Nang nilabas ni Pol ang mga junk foods sa loob ng plastik binigay nya yung isa kay Kristian, nilagay nya yun sa bandang gitna namin pero mas malapit kay Kristian, ang isa sa harap nilang dalawa ni Camille at ang isa sa harap ni Jerold.
Nagulat ako sa ginawa ni Kristian ng buksan nya yung potato chips, kumuha sya ng ilang piraso at inusog nya sakin yung buong plastik ng potato chips, hindi naman pala sya madamot pero nakatingin palang ako dun ng bigla akong tapikin ni Jerold.
"Uhm! Jepoy tikman mo to dali ang sarap!" Masayang sabi ni Jerold kaya agad naman akong napakuha sa hawak nyang junkfood.
"Hmm! Masarap nga!" Pagpuri ko sabay kuha ulit ng isang piraso.
"Wow ang sweet! Patikim nga!" Sabi ni Camille pero nilayo ni Jerold yun at tumingin sa hawak nilang chitchirya na para bang sinasabi ni Jerold na gusto nya ng swap.
Natatawa lang ako sa asaran nilang dalawa ng mapalingon ako sa chitchiryang inaalok sakin ni Kristian kanina.
Kukuha na sana ako ng bigla nyang hablutin yung plastic ng potato chips at hinawakan nya ito ng mahigpit.
"Aw.. patikim?" Sabi ko. Pero tumingin lang sya sakin sabay tumingin sa chitchiryang hawak ni Jerold.
"Ayan oh, diba masarap yan, dyan ka kumuha." Masungit nyang sabi, ewan ko ba kung may mens ngayon to o talagang sadyang madamot lang sya. Nakakaasar mabuti nalang at mahal ko sya.
"Patikim lang kahit konti, favorite ko kasi yang potato chips nayan." Paliwanag ko pero hindi ako pinapansin ni Kristian, natigilan din silang tatlo sa ginagawa nila at nakatingin lang saming dalawa.
"Dali na, patikim lang, konti lang kukunin ko, promise!" Pagpupumilit ko, pero nakasibangot parin sya.
"please?" pag mamakaawa ko.
mukang naawa nga sya sa pakiusap ko nilapag nalang nya yung potato chip sa table at hinayaan akong kumuha.
pero nagtuloy-tuloy parin yung pagtuturo nila saming tatlo sana naman hindi ko makalimutan tong tinuturo sakin ngayon ni Jerold malapit pa naman na ang exam namin.
mag gagabi narin ng matapos kami sa group study namin, parang ayaw pa ngang umalis ni Camille dito sa bahay nila Kristian at parang gusto nya pang makita kung ano yung mangyayari saming dalawa. mabuti nalang at napilit sya ni Pol at Jerold na umalis na.
hinatid namin sila ni Kristian sa sakayan ng bus sabay kumain narin kami sa labas sa 7-eleven ng dinner namin para hindi na kami mag luluto gutom narin kasi kaming dalawa, una nagkakahiyaan pa kaming kumain, ang liit lang kasi ng lamesa sa 7-eleven tapos magkaharap pa kaming dalawa pero mas malakas ang gutom namin kesa sa hiya kaya naman napakain parin kami.
pagkatapos naming kumain naglakad na kami pauwi sa bahay nila Kristian, sobrang bagal nyang maglakad na para bang tamad na tamad sya pero mas okay sakin to kasi mas makakasama ko pa syang maglakad, ngayon lang nangyari to na sabay kaming maglakad yung talagang halos magkatabi na kami, gusto ko sana syang kausapin pero pakiramdam ko ayaw nyang makipag-usap hindi rin kasi sya tumitingin sakin.
pagkarating namin sa bahay nila tumingin muna ako sa bahay namin, nakakamiss din palang umuwi sa bahay namin, kamusta na kaya sila mama? umakyat na sa kwarto si Kristian pag pasok ko nakita ko syang nakaupo sa kama at mukang busy sa cellphone nya kaya naman kinuha ko yung towel ko at yung pampapalit kong damit, sabay nagtungo nako sa CR para maligo.
pagkatapos kong maligo at magbihis sa loob ng CR umakyat nako sa kwarto at nakita ko si Kristian na nakadungaw sa bintana nya kung saan nakaharap sa bintana ko, may kausap sya sa telepono, pinakinggan ko kung sino yung kausap nya at parang yung Mommy nya yung kausap nya, anong meron? oh baka na-ngangamusta lang si Tita. kinuha ko yung telepono ko na nakalapag sa table ng lamp shade sa ulanan ng kama at binuksan ko yun cellphone ko, may one message ako kaya agad kong binasa, Galing kay Mama.
Mama
Nak, kamusta kana? i hope okay ka. babalik na kami bukas.
nireplyan ko agad si mama ng mabasa ko yung message nya.
I'm doing fine Ma, okay naman si Kristian sakin. Thank you Ma. ingat kayo ni Tita sa pagbalik.
dahan-dahan ko pang pinundot yung send button sabay tingin kay Kristian na nakatalikod ngayon sakin at kausap parin yung Mommy nya.
akala ko hindi na matatapos tong masayang araw nato, ang akala ko hindi nako magigising sa magandang panaginip na nangyayari sakin ngayon, pero nawala sa isip ko na ang lahat ng ito ay hindi permanente....
mang yayari at mang yayari tong kinakatakutan ko.
halos gumuho ang mundo ko ng mabasa ko ang text ni mama, dont get me wrong syempre nami-miss ko rin si mama at gusto kong makasama sya pero nalulungkot lang ako at the same time dahil alam ko na maghihiwalay na naman kami ni Kristian ang kinakatakot ko pa ay bumalik na naman sa dati yunh relasyon namin dalawa yung parang wala lang... na para bang hindi ako nag e-exist sa mundo nya.
bakit ganito yung nararamdaman ko di ba dapat masaya ako? kasi makakabalik nako sa sarili kong bahay sa sarili kong kwarto, matutulog na ulit ako mag-isa pero somewhere inside me parang may kirot akong nararamdaman, bakit nalulungkot ako?.
"tumawag si Mama." sabi ni Kristian ng humarap na sya sakin, pinigilan ko yung pag luha ko pero namumuo na ang luha ko sa mga mata ko.
"sabi nya uuwi naraw sila bukas.." dagdag pa niya.
"uhmm" pag sagot ko sa mahinang boses. sabay tingin sa baba.
narinig ko na huminga sya ng malalim at umupo sa kama.
"okay nayun, at least diba makakabalik kana sa sarili mong kwarto at ako maso-solo ko na at last tong kwarto ko." sabi nya pa pero hindi ako sumagot sa sinabi nya nakayuko lang ako at iniisip kung anong mangyayari samin.
"hindi na tayo mapipilitan pa na mag-usap kasi magkahiwalay naman na tayo." sabi nya sabay ngiti, agad akong tumingin sakanya ng sabihin nya yun. halos madurog yung puso ko sa sinabi nya, kung ganon napipilitan lang pala syang kausapin ako dahil nakatira kami ngayon sa iisang bahay?
tumingin sya sakin pero iniwas ko agad yung tingin ko dahil ayokong makita nya na halos maluha-luha na ako.
narinig ko ulit sya na huminga ng malalim.
"tara! akyat tayo sa taas." napatingin agad ako sa kanya ng sabihin nya yun.
"ha?!"
tumayo sya sa pagkakaupo nya at pumunta sa rooftop nila, wait may rooftop sila? ngayon ko lang nalaman pero actually maliit lang na rooftop to parang rooftop tas pader then yung bubong na mismo nila. umupo sya sa gilid at sumandal sa pader sabay tumingin sa langit.
lumapit ako at dahan-dahan akong umupo at sumandal din sa pader habang nakatingin sa kanya. tumingin sya sakin na agad naman nag paiwas ng tingin ko at tuluyan ng umupo.
"bat ang layo mo pwede ka naman dito oh" tinuro nya yung pwesto malapit sakanya sabay tumingala ulit sa langit.
umusog lang ako ng kaunti, tumingin ako sakanya na ngayo'y nakapikit na.
ang sarap ng hangin dito ang lamig! parang buwan na ng disyembre ang simoy at amoy ng hangin parang magpapasko na. tumitig ulit ako sakanya, pinagmasdan ko yung mukha nya ang tangos ng ilong nya at yung labi nya.. sobrang ganda. napa-iwas nalang ako ng tingin ng bigla nyang binuksan yung mga mata nya at napatingala nalang ako sa langit, sobrang ganda ng langit parang pinasamang itim at asul ang kulay nito, sobrang dami pa ng bituin na animoy kumikislap lang saming dalawa.
nakaupo lang kaming dalawa sa ilalim ng liwanag ng mga bituin at buwan, walang nagsalita saming dalawa para bang masaya na kaming magkasama at pinag-mamasdan ang mga bituin habang nilalanghap ang simoy ng malamig na hangin.
hindi ko narin alam kung ilang oras kami sa ganong posisyon basta ang alam ko masaya ako sa mga oras nayun at magsisilbi itong regalo mula sakanya at itatago ko tong moment nato sa isip ko at sa puso ko.