Hindi ako makapaniwala na pumayag si Kristian na tulungan kaming tatlo magreview, syempre di ko na sinama si Jerold sa tutulungan nya dahil isa naman sya sa tutulong samin mag review.
Pero teka? Tama ba yung narinig ko sa sinabi ni Kristian? Na pumapayag sya? Totoo ba to o nabingi lang ako?
Agad kong kinutkot yung tenga ko para tignan kung barado ba yung tenga ko.
"Ha!" Gulat na gulat kong sabi.
Tinaas lang ni Kristian yung balikat nya at naglakad na papunta samin habang hawak-hawak yung baso nya na may lamang tubig na kinuha nya kanina sa kusina.
"Sabi sayo eh.!" Bulong ni Camille na para bang proud na proud pa sya.
Umupo sa harap ko si Kristian, so ang pwesto namin magkatabi kaming tatlo nila Jerold at Camille sa kabilang side naman ng lamesa si Kristian at Pol.
Nakayuko lang ako ng umupo sa harap ko tong lalaking to bakit pakiramdam ko mas lalong wala akong matututunan nito!? kaharap mo ba naman yung pinaka-gwapo sa school eh tapos crush mo pa! ewan! bala na nga!
Dahan dahan kong inangat yung mga tingin ko para tignan si Kristian pero nanlaki yung mga mata ko ng makita ko na nakatitig sya sakin.
"Bakit!?" Nagulat din si Jerold sa reaksyon ko.
Nagtago lang ako sa likod ng braso ni Jerold na nakasandal sa lamesa. Pakiramdam ko sinasaksak ako ni Kristian sa mga tingin nya. Goodluck talaga sakin mamaya pag alis nitong mga to.
At nagsimula na nga yung group study namin. Kinakabahan pako nung una kasi ang akala ko si Kristian ang magtuturo sakin ayoko pa naman na isipin nya na mahirap akong maka-gets sa mga topic namin buti nalang humarap agad sakin tong si Jerold at agad syang nagkusa na turuan ako. (^_^)Y
Si Kristian tinuturuan yung katabi nya na si Pol, lumipat narin si Camille sa side nila Kristian pero pakiramdam ko hindi sya interesado sa tinuturo ni Kristian, interesado sya mismo kay Kristian at talagang nag papa-cute pa tong si Camille ha habang tinuturuan sya! hindi ba nya naiisip na nandito ako sa harap nya? Hello? Ako kaya ang greatest admirer ni Kristian hindi lang greatest admirer kundi greatest neighbor din hahahaha.
"Okay kalang?" Basag ni Jerold.
"Ha?" Sabi ko sabay tingin sakanila. Lahat sila nakatingin sakin na akala mo may ka-weird-uhan akong ginawa.
"Tumatawa ka mag-isa." Habol pa ni Jerold.
"Malamang may iniisip na naman yang kalokohan." Bulong ni Kristian habang nakatingin sa libro nya.
Hindi ko nalang pinansin yun comment ni Kristian bagkus hinarap ko nalang yung notebook ko na may exercises na ginawa ni Jerold kanina. Pero di ko mapigilang magcomment eh, may panahon pa talaga syang sabihin yun sa harap ng mga kaibigan ko ha!? may oras pa talaga syang sabihin yun! knowing na hindi naman sya mahilig magsalita!
"Matanong ko nga lang, sa isang gabi na kayong dalawa lang ni Jepoy ang magkasama dito, kamusta ka naman?" Hirit ni Camille, agad ko syang tinignan ng masama para itigil nya yung mga ganung tanong nya, pero sa totoo lang gusto ko rin malaman yung sagot ni Kristian.
Tinaas lang ni Kristian yung mga balikat nya at kinuha yung isang librong na nasa harapan nya at nagbasa sya.
So ayun lang yung sagot nya?! Ano kaya yun!? Ayun na yun? na parang meeeh! wala lang! ganun? (-__-)
Tinuro ko yung hawak-hawak kong ballpen sa ulo nya habang nagbabasa sya sa harap ko at umakting na para ko ba syang babarilin. Bang!
Pero nanlaki yung mga mata ko ng biglang tumulo yung dugo sa ilong ni Kristian, wait! May kapangyarihan ba ako?
Agad nyang hinawakan yung ilong nya at napatakbo agad ako sa kusina para kumuha ng maraming tissue. Rinig na rinig ko pa yung pag sigaw ni Camille habang natataranta sa nakikita nya.
"Okay kalang ba Kristian?" Tanong ni Camille habang hawak-hawak yung likod ni Kristian, na agad ko namang tinanggal pag-upo ko sa kabilang side ni Kristian.
"Oh ito, punasahan mo yung dugo." Sabi ko sabay lingad patalikod para tignan si Camille para bigyan sya ng babala na teritoryo ko yung pinapasok nya, hehe.
"Anong nangyari? Ang daming dugo, pumunta na kaya tayo sa ospital?" Pag-aalala ko na agad namang sinagot nila Camile at Pol sa pagbuka lang ng bibig na walang tunog sabi nila ang OA ko raw.
"Lagyan mo ng presure ilong mo Kristian, sure kaba okay kalang? Bat parang ang dami atang dugong lumalabas sa ilong mo?" Wika ni Jerold na nakatingin lang samin, alam ko nag aalala rin sya pero hindi nya lang pinapakita.
"Okay lang ako, sa init-lamig lang to." Sabi nya sa malamig na boses. Ganito ba talaga sya? Kami na nga tong concern sayo eh hmmp!
Halos maubos ni Kristian yung isang rolyong tissue kakapunas sa dugo ng ilong nya, grabe naman to parang mauubos na yung dugo nya, pero ang cute nya parin hehe.
Ilang segundo rin ang tinagal bago huminto yung pagtulo ng dugo sa ilong ni Kristian pero kahit ganun tuloy parin ang pagtuturo nila samin tatlo pero sa totoo lang naiinggit ako kila Camille at Pol kasi si Kristian yung nagtuturo sakanila samantalang ako si Jerold. I mean dont get me wrong ha gwapo si Jerold and matalino rin pero syempre mas gusto ko na si Kristian parin yung magtuturo sakin. wala rin pakisama tong dalawa kong kaibigan eh, di man lang kami i-push dalawa, di supportive! >:(
Habang nagdidiscuss sakin si Jerold napansin ko na medyo nahihirapan ng magsalita si Kristian mukang masakit na yung lalamunan nya kaka explain sa dalawang to, hindi pa naman sya sanay na nagsasalita ng matagalan, ubos narin yung tubig sa baso na kinuha nya kanina, kaya naman naalala ko yung dalang plastik ni Pol na nandito ngayon sa tabi ko.
Agad kong kinalkal yun at may nakita akong apat na boteng B'lue, hindi ko alam kung anong konek bakit bigla ko nalang kinalkal tong plastik sa tabi ko na dala ni Pol kesa sa tumayo ako at kumuha ng tubig para kay Kristian. Ahhh naalala ko na yung nabitawan to ni Pol nakita ko pala na may drinking water dito pati mga junk foods.
Kinuha ko yun at inabot kay Kristian.
"Oh!" Sabi ko sabay lapag ng bote sa harap nya, tumingin lang sya sa bottle at kinuha yun, hinawakan nya lang pero hindi nya pa binuksan dahil may tinanong si Camille sa kanya at nagpatuloy ulit sya sa pagtuturo kila Pol at Camille. kinuha ko pa yung dalawang bote at nilapag ko sa harapan ni Camille at Pol.
"Errm!" Si Jerold. Parang sinasabi nyang ako nagtuturo sayo hindi moko bibigyan? Hehe
"Oh ito sayo" binuksan ko yung takip para mainom na ni Jerold hala todo ngiti si gago. Kala mo naman gagawa sya ng commercial sa pag inom nya, nakangiti pa sya. tumingin lang ako sa kanya na para bang sinasabi ko na okay kalang ba Jerold?
Nang bigla nalang napalundag yung puso ko sa gulat ng biglang nilapag ng malakas ni Kristian yung hawak-hawak nyang bote ng b'lue sa lamesa, kaya naman napatingin agad ako sa kanya.
hindi na mapaliwanag yung itsura ng mukha nya, ganyan na ganyan yung mukha nya kapag naiinis sya, hala! ano na naman kaya nagawa ko? may nagawa ba ako?! parang hindi narin sya interesadong magturo nilapag nya bigla yung hawak nyang libro at tumitig sakin ng masama.
nanlamig yung buo kong katawan habang nakatitig sya sakin ng masama ni hindi ako makatingin sa kanya ng tuwid, nasipa ko ba yung paa nya?
"okay ka lang?" tanong ni Camille pero hindi sya sinagot ni Kristian, nakatitig parin sya sakin ng masama na para bang sinasaksak na nya ako. heeeeelp pleeeeeease (T__T)
Napalunok nalang ako ng laway habang nag-iisip kung bakit sya nakatitig ng masama sakin. hanggang sa mapatingin ako sa bote ng b'lue na nasa harap nya dahan dahan kong kinuha yun baka kasi bigla nyang maisipan na hampasin yung kamay ko habang kinukuha ko yun, ayaw nya ba tong inumin? Ano bang gusto nya? Baka iniisip nya na may lason to ha?! Hala anong nangyayari? Naguguluhan ako. Ngumiti ako ng pigil sakanya pero iniwas na nya bigla yung tingin nya, ang tahimik dito lahat naguguluhan sa ginawa nya.
Binuksan ko yung bote ng b'lue para naman makainom na sya at malamigan yung ulo nya. Hindi ko akalain na ang hirap palang basatin ng mga taong seryoso sa buhay. Ganito ba lahat ng mga lalaking tahimik?
pagkabukas ko ng takip iniwas nya ulit yung tingin nya sakin at tumingin sa malayo na para bang walang nangyari.
"oh, uminom ka muna..." mahina kong sabi sabay lapag ng bote sa harapan nya. yung mukha nya parang naasar parin pero bigla nyang kinuha yung bote na binuksan ko at agad na ininom, habang iniinom nya yun nakita ko pa yung mukha ni Camille na gulat na gulat na parang naguguluhan habang sinusundan ang bawat paglunok ng tubig ni Kristian. si Pol naman parang sumali sa sayaw na stop dance hindi na gumalaw at nakatingin lang kay Kristian habang umiinom. ano bang nangyayari? nagkatinginan nalang kami ni Jerold.
Nagpatuloy ang pagtuturo nila Kristian at Jerold samin hanggang lumipas ang ilang oras, marami rin akong natutunan kay Jerold lalo na pag hindi ako naka-focus kay Kristian. Habang busy kaming lahat sa pagsasagot ng mga example nila Kristian biglang tumayo si Pol at hinalungkat yung dala nyang plastik na nasa tabi ko at inilabas yung mga junkfood na nandun.