito sa pawis—may mga butil na naglalakbay mula leeg hanggang dibdib nito pababa sa matipunong pangangatawan.
Mabilis na nagbaling ng tingin si Macaria sa ibang direksyon nang bigla lumingon si Kaleb.
"Pinakialaman ko na itong mga gamit rito," ani Kaleb. Inilapag ang palakol sa gilid ng mga sinibak na pang-gatong saka nilapitan si Macaria. "Para hindi ka na nagdadala ng pang-gatong ko rito. Kanina ka pa ba dumating?"
"H-Hindi naman.. may dala akong kumot at damit na maari mong ipamalit diyan sa suot mo..."
Nag-angat si Macaria ng tingin at nakitang nangingiting sa kaniya si Kaleb habang nagpupunas ng pawis. Napaiwas uli siya ng tingin na ikinatawa ng lalaki.
Ewan ba niya, dati naman siyang nginingitian at nakakakita ng hubad barong lalaki sa mga katribo niya. Pero kailanman ay hindi naging ganito ang epekto kay Macaria.
Hindi nagiging abnormal ang t***k ng puso niya, hindi nag-iinit ang pisngi at lalong hindi siya nakakaramdam kagustuhan na titigan ang katawan ng mga ito. Kay Kaleb lang...
"Anong nakakatawa?" Tinaasan niya ito ng kilay upang itago ang pagkapahiyang nararamdaman.
"Nothing... I just find you amusing and cute when you're blushing like that..."
Kumunot ang noo niya. Heto na naman ang lalaking 'to, nagsasalita ng lengguwaheng 'di naman niya maintindihan.
"Anong sabi mo? Blushing? Cute? Anong ibig sabihin nun?"
Tumingala si Kaleb, nag-iisip. "Hmmm, Blushing.. namumula 'yan." Bumalik ang tingin nito sa kaniya at tinuro ang pisngi niya.
"Hindi naman ako namumula!" Maigting na tanggi ni Macaria sabay talikod at naglakad pabalik sa loob ng kubo upang itago ang pamumula ng pisngi.
Inaayos ni Macaria ang mga pagkain sa lamesa nang pumasok si Kaleb. Nakapagbihis na ito ng lumang damit ng tatay niya. Medyo hapit nga lang 'yon sa katawan nito dahil malaki itong lalaki. Pero tamang-tama naman ang haba.
"Halika, kumain ka na."
Naupo ito sa katapat niyang silya at pinagmasdan ang dala niyang mga pagkain.
Ginataang manok, binurong isda, kanin, nilagang talbos ng kamote at saging panghimagas.
"Ang dami mo yatang dalang pagkain ngayon. At meron pa nito," ani Kaleb sa panghimagas.
Madalas gulay at kanin lang ang dinadala ni Macaria sa lalaki. Suwerte kung mayroong karne at isda. Bukod sa pinupuslit lang niya 'yon, tuwing may pagtitipon at pasasalamat kay Amang lumikha lamang sila nakakain ng karne.
"Bumaba kasi si Talisma kahapon sa kapatagan. Nakabenta ng medyo malaki kaya nagkaroon ng konting handaan sa pananghalian."
"Talisma? Nakabenta ng ano?" Umangat ang tingin nito mula sa paglalagay ng kanin sa dahon ng saging.
Tumango si Macaria. "Si Talisma, siya ang inaatasang lumuwas sa bayan isang beses isang linggo para ibenta ang mga ginagawa naming sobrero at walis."
"Ang pag-gawa ng walis at sombrero ang pangunahin ninyong pinagkakakitaan?"
"Oo atsaka pagbebenta ng dagtang nakukuha sa puno ng Copal."
Dumiretso ng upo ang lalaki. Tila napukaw ang interes nito sa mga pinagsasabi niya.
"Dagta sa puno ng Copal? At malaki ang kinikita ninyo roon?"
"Hindi naman ganoon kalaki. Sapat lamang para sa buong komunidad. Mahirap kasi hanapin ang punong iyon. Sa kasukalan pa. Likod ng mataas na bulubundukin na 'yon." Tinuro ni Macaria ang bundok ng Iskawate na natatanaw nila sa labas ng bintana. "Kapag nangangaso ang mga kalalakihan sa'min ay ilang araw pa sila nakababalik. Pagod at panganib ang kalaban nila."
"Hindi niyo ba naisip na mangisda? It's also a great source of income."
Umiling si Macaria at tumanaw sa labas ng bintana, sa luntiang mga halaman. "Naisip. Pero kulang kami sa kagamitan noon... at kaalaman sa pangingisda."
"Paano nangyari 'yon? Sa isla kayo naninirahan?"
"Ilang siglo na ang nakalilipas nang matagpuan ang islang ito ng mga ninuno namin. Orihinal na mandirigma at mandaragat raw sila ayon kay Ama. Isang gabi, pumalaot ang ilang kalalakihang barbatura kasama ang anak ng pinuno upang mangisda. Maganda ang klima, payapa ang dagat. Subalit ilang oras ang lumipas... tumaas ang alon at bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na nakabalik ang anak ng pinuno at ilan pang kalalakihan. Huminto sila sa nakasanayang pangingisda. At sa paglipas ng panahon at pananatili nila rito sa isla, natuto sila ng iba pang pamamaraan upang kumita. Isa na nga roon ay ang nga pag-gawa ng mga kagamitang gawa sa puno at dahon ng niyog."
Tumango-tango si Kaleb. "But that was a long time ago.. bakit hindi ninyo ulit subukan?"
"Sinubukan namin... at tulad ng nangyari sa mga ninuno namin, ilan sa mga katribo ko ang hindi na nakabalik..."
Ilang sandali natahimik ang lalaki bago nagsalita. "I'm sorry to hear that.. pero bakit nasa dalampasigan ka no'ng matagpuan mo ako..."
Sumalong-baba si Macaria, pinagmamasdan ang pagkain sa dahon ng saging. Kung sasabihin ba niya ang tunay na dahilan, hindi kaya pagtawanan siya ni Kaleb?
"Macaria?" Untag nito.
"Balak ko sanang manguha ng maliliit na talangka," pagdadahilan niya. "Para pandagdag sa ulam namin. Sandali.. kumusta na pala ang noo mo?" Tinitigan niya ang maliit na pilat sa noo nito.
Noong nakaraang araw ay may sugat pa 'yon. Nakatulong ang pagpapakulo niya ng dahon ng bayabas para ipanglanggas doon. Mabilis iyong natuyo.
Hinipo ni Kaleb ang noo saka ngumiti. "Magaling na. Ang galing ng nurse ko, eh. Salamat sa lahat, Macaria."
Nag-iinit ang pisnging nag-iwas siya ng tingin. "Kahit naman sinong nasa posisyon ko tutulungan ang nangangailangan. Wala ka pa rin bang naalala?"
Umiling ito. "Pinipilit ko pero wala talaga... kagabi nanaginip na naman ako pero hindi malinaw." Laglag ang balikat na sabi nito.
Bumuntong hininga si Macaria. Nakaramdam ng awa para sa lalaki. Sa isang linggo nakasama niya si Kaleb. Nakikita niyang sa kabila na wala itong matandaan.. mabuti itong tao at mapagkakatiwalaan. At kahit malaki itong lalaki palagay ang loob niya na wala itong gagawing masama sa kaniya.
Marahan niya itong tinapik sa balikat. "Huwag mong pilitin. Hayaan mo't pupunta ako sa dalampasigan. Baka sakaling may makita ako roon na maaring makakapag-paalala sa 'yo ng nakaraan mo."
"Sasamahan kita, Macaria. Sasama ako."
Tumango si Macaria. "Sige magkita tayo mamayang gabi. Hintayin mo ako sa may puno ng niyog sa labas ng kuminidad. Kailangang gabi tayo pumunta para walang makakita sa'yo. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa masabi kay Ama ang tungkol sa'yo."
Paniguradong magagalit ang ama niya kapag nalaman nitong may tinatago siyang dayo.
Patango-tangong hindi umimik ang lalaki pagkuwan ay kumurot ng kapiraso sa manok. "Tara kain na tayo?" At inilapit nito iyon sa labi niya.
Alanganing bumaba ang tingin doon ni Macaria at bumalik sa mukha ni Kaleb, na may masuyong ngiti sa labi. Litaw ang pantay-pantay at maputi nitong ipin. Isang milya ang layo sa ngipin nina Bonak at Tardo.
"Kain na.." ulit nito.
Natangay na lang si Macaria sa nang-eengganyong ngiti nito. Sinubo niya ang kapiraso ng manok.
"Good girl," nasisiyahang usal ni Kaleb.
"Good girl?"
"Oo. Mabait na bata," sabi nito't ginulo ang ituktok ng buhok niya.
Sumimangot siya. "Hindi na ako bata! Bente anyos na nga ako at pwede na akong mag-asawa!"
Tumawa si Kaleb. "Hindi ko naman sinasabing bata ka. It was just an endearment."
"Endearment?" Kumunot ang noo niya, itinagilid pa ulo ng bahagya. Kapag kausap niya si Kaleb, daig pa niya ang nakikipag-usap sa ibang nilalang! Marami itong sinasabi na hindi niya maintindihan.
"Parang tawagan ng isang magkarelasyon..."
Pinamulahan ng pisngi si Macaria. Itinuturing na ba siyang karelasyon ni Kaleb? Hindi naman ito nagpahayag ng pag-ibig sa kaniya? At bago lang silang magkakilala!
***
Tapos na ang pananghalian nang makabalik si Macaria sa banwa nila. Tamang-tama dahil mukhang nagsisimula na ang ritwal ng pasasalamat. Isang beses isang buwan ay nag-aalay sila sa Amang Manlilikha. Pasasalamat sa pagbibigay nito ng masaganang ani, kapayapaan at kaligtasan sa tribong Barbatura.
Maingat na nakisiksik si Macaria sa mga katribo niyang taimtim na nanalangin. Nakapikit ang mata ng mga ito habang nakataas sa kalangitan ang mga kamay. Mahinang sinamsambit ang pasasalamat.
Nang makarating siya sa unahan, nakita niyang hinahampas ni Inang Marya ng dahon ng bayabas ang kinatay na baboy ramo at kambit kasama ng unang ani ng pananim sa buwang 'yon at unang sibol ng bulaklak sa hardin.
"Hah-ummm.. alele.. burubumbum.. ummmm.." usal ni Inang Marya sa malalim na tinig. Para itong sinasaniban ng kung anong engkanto. Marahang umiikot pa ang ulo habang tumitirik ang mga mata. Tapos bigla na lang dumilat at binalingan ang kaniyang ama.
Lumapit si Ser-Al at kinuha kay Inang Marya ang inilahad nitong patalim. Kapitag-pitagan ito sa suot na kapang gawa sa balahibo ng lobo. Nakaputong sa ulo ang isang malaking koronong gawa sa balahibo ng pabo at sa bandang gitna niyon, nakakabit ang tuka ng isang maalamat na agila.
"Amang Manlilikha.. ito ang alay namin sa pagpapalang iyong binibigay. Patuloy mo pong protektahan ang iyong nasasakupan." Itinusok nito ang patalim sa tiyan ng kambing at umagos ang mula dugo roon.
Nagsilapitan at pumila na ang mga katutubo, bitbit ang mga anak na hubad baro. Pinahiran ni Sel-Ar ng dugo ng kambing sa tiyan ang mga bata at sa noo naman ang mga nakatatanda. Proteksyon sa sakit at anumang trahedya. Pagkatapos ay sinilaban ng sulo ang baboy ramo, kambing, mga gulay at prutas na nagsisilbibg alay. Sinisilaban iyon upang ang usok ay makarating sa Amang manlilikha.
Isang maliit na pagtitipon ang ginanap pagkatapos ng pasasalamat. Aliw na aliw si Macaria na pinanonood ang mga kababaihang katutubo na sumasayaw sa palibot ng malaking siga. Ang mga kalalakihan naman ang gumagawa ng ritmo sa pagitan ng pagpalakpak at pagkanta.
Nilingon niya si Heron na naupo sa kaniyang tabi. Iniabot nito sa kaniya ang umuusok na tasa ng kape. Bagay sa malamig na gabi.
"Salamat," nginitian niya ang lalaki at sumimsim doon. "Anong oras kayo nakabalik? Marami ba kayong nakuhang dagta?"
Si Heron ang namumuno sa grupo na sumusuong sa kasukalan upang mangaso at manguha ng dagta.
"Kaninang pananghalian. Hindi kita napansin. Saan ka ba nanggaling?" Nagtatakang tanong nito.
"Diyan lang... sa may talon. Nilabhan ko yung maruruming damit ni Ama," aniya't binaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi nito makita ang pagsisinungaling niya.
Halos karugtong na ng pusod niya si Haryeta at Hernan kaya kilalang-kilala siya ng magkapatid. Alam ng mga ito kung kailan siya nagsasabing totoo at hindi.
"Sana'y hinintay mo ako para may katulong ka sa paglalaba. Mabigat pa naman ang mga 'yon at maya kalayuan ang talon."
Napangiti si Macaria. Kahit kailan ay talaga namang maginoo at maalalahanin itong si Heron. Maswerte ang babaeng mapapangasawa nito.
"Ano ka ba. Nakikita mo 'to?" Itinaas niya ang maliit na braso. "Ang tikas hindi ba?! Kayang-kaya ko kahit ilang kilong labada pa 'yan!" Mayabang pa na dugtong ni Macaria.
Tumawa si Heron at ginulo ang kaniyang buhok. "Kahit na. Ang mga babae dapat ay tinuturing na prinsesa." Nag-iwas ito ng tingin pagkuwan ay "Lalo ka na.."
Nagtaka si Macaria. Lalo na siya? Bakit? Bakit naman siya dapat na ituring na prinsesa? Hindi pa man naisasatinig ni Macaria ang tanong sa isipan nang magsalita ulit si Heron.
Tumikhim ito. "Naalala mo ba yung... itinatanong ko sa 'yo noong gabi ng vivaha?" Nag-aalangan nitong tanong.
"Ano ba 'yon?" Nagtataka pa rin siya. Wala naman siyang matandaang pinag-usapan nila ng gabing iyon. Ang isip niya kasi ay lumilipad kay Kaleb.
"Kung... at kailan mo binabalak na humanap ng 'yong magiging katipan at.. sino ang iyong napupusuan—"
"Si Kaleb!" Biglang bulaslas ni Macaria nang maalalang magkikita sila ngayong gabi! At nawala iyon sa isipan niya! Paniguradong kanina pa 'yon naghihintay doon!
"S-Sinong, Kaleb?" Naguguluhang tanong ni Heron.
Mabilis na tumayo si Macaria at dali-daling inubos ang laman ng tasa saka ibinigay iyon kay Heron.
Hindi na rin siya nagpaalam at bigla na lang niya itong iniwan at umalis. Naririnig pa niyang tinatawag siya ni Heron. Subalit mabilis na naglaho si Macaria sa dilim.
.
.
"Nasaan na ba ang lalaking 'yon?" Bulong niya sa sarili habang lilinga-linga sa madilim na paligid. Ang usapan nila ay dito sa puno ng niyog malapit sa malaking kubo. Tinalian pa niya iyon ng pulang ribbon palatandaan para di malito si Kaleb.
"Kaleb! Kaleb!" Pabulong na asik ni Macaria. "Kaleb!"
Dumiretso siya ng tayo nang matanawan ang papalapit na bulto. Subalit ang akmang pagsalubong sa inaakalang si Kaleb ay natigilan kasabay ng pag-awang ng labi ni Macaria ay ang pamimilog ng mga mata!
"Ama!" Binalingan niya ang katabi nitong si Heron. Nasa likuran ng dalawa ang isang dosena pang kalalakihan na may mga dalang sulo. Para bang susugod sila sa gyera. "A-Anong ginagawa ninyo rito?"
"Magsabi ka ng totoo, Macaria. Sinong katatagpuin mo rito?" Matigas ang anyong tanong ng kaniyang ama.
"W-Wala po, Ama—"
"Pinuno!" sabay-sabay silang lumingon nang humahangos na dumating si Tardo. "May nahuli kaming Dayo! Naroon namin siya dinala sa malaking kubo!"
"Ano?!" Gulat na bulaslas ng kaniyang ama at binalingan ang mga kasama. "Halina kayo sa kubo!"
Napasinghap si Macaria. Hindi maari! Nahuli nila si Kaleb!