Chapter 9 : blossoms

1416 Words
kahit pa may tatlong rule na sinabi sakin si Kristian hindi parin nya ko mapipigilan na sumabay sakanya sa bus kala nya ha. sanay nako sa mga ganyan ilang taon ko ng ginagawa sakanya to hehe, ang kaibahan nga lang ngayon ay nag-uusap na kaming dalawa hindi tulad dati. mas nauna akong bumaba ng bus dahil mas nauna syang sumakay ng bus so nakapwesto sya sa likod ng bus samantalang ako nasa bandang harapan lang. kahit malayo ako sa kanya, ang mata ko nakatingin parin sakanya parang surveillance camera yung mga mata ko na naka autolock sa kanya hanggang makarating kami sa bus station. nauna nakong maglakad dahil baka makahalata pa sya pag hinintay ko pa sya pero binabagalan ko parin yung paglalakad ko para mas mauna sya sakin, mas gusto ko kasi yun, kasi kahit ganun nakikita ko parin sya kahit yung likod nya lang. nagulat nalang ako ng may biglang humampas sa ulo ko. "aray!" sigaw ko at napatingin ako sa pinanggalingan ng kamay na humampas sa ulo ko. tumingin lang ako sakanya habang nakangiti sya sakin ng todo. "sino ka?" sabi ko na sinagot naman nya ng ngiti. "ouch! grabe ka naman! nakalimutan mo agad ako? sa gwapo kong to? sa gandang katawan kong to?" sabi nya na habang nakangiti, tumingin lang ako sa kanya mula ulo hanggang paa at nagtaka kung sino to. wala naman nakong ibang kilala na guwapo dito sa school maliban kay Kristian eh. "talagang nakalimutan mo na ako ha!" sabi nya sabay hinarap nya sa mukha ko yung palad nya at tinaklob ito. "Jerold to, yung bigla mo nalang hinila habang tumatakbo ka, Mr. famous." nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng maalala ko si Jerold, sya nga pala yung transferred student na 4th year. sa sobrang daming nangyari sakin at iniisip, totaly nawala na sya sa isip ko. ngumiti ako sa kanya sabay turo sakanya. "ahhhh oo! naalala na kita! tama ikaw nga yun!" sabi ko sakanya sabay batok sa ulo nya. "aray! ba't mo'ko binatukan!" sabi nya sabay hawak sa ulo nya. "ba't mo rin ako binatukan?" sagot ko sakanya. "eh kasi ang lalim na naman ng iniisip mo eh baka mamaya makabangga ka na nanaman, baka mamaya mabangga mo na nanaman ako kaya inunahan na kita." paliwanag nya sabay akbay sakin. hala feeling close nato ha! masyado yata syang kinain ng mga salitang sinabi ko sakanya nuon na gwapo sya at maganda yung katawan nya. "huy anong ginagawa mo?" sabi ko, tinutukoy ko yung pag akbay nya sakin, "naka-akbay sayo. tara sabay na tayong pumasok!" ngumiti lang ako sakanya sabay naalala ko na hinihintay ko palang mauna si Kristian. pero nanlaki yung mga mata ko ng pagtalikod ko nasa likod na namin si Kristian at nakatingin sakin ng masama. oh s**t, ayan! galit na naman sya, sobrang lapit namin sa isa't isa, sabi pa naman nya na kailangan lagi kaming magkalayo. lagot na naman ako nito sa kanya! "uy! Kristian!" sabi ni Jerold na labis kong kinagulat. "mag---mag-magkakilala kayo?" sabi ko sa nalilitong boses. "oo, mag-classmate kami." sagot ni Jerold na kinalaki ng mata ko. "you mean, you mean nasa star section ka?" sabi ko, ngumiti sya sakin at parang nagyayabang. naka-akbay parin sya sakin. "excuse me!" pagalit na sabi ni Kristian at dumaan sya duon sa gitna naming dalawa ni Jerold na naging dahilan para alisin nya yung pag kaka-akbay nya sakin. "alam mo hindi ko talaga maintindihan yang si Kristian, parang may sarili syang mundo. hindi ko alam kung ano nagustuhan mo dyan. mas gwapo naman ako sakanya, mas matalino at higit sa lahat mas maganda yung katawan ko sa kanya. "ibig mong sabihin nasa star section ka!?" gulat na gulat parin ako sa nalaman ko. "teka nakikinig kaba sa mga sinasabi ko? huuy!" sabi nya habang hinahabol ako. "gosh hindi ko akalain na magkakaroon ako ng dalawang kaibigan sa star section at hindi lang basta basta, sila pa ang mga pinaka gwapo dito sa campus! napaka swerte ko talaga!" bulong ko sa sarili ko habang tumatawa pa. "huy! teka lang hintayin mo'ko!" paghabol sakin ni Jerold. pagpasok ko sa room agad akong sinalubong nila Camille at Pol. "ano sis? okay kana?" bungad ni Camille hindi pa nga ako nakakatapak ng room nasa pintuan palang ako. "uhmm. okay lang naman ako." sagot ko sabay ngiti. "ganito nalang friend, tutal mag-eexam naman na tayo. may naisip ako dun kami magrereview sa bahay nyo!" sabi ni Pol. "ay oo tama! maganda yan tapo---" hindi pa tapos magsalita si Camille bigla nalang ako napasigaw. "ha! hindi! hindi pwede! bawal!" sabi ko sa kinakaba-kabahan pang boses. di nila pwedeng malaman na magkapit-bahay kami ni Kristian! i mean sa mag-aapat na taon naming pagka-kaibigan, lagi rin silang pumupunta sa bahay para magreview pag exam, sa bahay sila nag o-over night, pero never kong sinabi sakanila na magkatapat lang yung bahay naming dalawa ni Kristian at hindi rin naman lumalabas ng bahay si Kristian kaya hindi nila nakikita pag nasa bahay sila. pero ngayon.... hindi pwede to. "bakit hindi pwede?" tanong ni Camille na talaga namang nagulat sa sagot ko, first time ko lang kasi tumanggi sakanila, pag sinabi kasi nilang pupunta sila sa bahay go agad kami. "oo nga bakit bawal?" wika ng lalaking nasa likod ko, humarap agad ako at nakita ko si Jerold. "ahhmm.. sino... sino ka?" nag aalangang tanong ni Pol. "ah Jerold nga pala, Kaibigan ni Jepoy. 4th year din ako." "4th year? kilala ko lahat ng mga gwapo dito sa 4th year ha! at hindi kita nakikita sa ibang section" pagmamalaki ni Pol. Tumingin ako kay Jerold at pinaglakihan ko sya ng mga mata sabay tingin sa direksyon sa kabila para sabihin sakanya na umalis na sya gamit yung mga mata ko. Pero hindi nya ko pinansin bagkus dinilaan nya lang ako. "Jerold Torres nga pala from Homogeneous section." sabi ni Jerold sabay abot ng kamay kila Pol at Camille. nanlaki naman ang mga mata nitong dalawa at gulat na gulat sa nalaman nila, ang kilala lang kasi nilang gwapo i mean maraming gwapo sa star section nayun pero ang itsura kasi nitong si Jerold talagang pumapantay sa itsura ni Kristian eh. pagkatapos nilang makipagkamayan agad akong hinila ni Pol sa gilid at tumingin pa kay Jerold sabay ngiti. "bakla ka! hindi ko naman akalain na ganyan ka kapokpok! pano mo nakilala yan? akina yung gayumang ginamit mo penge ako!" bulong ni Pol. "sasama kaba samin? sa bahay nila Jepoy? matutulungan mo kami dun lalo na mag rereview kami sa exam, malaking tulong yung tuturuan mo kami lalo na nasa homogeneous section ka." banat pa ni Camille habang magkausap kami ni Pol, actually marami pang binubulong si Pol sakin pero yung tenga ko talaga naka-focus sa sinasabi ni Camille baka kasi may masabi pa sya kay Jerold eh. "hmmm??? pag--iisipan ko muna... hmmm sige! sasama nalang ako!" sabi ni Jerold sa masayang tono. "teka, teka! anong sinasabi nyo? sabi ko nga sainyo hindi pwede! hindi pwede!" sabi ko nalang sa kanilang tatlo sabay pasok na sa room. " i smell something fishy!" narinig ko pang sinabi ni Camille. "ako rin!" dagdag ni Pol. pagkatapos ng klase namin nag madali akong nagpaalam kila Pol at Camille para umuwi para maabutan ko pa si Kristian at magkasabay kami sa bus. Pero hindi ko na sya naabutan kaya naman ng dumating yung bus agad nakong sumakay para makauwi na agad, first time ko tong maramdaman yung feeling na gustung gusto mo agad umuwi hehe. Pagdating ko sa bahay nila Kristian nakabukas na yung ilaw sa kusina at talagang ang aga nyang umuwi ngayon ha, dati naman yung tama lang ang uwi nya! talagang iniiwasan nya ko ha! pagpasok ko ng bahay nila, agad akong sumilip sa kusina pero walang tao kaya naman nagtungo ako sa CR pero wala rin tao. malamang nasa kwarto yun, dahan-dahan akong umakyat sa kwarto nya, nakabukas na yung pinto pero pagpasok ko wala rin duon si Kristian. Hala saan kaya pumunta yun? nilapag ko nalang yung bag ko, sabay nagtungo nalang sa CR para maligo na. habang naliligo ako narinig ko na may nag doorbell sa labas, baka si Kristian yun, nakalimutan nya ata yung susi nya. agad kong tinapis yung tuwalya sa bewang ko at nag suot ng tshirt at nagdali-dali akong lumabas ng CR at nagtungo sa pintuan sa salas. Nang biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! si Kristian nasa pinto at ang nasa labas ng pinto walang iba kundi sina Pol, Camille at Jerold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD