Chapter 13: back to reality

1759 Words
Pag gising naming dalawa ni Kristian, parang wala sya sa mood, tumitingin lang sya sakin na mas lalong nagpapahirap sakin. "Mukang ito na yung huli na magkakasabay tayo magbreakfast" pagputol ko sa katahimikan naming dalawa pero ngumiti lang sya sakin. "Babalik na ulit tayo sa normal nating mga buhay." Sabi nya. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti pero deep inside ang sakit ng nararamdaman ko. Parang isa narin to sa mga araw na sobrang lungkot ko. Pagkatapos ng klase namin agad akong tumakbo sa room nila Kristian pero wala na sya kaya naman nagmadali akong umuwi sa bahay nila. Pumasok ako sa gate nila at binuksan yung pinto. "Oh? Jepoy, kamusta?" Bungad sakin ng Mommy ni Kristian. Nakita ko rin si Kristian na pinupunasan ng tuwalya yung buhok nya na para bang katatapos nya lang maligo. Nawala sa isip ko na hindi na pala ako nakatira dito. "Ay sorry po Tita, ahh kukunin ko lang po sana yung mga gamit ko." Palusot ko. "Ay nako, kinuha na lahat ng Mommy mo kanina nung dumating kami." "Ah ganun po ba, sige po ahmm ano... isosoli ko na po pala tong susi nyo." Sabi ko sabay tingin kay Kristian. Nagtama pa yung mga mata namin pero umakyat na sya bigla ng kwarto nya. "Nako salamat Jepoy ha." "Sige po, una na po ako." Paalam ko sabay nagmadali nakong umuwi sa bahay. Wala akong susi ng bahay kaya naman kakatok sana ako pero bago ako kumatok inikot ko muna yung door knob. Nakabukas yung pinto kaya naman di ko na kinailangan pang kumatok at pumasok nalang ako. "Ma!" Sigaw ko sabay yakap kay mama. "Oh bakit ganyan itsura mo parang natalo ko sa sugal" "Wala po ito ma, masaya lang po ako na andito na po kayo." Sabi ko sabay nagpaalam ako na aakyat nako ng kwarto. Pagkatapos ko kumain at maligo sinilip ko ang bintana ni Kristian na nakabukas pa ang ilaw. Iniisip ko kung kamusta na kaya sya?... kung ano yung ginagawa nya ngayon. Pero hindi pa nakakalipas ang limang minuto na tinitignan ko yung bintana nya bigla nang namatay ang ilaw. Parang ang aga naman ata nyang matulog ngayon. Kinabukasan, parang nagbago ang lahat parang bumalik na naman kami sa simula. Pero ngayon hindi ko na makita ang anino ni Kristian. Pag nasa school naman kami, pag nagkakasalubong kami ni hindi na sya namamansin kahit pa na binabati ko sya, Ano bang nangyari sakanya? Ilang araw nakong iniiwasan ni Kristian, ganito nalang ba kami? sa isang iglap babaliwalain nalang ba nya yung napag samahan namin? Siguro naman kahit papano, ngayon, kahit konti lang! siguro naman may katiting na syang nararamdaman sakin bilang kaibigan nya. Hindi nako nakatiis pa kaya naman hinintay ko sya malapit sa room nila, gusto ko syang kausapin gusto kong itanong sakanya bakit bigla syang nagbago, gusto ko ng rason, gusto ko ng sagot sa mga katanungang gumugulo sa isip ko. "Kristian, pwede ba tayong mag-usap." Nilaksan ko na ang loob ko. Humito sya sa paglalakad. "May gusto sana akong sabihin sayo pero hindi sana dito." Lumunok ako ng laway. "Magkita tayo sa CityMall mamayang alas sais, please?" Sabi ko, tumingin lang sya sakin at nagpatuloy ng maglakad. Maglalakad na sana ako papuntang room namin ng pagtalikod ko nakita ko si Jerold na nakatayo malapit sakin. "Jerold?" Mukang hindi okay yung muka nya. Ngumiti lang sya sakin ng napakaliit sabay naglakad narin sya papasok sa room nila. Pagkatapos ng huling klase ko agad akong pumunta sa room nila Kristian para tignan si Kristian pero wala na sya kaya naman si Jerold nalang yung tinanong ko. "Jerold, buti andito kapa. Nakita mo ba si Kristian?" "Umalis na sya, may pupuntahan paraw sya, pupunta ata syang CityMall eh gusto ko nga sanang sumama kaso ayaw nya, may dadaanan paraw kasi sya bago pumunta dun. Sige pala mauna nako sayo....uuwi nako." Sabi ni Jerold na agad ko naman pinasalamatan halos lumundag yung puso ko sa saya ng marinig ko yun, kaya naman nagmadali akong pumunta sa Mall kahit pa na hindi ito kalayuan sa school namin. Naghintay ako malapit sa entrance ng mall para makita ko agad sya pag pumasok sya. Pero nakailang bilang nako ng mga taong pumapasok dito, hindi parin dumadating si Kristian, nasan kanaba? kanina pa ako naghihintay dito, please naman.... wag mo naman gawin sakin to. wag mo naman akong pagmukaing tanga dito sana dumating ka. Hindi naman nya siguro ako paghihintayin sa wala. Malamang hindi pa tapos yung dinaanan nya. tinatawagan ko yung cellphone nya pero unattended yung number nya hindi ako maka-alis kasi baka mamaya papunta na sya tapos nadead batt lang yung telepono nya. yung alas sais, naging alas otso, yung alas otso naging alas nueve. hanggang magsara na ang ibang mga stall at store sa loob ng mall napaupo nalang ako sa gilid habang umiiyak, sobrang sakit! ang bigat sa puso parang unti-unti akong nauubos kasabay ng mabigat na bagay sa dibdib ko sobrang kirot ng puso ko, gusto kong sumigaw, magwala pero lahat ng yun dinaan ko nalang sa iyak hanggang i-assist na ako ng security guard papalabas ng mall dahil magsasara na. Habang naglalakad ako naisip ko na hindi kaya may nangyari na kay Kristian? Bakit hindi sya nakarating? Pilit kong iniisip na may rason kung bakit di sya nakapunta pero mas matimbang yung isip ko na sinadya nyang hindi pumunta... ano bang nagawa kong kasalanan sakanya? bakit nya nagawa sakin to? para akong lumulutang habang naglalakad pauwi, ng makarating ako sa bahay namin tumingin ako sa bahay nila Kristian at naglakad papunta sa harap ng gate nila, nakapatay lahat ng ilaw sa bahay nila marahil ay natutulog na sila. Humawak ako sa bakal na gate at napaiyak nalang. "Sobra ka Kristian... sobra ka...?" Sabi ko habang umiiyak ng tahimik. "Jepoy?" Isang boses ng lalaki mula sa likuran ko. Humarap ako at nakita ko si Jerold na mukang alalang-alala. "Jerold? A-anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan kong sabi sabay palihim na pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. "Napadaan lang ako. O-okay kalang?" Tumingin ako sakanya napansin ko na parang naluluha narin yung mga mata nya napatingin ako sa damit nya at ayun parin yung suot nya taliwas sa sinabi nya kanina na uuwi na sya. "Okay kalang ba?" Pag ulit nya. Hindi ko na napigilan pa yung sarili ko at agad na napatakbo sakanya para yakapin sya. "Okay lang yan, okay lang yan." Sabi ni Jerold habang hinihimas himas yung likod ko, umiyak lang ako ng umiyak sa mahinang boses dahil kahit masakit ayoko rin namang gumawa ng iskandalo dito sa lugar namin lalo na, na nasa tapat lang ako ng bahay. "Anong kasalanan ko sakanya, Jerold? Anong kasalanan ko... sabihin mo nga sakin, bakit nagawa sakin to ni Kristian?Bakit..." sabi ko habang umiiyak parin. Ilang minuto rin akong nakayakap habang umiiyak sa mga bisig ni Jerold hanggang sa mahimasmasan ako. Pumunta muna kami sa waiting shed sa sakayan ng bus para ayusin yung sarili ko bago umuwi. "Ilang taon... ilang taon kong minahal si Kristian. Ilang taon akong nabuhay sa anino nya. Minahal ko naman sya pero..... Pero san ako nagkulang?... San ako nagkamali? Bakit--- Ang sakit sakit... Ang sakit sakit na mahalin sya.. pero kahit masakit ang kulit parin nitong puso ko pinipilit nya paring ipagsiksikan yung sarili nya sa taong hindi naman sya mamahalin." Sabi ko sa malungkot na boses. "Hindi mo pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi pwede Jepoy. Minsan may mga bagay na gusto natin, pero hindi para satin.. ang pwede lang natin gawin ay tanggapin yun." Sabi ni Jerold sa napakasakit na tono ng boses na para bang nang gagaling yung sa sarili nya. "Anong ibig mong sabihin?" "H'wag na tayong magbulag bulagan pa Jepoy, siguro naman kahit minsan may oras na naisip mo o sumagi man sa isip mo na baka may gusto ako sayo." Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin yun ni Jerold. Hindi ko inaasahan na i-oopen nya yun ngayon, Pero sa totoo lang kahit minsan, hindi ko pinag-isipan ng ganun si Jerold dahil para sakin kaibigan ko sya at ang puso at isip ko ay naka-focus lang kay Kristian, siguro tama nga sya, siguro may mga pagkakataon na pinaparamdam nya sakin yun pero dahil ang atensyon ko ay nakay Kristian hindi ko yun nararamdaman. "Pero Jerold, alam mo naman diba na--" "Alam ko naman yun, (ngumiti sya at tumingin sakin) alam ko naman yun... kaya hindi mo na kailangan pang sabihin sakin.. tanggap ko naman na kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin." Sabi nya nakatingin parin ako sakanya kaya nakita ko na nasasaktan sya sa sitwasyon namin pero nakangiti parin sya. "Mangako ka lang sana sakin Jepoy, na sana wag mo ng ipagsiksikan pa yung sarili mo kay Kristian... kasi sa twing ginagawa mo yan. Ako ang nasasaktan para sayo. Kahit duon lang sana Jepoy, kahit duon lang. Sana mapagbigyan mo yung hiling ko." Paki-usap sakin ni Jerold na hindi narin napigilan pa yung pagluha. "Salamat sa pagmamahal Jerold at salamat dahil alam ko na hindi kalang napadaan dito, Alam ko na sinamahan mo rin ako sa mall." Tumingin lang sya sakin at pinunas ko yung mga luha nya sa mga mata nya. Actually di ko sya nakita sa mall pero ayun yung pakiramdam ko dahil ano naman ang gagawin nya dito sa lugar namin? "Sana okay parin tayo, kahit ganito yung nangyari sating dalawa." Hindi sya sumagot bagkus tumango lang sya bilang pagsagot ng oo. "Pasensya kana Jerold kung hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo, kasi una palang naman alam mo naman na diba na ang puso ko nakay Kristian na." Sabi ko sabay hawak sa balikat ni Jerold pero agad syang tumayo. "Pano, anong oras narin... tara na." Aya niya at hinatid nya ko sa labas ng gate namin. Huminga ako ng malalim. "dito nako, salamat ha, ingat ka... at sorry.." "Basta yung hiling ko sayo ha!" Sabi nya sabay ngiti pero namumuo ang mga luha nya sa kanyang mga mata. "Susubukan kong kalimutan tong nararamdaman ko, hindi ko na ipagsisiksikan yung sarili ko sakanya." Sabi ko. Nagpaalam sya gamit ang kanyang mga kamay at umalis na. Naisip ko na tanggapin nalang yung pagmamahal ni Jerold kasi alam ko mismo kung gano kasakit yung nararamdaman nya pero ayokong maging selfish... ayokong mahalin sya dahil hindi ako mahal ng taong gusto ko. Hindi patas na sya lang ang mag mamahal saming dalawa dahil baka dumating yung panahon na mauubos sya dahil sakin at ayokong mangyari yun. He deserve more, yung mas okay kesa sakin, yung mas mamahalin at pasasayahin sya ng lubos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD