Chapter 5: Bar

1123 Words
    “Gemma? Tulala ka na naman? Kaya nga tayo nandito sa bar para mag-unwind ‘di ba? Kalimutan ang problema magsaya, magwalwal, magdiwang para sa ating kalayaan!” Napapailing na lamang ako sa kalokohan ng babaeng ‘to. Kitang-kita ko na sa mga mata nito ang matinding kalasingan at tila wala na ito sa tamang katinuan sapagkat sumisigaw na ito nang malakas at niyugyog pa nito ang katawan niya’t kinikembot pa ang kaniyang baywang at pilit sinasabayan ang malakas na tugtog na dumadagundong sa buong Bar. “Umuwi na tayo Mikay---” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na ako nitong tiningnan nang masama. “Uuwi? My god Gemma! Kaya lagi kang inaatake ng kalungkutan e! Kasi niyayakap mo ‘yong stress, hindi mo binibigyan ang sarili mo na makalaya, pinapasan mo pa ang bigat. Sinasabihan na kita e. Gusto kong matutuhan mo namang huminga,” seryosong saad nito at winawagayway pa nito ang kaniyang kamay. Napapikit na lamang ako sa aking mata nang mariin sa sitwasyon ng babaeng ‘to. Masyado itong nalunod sa alak, mabuti na lang at hindi ko iniinom ang mga binibigay nitong tagay sa akin. Dahil mahirap kung malasing kaming dalawa, sapagkat kitang-kita naman na maaari lang kaming mapahamak sapagkat sobrang ngarag na ngarag at halos ‘di na mapakalma si Mikay sa kakawala. Paano na lang kaya ‘pag ako pa ang nalasing. “Oh ano Gemma? Hindi ka makasagot? Tama naman ako hindi ba? Masyado  mo kasing kinukulong ang sarili mo sa mundong ‘yan! Bakit ‘di mo ako tularan hindi ba? Look at me? I’m not rich! Wala akong guchi bag, puro class A lang ang mga damit, sapatos at bags ko! But hell yeah, may tahimik at payapa akong mundo! I can do whatever f*****g I want! I have my own freedom and own wings to fly fly fly!” Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatitig nga ako sa kaniya. At nakaramdam ako ng inggit sa buhay na mayroon ito. Napakasimple ng buhay ni Mikay, lahat ng pinapangarap kong buhay ay nasa kaniya na. Lalo na ang ang tanging hinahangad ko na magkaroon ako. Ring* Awtomatiko itong kumalma nang marinig nitong nag-ring ang kaniyang cellphone at kusang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya kung sino ang tumatawag. Mabilis niya naman itong nasagot at napatawa ako nang mahina nang biglang naging malambing at pabebe ang boses nito. “Hello Ma, andito po ako sa Bar, kasama si Gemma.” “Opo Mama, safe at behave na behave kami. Hindi pa kami lasing.” “ Oo Ma, aba maniwala kayo na wala pa akong masyadong maiinom. Makakauwi pa ako nang diretso ang lakad.” Napangiti na lang ako sa paraan nang pakikipag-usap nito sa kaniyang ina. ‘Yon ang pinakamalaking bagay na wala ako at ‘di kayang tumbasan ng yaman na mayroon ako ang buo at suportadong pamilya ni Mikay na kahit kailan hindi ko makakamtan. “Gemma! Halika na sa dance floor imbes magtulala ka riyan ay sumayaw na lang tayo at baka makahanap ka pa ng boylet,” sigaw niya sa akin at kahit na tagilid na ito maglakad ay nagawa pa nitong hawakan ang kamay ko. Pipigilan ko na sana ito nang tapunan ako nito nang tingin na punong-puno nang pagmamakaawa at pakiusap. Bumagsak na lamang ang balikat ko at walang nagawa kun’di magpahila na lang sa kaniya. At ‘di naman ako mapakali nang makarating kami sa gitna at napapalibutan kami ng mga taong mukhang may tama na rin at mga lasing na sapagkat halos magwala na ang iilan sa pagsayaw pa lang. Inaalayan ko naman ang kaibigan ko sapagkat maraming lalaki ang dumidikit sa kaniya. Ngunit masyadong magaslaw si Mikay kaya’t ‘di siya mahawakan nang maayos. At sinasagi pa ako ng mga lalaking gustong makipagsayaw sa kaniya. “Teka Mikay, halika na umuwi na tayo.” Kahit anong sigaw ang gawin ko ay tila hindi nito naririnig dahil sa lakas ba naman ng tugtog sa Bar kaya kahit maputol na ang litid ko sa leeg kakasigaw ay hindi niya ito mapapansin. Nakapikit pa ang mata niya at talgang kagat labi pa ito habang mahigpit ang pagkakapulupot ng kamay ng lalaki sa baywang niya. Iritang-irita ako habang tinitingnan sila sapagkat napakasagwa nito sa mata at ‘di pa nakaligtas pa sa paningin ko ang pagdikit ng lalaki ng kaniyang harapan sa kaibigan ko. Kiniskis niya pa ito at pawang sinasadya talagang ipinapatama ito.  Si Mikay naman ay tila wala na sa sarili at ‘di na niya alam ang ginagawang kabastusan sa kaniya dahil halatang halata na sa mukha nito na nasobrahan na ito nang kalasingan. Kahit anong siksik ko ay ‘di ako makalapit sa kanila at laking gulat ko na lamang nang biglang may humatak sa akin at namimilog ang mata kong tiningnan ito. “Ang pangit ng taste mo sa damit, parang nasa panahon ka pa ng ninuno ko pero pagtatiyagaan na lang kita. Pahiram ng labi mo ha, old woman.” Napanganga naman ako sa mga sinambit nito at sa paraan nito kung magsalita. ‘Di ko naman mawari kung bakit walang salitang lumabas sa bibig ko bagkos ay nanatili akong nakatanga sa harap niya at pilit na iniisip ang salitang binigkas nito. “Anong sabi mo? Pahiram ng---” “Pahiram ng labi mo kako, talagang matanda ka na ano? Humihina na rin ang pandinig mo,” seryosong saad nito na ikinalaki naman nang mata ko. “Excuse me---” “Mamaya ka na dumaan, hahalikan pa kita.” Bago pa ako makamaang ay bigla na lamang nitong hinawakan ang panga ko’t walang pasabi ako nitong siniil nang halik. Nabigla naman ako sa galaw nang dila nito. Halos kusang lumalaki ang mata ko sa bilis at malikot nitong paraan na paghalik sa akin. Halos malunod ako’t kahit ‘di ako nakainom ay pawang nalasing ako sa halik niya. ‘Di ko mawari kung bakit tila natuod ako at wala akong ginawa para pigilan ‘to bagkos ay ninamnam ko ang paraan nito nang paghalik at pagkagat sa ibabang labi ko. At ‘di ko namamalayan na nagagawa ko na palang tugunan ang halik nito. Awtomatiko na lamang naghiwalay ang labi namin nang makaramdam kami ng hingal dahil sa bilis at pagkasabik na paraan ng aming halikan. Do’n ako biglang natauhan at agad-agad ko siyang tinulak papalayo sa ‘kin at ang palad ko ay marahas kong idinampi sa pisngi nito. “Late reaction huh? Pero para saan ang sampal mo? Mukhang mali ka ‘ata ng pagkakasampal, dapat sarili mo ang sampalin mo para magising ka naman at ‘di na matulala sa halik na ibinibigay ko sa’yo,” nakapangising saad niya at tiningnan ako nang nang-iinsulto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD