pag kagising ko nanlaki ang mga mata ko ng marealised ko na nakahiga na ako sa kama at naka-kumot pa? ang huling pagkakatanda ko natulog lang ako sa gilid ng kama habang tinitignan si Kristian, hindi kaya sya yung naglipat sakin dito? teka asan naba sya?
halos mapasigaw ako ng bumangon ako dahil sobrang sakit ng likuran ko, nangalay siguro kagabi ng makatulog ako ng nakaupo.
dahan dahan akong bumaba ng hagdanan at nakita ko si Kristian na magulo pa ang buhok habang nagluluto. grabe mas lalo syang gumwapo sa itsura nya ngayon, medyo singkit pa yung mga mata nya at nakasuot na sya ng tshirt, sumilip lang ako ng nakaharap sya sa lamesa kaya nakita ko yung itsura nya, ang gwapo nya talaga!
nang tumalikod sya at humarap sa lutuan mabilis akong bumaba ng hagdanan habang sinisigurado ko na walang tunog yung yapak ng paa ko, pupunta sana ako sa CR para maligo na.
"Gising kana pala!" napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ko yung boses ni Kristian agad akong tumayo ng maayos at lumunok ng laway.
humarap sya sakin at dahan dahan akong tumingin sakanya at ngumiti. seryoso yung mukha nya kaya naman iniwas ko nalang ulit yung mga mata ko at nagmadali ng pumunta sa CR para maligo.
pag labas ko ng CR nakita ko na nakaupo na sya sa lamesa at may dala-dala ng twalya. tapos na siguro syang mag-almusal kaya maliligo na sya. syempre nakasuot nako ng white tshirt habang nakapulupot naman ang twalya sa bewang ko.
"ano bang ginawa mo sa CR? may TV ba'dun?" bungad nya.
"ha? bakit?"
"sobrang tagal mong maligo, anong oras na oh baka ma-late pako. (tumayo sya at naglakad papuntang CR, ng makalagpas sya sakin) May almusal na dyan, kainin mo nalang, pagkatapos mong kumain hugasan mo yang pinagkainan mo ha." sabi nya na medyo mataray pa.
sumagot lang ako ng pagtango. pagkapasok nya ng CR nagmadali akong umakyat sa kwarto nya para magbihis sabay baba ng kusina para kumain.
may dalawang hotdog at dalawang itlog ang nakatakip dito kasama ang tatlong garlic toasted bread. nahihiya akong kumilos sa bahay nila Kristian syempre di ko naman bahay to pero kung pagkain ang usapan wala ng hiya hiya. pero saakin naba lahat to? hmm.. baka akin na nga lahat to, sabi nya kasi hugasan ko raw after eh hehe.
parang anghel ang nagluto nitong kinakain ko kahit na hotdog, itlog at tinapay lang to parang napaka espesyal nito dahil ang nagluto nito ay walang iba kundi yung taong gustung gusto ko, bawat kagat, bawat nguya at lunok para akong lumilipad sa saya.
uminom ako ng pineapple juice na nakalagay narin dito sa lamesa ng biglang lumabas si Kristian ng nakatapis lang ang twalya sa ibaba, nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko i mean nakikita ko sya sa bintana ko na ganito pero hindi yung ganito kalapit kahit na medyo malayo ang CR sa kusina kitang kita ko parin yung katawan nya. sobrang puti ng katawan nya at ang daming maliliit na nunal, sobrang ganda! halata narin yung hulma ng chest nya at may apat syang abs na talagang kitang kita, bakit ganun tama lang naman yung katawan nya pero hindi mo aakalain na maganda pala ang katawan nya, sya lang yata yung taong nakilala kong gwapo na, matalino pa maganda pa ang kutis at ang katawan, san kapa?
talagang hindi nako magtataka kung bakit kahit na isnabero at tahimik sya sa school marami parin ang nagkakagusto sakanya, well ako parin ang panalo wahahaha! ako palang nakakakita ng katawan nya at kung pano sya matulog hahahaha!
"Huy! ano nanaman yang iniisip mo!?" bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Kristian na nakaharap na pala sa mukha ko.
agad akong nagpanic sa sobrang lapit ng mukha nya at agad kong nabuga sa mukha nya yung kakainom ko lang na pineapple juice.
nakapikit lang sya habang pinapanood ko yung pagtulo ng pineapple juice sa mukha nya.
"ohmygad! hala sorry! sorry! pasensya kana!" kinuha ko agad yung panyo sa bulsa ko at agad na pinunas yun sa mukha nya alam ko hindi to nasa tamang oras pero ohmygad! ang lambot ng pisngi nya! at isa rin to sa mga pinapangarap ko, ang mahawakan yung mukha nya.
"ang baboy mo! nakakadiri ka! para kang bata!" malamig nyang sabi sabay tumitig sakin ng masama.
agad syang pumunta sa lababo para maghilamos ng mukha.
"hala sorry talaga Kristian di ko sinasadya." pag hingi ko ng dispensa. Pero tumingin lang sya sakin ng masama at umakyat na sa kwarto nya.
Katatapos ko lang kumain ng bumaba na sya ng kwarto, nakabihis na sya.
"Papasok kana?" Sabi ko, pero hindi sya sumagot tumingin lang sya sakin.
"Hala teka sabay na tayo! Huhugasan ko lang to!" Pero parang wala syang narinig madali syang nagpunta sa pintuan at nagsuot ng sapatos. Kaya naman nagmadali rin akong maghugas. Ni hindi ko na nga sinabon yung pinag inuman ko ng pineapple juice tutal tubig naman na laman nun, binanlawan ko nalang sabay nilagay sa lalagyanan ng mga baso.
Lumabas na sya ng pinto kaya naman nagmadali akong magsuot ng sapatos. Teka! Walang lock yung pintuan ng bahay nila Kristian!? Wait pano to? Ilang segundo pa ng marealised ko na automatic locked yung pinto nila. Agad akong bumalik sa kusina para kunin yung susi na nakapatong sa lamesa, dalawa yung susi na may keychain na maliit na figure ni jack frost mula sa animated film na rise of the guardian.
Pag labas ko nakita ko si Kristian na medyo malayo na kaya tumakbo ako ng mabilis para habulin sya. Dyusko naman ang aga aga fun run yung itsura ko.
"Kristian! Kristian! Wait lang!" Sigaw ko habang hinahabol sya pati narin yung hininga ko. pero hindi parin sya tumitigil sa paglalakad.
"sige, mauna kana!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad at hinahabol parin ang hininga.
"kala mo naman gusto rin kitang kasabay! kala mo lang yun. mas gusto ko pang mag isang maglakad!" sabi ko habang patuloy parin akong naglalakad. habang naglalakad ako biglang bumangga yung mukha ko sa isang matigas na wait!.... wait lang...
alam ko yung amoy nato ha? amoy to ni Kristian!
humarap ako sa nabangga ng mukha ko at nakita ko ang likod ni Kristian, tama nga ako sa naamoy ko!
humarap sya sakin na parang galit at naiirita, agad naman akong napa-atras ng kaunti.
"ba--ba--bakit?" sabi ko habang nakaharang yung mga kamay ko sa dibdib ko.
nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko na talaga namang nagpabilis ng t***k ng puso ko, shocks! anong gagawin nya? hindi pa naman ako handa! amoy hotdog pa naman yung hininga ko, hindi na kasi ako nakapagtootbrush dahil sa paghabol sa kanya.
"una!" nagulat ako ng tinuro nya sa mukha ko yung hintuturo nya.
"kung anong relasyon natin sa school, ganun parin walang magbabago. hindi mo'ko kakausapin o lalapitan o ngingitian o kahit anong bagay na magdidikit sating dalawa!"
"pangalawa, hindi ka sasabay sakin pag uwi. kung magkasabay man tayo sa bus dun ka sa dulo pumwesto kung saan hindi kita makikita. walang makakaalam na magkakilala tayo at nag-uusap!"
"pangatlo! walang makakaalam na magkasama tayo ngayon sa bahay! kahit paghinga o isipin mo lang na magkasama tayo bawal! pag nalaman ko na meron kang pinagsabihan o may nakaalam ng sitwasyon natin ngayon. wag kanang umuwi ng bahay matulog ka sa labas." sabi nya sabay nagpatuloy ng maglakad.
"hmmm.. kala mo naman... ako dapat magsasabi nyan sayo no! kala mo naman gwapo." bulong ko.
"ano yun!" sigaw nya.
"ahhh wala po kamahalan!" sigaw ko at hinayaan ko na syang maunang maglakad.
Nang makarating kami sa sakayan ng bus, pinauna ko narin syang umakyat pati narin yung mga kasabayan namin, nang makita ko na nasa dulo na sya dun nako pumasok nakita ko pa syang tumingin sakin bago ako maglakad papasok ng bus.