Chapter 7: first night with my neighbor

1402 Words
Nang lumabas ng bahay si Kristian nagmadali akong kumain ng hapunan, nahihiya kasi ako kanina sumubo kaharap si Kristian. pagkatapos kong humarurot kumain agad ko tong hinugasan at umakyat sa kwarto ni Kristian. syempre alam ko kung saan banda kwarto nya mag aapat na taon ko ba naman syang pinagmamasdan sa kwarto ko eh. dahan-dahan kong binuksan yung pinto at bumungad sakin ang napakalinis na kwarto, walang wala yung kwarto ko sa kwarto nya sa labanan ng kalinisan nahiya tuloy ako sa sarili ko, sa gilid ng cabinet ni Kristian nakalagay yung isang maliit na maleta na alam kong gamit ni mama malamang dito nya nilagay yung mga damit ko. talagang handang handa sila dito ah? kailan ba nila pinag planuhan yung trip nilang dalawa ni Tita? at kailan pa sila naging close ng ganun? ako nga ni hindi ko alam kung ilang araw sila sa pupuntahan nila, nagulat nalang ako ngayon na may ganap pala sila mama at ang nanay ni Kristian. pumunta agad ako sa bintana ng kwarto at hinawi ko ang kurtina na nakatakip sa bintana. grabe kitang kita pala ako dito, i mean yung bintana ko sa bintana nya, i wonder kung nakikita rin ba ako ni Kristian sa bintana ko tuwing magpapapansin ako sa kanya twing umaga? hmmm.. malamang hindi wala naman syang pakilam sakin eh. at bakit ganito yung nararamdaman ko sakanya? kanina lang galit na galit ako sa kanya ha? tapos ngayon parang walang nangyari, parang bumalik ulit yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. anu bayan! nakakainis naman! tumalikod ako sa bintana at nakaharap na sakin yung kama ni Kristian na maayos ang pagkakatupi. napangiti ako bigla kasi pakiramdam ko mayayakap ko na si Kristian, sa halos apat na taon na pinapangarap kong makasama sya, makausap at makapunta dito, eto na oh! nangyayari na ngayon!. nagdali-dali akong lumundag sa kama ni Kristian para humiga at yakapin yung mga unan nya. hmmmmm! amoy ni Kristian, amoy ng katawan nya, ng pabango nya! ito yung amoy na naaamoy ko sa kanya pag naglalakad sya sa school at palihim akong naglalakad mula sa likod nya, ang bango. pakiramdam ko yakap yakap ko narin si Kristian yung katawan nya! iiiiihhhhhh! kinikilig ako, kinuha ko yung kumot nya na naka tupi malapit sa unan at niyakap ko rin ng mahigpit habang inaamoy amoy pa. halos yata lahat ng kalaswaan na pwede mong maisip sa crush mo sumalin na sa utak ko. grabe ang bango nya talaga! ano kayang ginagamit nyang fabric conditioner? o pabango nya siguro to na dumikit na sa kama at kwarto nya. siguro out of ten, ten siguro yung score ko sa kalaswaan at kalibugan ng pag-iisip habang yakap yakap ko yung unan at kumot ni Kristian. habang nakahiga ako, nakita ko sa ilalim ng table yung lalagyanan ng marumihan nya at ang una kong nakita ay yung ano nya.. yung.... hala aamuyin ko ba? hala bakit ganito nako mag isip? wait kalma lang Jepoy, kalma kalang nagmumuka kanang malibog sa iniisip at ginagawa mo. pumikit ako at iniwas yung tingin ko dun sa kulay puting nakita ko na nasa marumihan nya. at niyakap nalang ulit yung unan nya at nagpaikot-ikot ako sa kama nya ng biglang... "anong ginagawa mo?" nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yung boses ni Kristian, agad akong napaupo mula sa pagkakahiga ko at daha-dahang humarap kay Kristian na ngayo'y nakatayo sa harapan ng pinto. kitang kita sa itsura nya ang pagkagulat at pagkagulo ng isip kung ano nga bang ginagawa ko sa kama nya. "haaaaaa????..... ahhhhhh........ ano..... aaahhhh.... (eherm, umubo ako kunwari) ah ano, triny ko lang kung malambot yun kama." agad akong tumayo at tinanggal yung kumot na nakapatong sakin at agad na inayos yung mga unan nya. "okay naman pala, malambot naman pala. errrmm!" sabi ko sabay patay malisya kunwari. "san pala yung CR? maliligo nako." sabi ko para maiba ang usapan. "ano yung naririnig ko na parang umuungol kanina?" nanlaki nanaman yung mga mata ko sa gulat dahil hindi ko namalayan na andito na pala si kristian nung hindi ko mapigilan mag-ingay sa sobrang kilig! bigla ko tuloy naisip na buti nalang hindi ko inamoy yung ginamit nya kahapon... "ayun ba? ahhhh ano kasi... ahhhhh... yung ubo ko yun eeerm, errrmmm.. sakit kasi ng plema ko ay yung lalamunan ko pala hehe. nagpapraktis rin kasi akong kumanta ahhh.. hmmm... tama yun siguro yung narinig mo." palusot ko sakanya sabay takbo sa pinto at agad syang nilagpasan. "teka!" pagpigil nya? "ha?" sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng bigla nya kong pahintuin, ohmygad kinakabahan ako. "diba maliligo ka? bakit di mo muna kunin twalya mo?" "ay oo nga pala hehe!" buti nalang kala ko may iba pa syang nakita eh, nagmadali akong tumakbo sa maleta ko at mabilis kong kinuha yung twalya pati yung susuotin kong pampalit. nang makuha ko na yung kailangan ko nakayuko akong lumabas ng mabilis sa kwarto. "saglit lang!" ha? ano nanaman? ano nanaman kailanagan nya? "yung CR nasa kaliwa pagkatapos ng kusina." tumingin ako sa kanya at tumango ng maliit sabay ngiti na para bang may ginawang kasalanan at mabilis na tumakbo sa CR habang kinakaba-kabahan pa. pag kasara ko ng pinto ng CR agad akong pumatong sa likod ng pinto halos habulin ko yung hininga ko sa sobrang kaba. bakit ganun? ibang iba sya pag nasa school? pag nasa school sya bilang na bilang yung salita na lumalabas sa bibig nya at hindi sya sumasagot sa sachool kung hindi nya feel magsalita o kung hindi pa sya tanungin ng mga teachers namin. pero dito, ngayon, parang ilang beses na nya kong kinausap ngayong araw nato ayyiiieeeeh! kinikilig ako hehehe. kahit pa na sinabi nyang nadidiri sya sa mga katulad ko, hindi ko naman yun nararamdaman ngayon dito habang kasama ko sya. pagkatapos kong maligo, syempre sa CR nako nagbihis agad nakong umakyat ng kwarto, nakapatay na ang ilaw malamang natutulog na si Kristian sa tagal ko pa namang maligo. nang pumasok ako tanging aninag lang ng ilaw mula sa bintanang hinawi ko ang kurtina kanina ang nagsilbing liwanag ko sa kwarto ni Kristian, abot ang sinag ng ilaw mula sa labas kay Kristian na ngayo'y natutulog na at nakakumot hanggang bewang nya. sa kabila ng nakapwesto sya sa gitna ng kama nakatagilid naman syang nakahiga habang nakaharap ang mukha nya sa dakong pintuan kaya naman agad ko itong nakita. sinabit ko sa likod ng pinto yung kulay asul kong twalya katabi ng kulay pula nyang twalya at dahan-dahan akong lumapit sakanya para tignan sya, nakasando nalang sya na kulay itim at yung tshirt na suot nya kanina ay nakahanger na at nakasabit sa pintuan ng cabinet nya, nakabukas naman ang AC pero bakit parang init na init sya at nagsando pa sya? kinuha ko yung kumot nya at itinaas ko yung hanggang sa balikat nya. dun ko rin napansin na kahit payat syang tignan sa uniform nya o sa tshirt nya maganda pala yung katawan nya, malaki yung braso nya at parang ang tigas , nag gi-gym bato? umupo ako sa lapag at pinagmasdam ko lang sya habang natutulog sya. alam ko ito ang unang gabi ko na makakasama ko si kristian, ito rin ang unang pagkakataon na mapapanood ko sya habang natutulog sya, hindi ko alam kung hanggang kailan tong sitwasyon namin pero ngayon ang gusto ko lang gawin ay panoorin at tignan sya. lumapit ako sa kanya at pinatong ko ang siko ko sa kama para may patungan yung ulo ko habang tinitignan sya. "hindi ko akalain na mangyayari sakin to, dati pinapangarap ko lang to na makasama ka pero heto ako ngayon nasa tabi mo. alam ko hindi mo ko katulad at alam ko rin na hindi ako nag e-exist sa mundo mo, kaya ginawa ko lahat para mapansin mo, pero mukhang hindi enough yun para manakaw yung pansin mo o tumingin man lang sakin. sino nga naman ako para mapansin mo? nasa langit ka, ako nandito lang sa lupa. alam ko na nadidiri ka sakin, sa mga katulad ko. pero sana hayaan mo lang ako na mahalin ka, hindi mo naman kailangan mahalin din ako. wag mo lang sanang ipagkait na mahalin ka ng tulad ko dahil you deserve to be love.." bulong ko sakanya habang nararamdaman ko na yung antok. nahihilo na ako at ang bigat na ng mga mata ko, kaya naman hindi ko naring napigilan pang mapahiga ang ulo ko sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD