“Are you listening Gemma?”
Awtomatiko namang dumako ang tingin ko sa kaniya. At tinapunan ko ito nang malamig na tingin.
Halos mabagot na akong kasama ito. Gusto ko nang matapos na ang araw dahil pawang nasusuka na akong makita ito sa harapan ko.
Puro lang naman kayabangan at kahanginan ang lumalabas sa bibig nito. Nakakasawa nang pakinggan at naririndi na rin ang tainga ko sa paulit-ulit nitong sinasabi.
“I am the most powerful business man, you know malaki ang impluwensiya ko sa lahat, sigurado kapag pinakasalan mo ako, lahat makukuha mo. Hindi lang karangyaan kun’di kasikatan,” saad nito at bakas sa boses nito ang pagiging antipatiko.
Kusang gumuhit na lang ang ngiti sa aking labi. Napakataas nang tingin nito sa kaniyang sarili, nakakatawa.
“Talaga? Kung gano’n napakasuwerte ko nga talaga sa’yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya at taas kilay ko itong tiningnan.
Napatango naman ito nang sunod-sunod. At ginantihan ako nito nang malawak na ngiti.
“Oo naman, kaya talagang---”
“Pero ikaw mukhang minalas ka sa ‘kin kasi wala kang mapapala. Wala akong maibibigay sa’yo,” sambit ko na ikinahinto nito sa pagsasalita.
Ngunit nanindig naman ang balahibo ko nang bigla itong napangiti. Nakakaasiwa ang paraan nito nang pagngiti. Pawang nakakapang-init nang ulo at nakakasira nang araw.
“It’s okay. Alam ko namang ibibigay mo sa ‘kin ang gusto ko. Hindi ba? Ibibigay ko sa’yo ang yaman at katanyagan at siguradong ibibigay mo rin sa akin ang aking kaligayahan,” pawang namamaos na ani nito.
Kusang napakunot noo naman ako nang maramdaman kong sinagi ng paa nito ang legs ko. Kahit ‘di ako lumingon sa ilalim ng lamesa ay may kutob na ako sa masamang binabalak niya.
Napalunok ako nang maraming beses nang maramdaman kong tumaas ang paa nito pataas sa aking binti. Mahigpit kong hinawakan ang tinidor at namayani sa akin ang matinding galit.
“Let me feel your p***y Gemma, ikaw ang kabayaran sa maaaring matamo ng pamilya mo,” nakapangising saad nito at tiningnan ako nito na puno nang pagnanasa.
Bago pa makarating ang talampakan nito sa aking kaselanan ay agad kong hinawakan ang tinidor at marahas na tinusok ito sa paa niya.
Napatayo naman ito sa sobrang sakit kung kaya’t napadako ang atensyon sa amin nang lahat. At kitang-kita sa mukha nila ang gulat nang nasilayan nila ang mabilis na pag-agos ng dugo sa paa ng lalaking ito.
“f**k Gemma! How dare yo---”
Awtomatiko itong napatigil nang makita niya ang dugo sa kaniyang paa at mabilis na lang itong namutla at bakas sa mukha nito ang panghihina.
“Sht! Blood!”
Wala pang isang segundo ay bigla na lamang itong nawalan nang malay at agad na napasalampak sa sahig.
Kusang gumuhit na lamang ang malademonyong ngiti sa aking labi.
**
“Tapos na ba? Wala na ba kayong ibang matanong?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.
Awtomatiko namang napatingin ang mga pulis sa isa’t isa.
Hindi ko na sila binigyan pa nang pagkakataon magsalit, bagkos ay pinakita ko na lamang sa kanila ang ebidensya.
“Lahat ng maaari niyong itanong ay nakarecord na sa video na iyan. Kitang-kita naman siguro diyan ang pambabastos na ginawa niya sa akin. Siguro naman may karapatan ako para lumaban hindi ba? Hindi ko na rin kailangan pa ng abogado para mag-explain sa side ko dahil nasa video na lahat ang katotohanang gusto niyong malaman. Kaya alam niyo na kung sino ang huhulihin niyo at ang totoong may kasalanan sa nangyare,” matapang na saad ko sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang ang mga pulis. Alam ko naman kung kanino sila papanig kaya’t inunahan ko na. Hindi ako makakapayag na siya ang magmumukhang biktima rito.
“Salamat sa impormasyon Ma’am Gemma, huwag kang mag-alala makakarating ito sa husgado,” nakangiting saad sa akin ng chief of police nila.
Agad naman akong napangisi dahil kahit anong galing nito sa pagpanggap ay huling-huli ko ang pekeng ngiti nito at pagbabaliktad sa akin.
“Sana nga makarating sa kanila ang totoong nangyari at hindi mabaliktad ang sitwasyon,” makahulugang ani ko sa kanila.
Binigyan naman nila ako nang maaliwalas na ngiti na alam na alam ko na ang ibig sabihin. Ngunit ginantihan ko rin naman ito nang mas malawak na ngiti.
“Maaari ka nang umuwi, tatawagan ka na lang namin para sa susunod na paglilitis,” seryosong ani nito.
Napatango naman ako nang sunod-sunod. Dahil alam ko na ang maaaring resulta nito. Akala siguro nila ay hindi ko pinaghandaan ang maaaring kahinatnan nito.
Agad kong sinundan nang tingin ang cellphone ko kung nasaan nando’n ang video. Huling sandali ko itong tinapunan nang tingin dahil alam kong hindi ko na ito matatagpuan.
Tinapunan ko naman sila nang nakakalokong ngiti bago ako lumabas sa opisina na iyon.
Habang naglalakad ako ay dala-dala ko ang malawak na ngiti sa aking labi. Akala siguro ay maiisahan nila ako. Akala nila magagawa nilang manipulahin at baliktarin ang sitwasyon. Puwes nagkakamali sila.
Mahigpit ang hawak ko sa USB kung saan kinopya ko ang bidyo na nakasave sa cellphone ko na kinuha nila na sigurado akong ‘di na maibabalik.
Alam na alam ko ang paraan nila upang ako ang magmukha masama at ang lalaking iyon ang magmukhang biktima sa dulo. Ngunit ‘di nila alam kabisado ko na ang pakulo nila.
Awtomatikong sumilay ang malademonyong ngiti sa aking labi lalo nan ang salubungin ako ni Mikay. At halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
“Ayos ka lang ba Gemma? Anong nangyari sa’yo? May ginawa ba siya sa’yo? Gemma---”
“Relax Mikay, okay lang ako,” pagpuputol ko sa sasabihin nito at tinapunan siya nang tingin na alam na nito ang kahulugan.
“Huwag mong sabihing?” hindi makapaniwalang saad niya.
Dahan-dahan naman akong napatango at kusang namilog ang mga mata nito na ikinatawa ko nang mahina.
“Buhay pa ba siya? O machine na lang ang bumubuhay sa kaniya---”
Hindi ko na ito pinatapos pang magsalita at agad ko na itong sinagot dahil baka humaba pa ang usapan dahil sa kabaliwan nito.
“Buhay pa pero mukhang hindi na makakalakad,” simpleng sagot ko.
Halos mapanganga naman ito sa gulat at natatawa ako sapagkat ‘di ko maipinta ang mukha nito.
“Paanong hindi makalakad? Anong ginawa mo?” mabilis na tanong nito sa akin.
Pinaglaruan naman ng daliri ko ang hawak kong USB, at nilampasan ito’t nagtungo sa kotseng dinala nito.
“Masyadong malikot ang paa niya kung saan-saan pumupunta kaya ayan tinusok ko nang tinidor, tipong madiin, tagos sa kaniyang buto,” walang emosyong tugon ko naman agad sa kaniya at pumasok na sa driver seat.
Tulad nang inaasahan, wala pang ilang segundo ay agad itong pumasok sa passenger seat at tinadtad na ako nito nang sunod-sunod na tanong.
“Bakit mo ginawa iyon? Alam mo naman ‘di bang ikaw na naman ang magmumukhang masama? At saka alam mong ikaw ang magiging dehado sa huli? Ikaw ang mapapahamak at hindi na ikaw ang magiging biktima kun’di ikaw na iyong ikukulong at magiging suspe---”
Awtomatiko itong napahinto sa pagsasalita nang itaas ang USB na hawak ko.
“This time, I’m ready,” nakangiting wika ko sa kaniya.
Agad namang gumanti rin ito nang matamis na ngiti.
“Iba na ako ngayon Mikay, hangga’t may naiisip akong paraan, hindi ko hahayaan na sa dulo, ako ang matatapakan at laging naaapi. Kung wala mang kakampi sa akin, wala na akong pakealam, basta’t itatayo at iaangat ko na ang sarili ko sa sarili kong mga paa,” dagdag ko pa at bakas sa boses ko na ang matinding katapangan.