Chapter 6: Kiss

1632 Words
Napakurap-kurap na lamang ako sa sinambit ng lalaking ‘to. Napakapal naman talaga ng mukha ng estranghiyong ‘to. “Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? Bigla-bigla kang manghahalik---” “Bukod sa mahina na ang pandinig mo, ulyanin ka pa. Sadya talagang tumatanda ka na. Kunsabagay halata naman sa pagmumukha mo,” sarkastikong saad niya. Halos sumingkit naman ang mata ko sa sinambit nito. At ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ngunit agad nitong hinarang ang daliri niya sa labi ko. “Hindi ako basta-basta humalik sa’yo. Nagpaalam na ako sabi ko kanina bago kita halikan, pahiram nang labi mo,” walang emosyong dugtong pa nito at agad na inalis ang daliri niya sa labi ko. “Pero pumayag ba ako---” “Pumayag ka man o hindi basta nagpaalam ako. At saka puwede ba ‘wag ka ngang umakto na hindi mo nagustuhan ang halik ko sa’yo. Hinahabol mo nga ang labi ko’t tumugon ka pa sa halik ko,” iritableng ani nito sa akin at tinapunan ako nang tingin na pawang nanggigigil ito sa akin. Ngunit ‘di ako natinag sinalubong ko ang malamig nitong tingin. Hindi naman ako makakapayag na bastusin ako nito o ‘di man lang respetohin.   “Wala ka sa tamang pag-iisip. Kailangan marunong kang rumispeto sa babae. Kahit nagpaalam ka pa kung ayaw ko, respetohin mo iyon. Kalalaki mong tao napakahangin at napakataas pa ng tingin mo sa sarili mo,” singhal ko sa kaniya. Kahit na napakalakas ng tugtog sa bar ay siniguro kong maririnig nito at malinaw sa pandinig niya ang mga salitang sinambit ko. Nakaramdam naman ako nang pang-iinsulto nang tumawa ito nang malakas. At pawang nang-aasar pa ito. “May nakakatawa ba sa sinabi ko---“ “Sa tingin mo?” pagpuputol niya sa sasabihin ko at awtomatiko naman akong napaatras nang bigla na lang itong lumalapit sa direksyon ko. Matinding kaba naman ang namayani sa akin at halos mabingi pa ako sa lakas nang t***k ng puso ko at tila sumasabay sa bawat beat ng tugtog dito ang malakas na pintig ng dibdib ko. “Lumayo ka sa akin, huwag na huwag mo akong lalapitan. Hindi ako natatakot sa’yo!” malakas na sigaw ko sa kaniya. Gumuhit naman ang malademonyong ngiti sa kaniyang labi. At nang-aasar pa talaga itong nakatuon ang tingin sa akin. “Hindi ka natatakot pero bakit umaatras ka? Ang tinatawag na matapang, umaabante. Hindi tumatakas,” seryosong saad nito at halos matunaw ako sa paraan ng titig niya sa akin. Dahil sa sinambit niyang iyon ay agad kong inihakbang ang mga paa ko pasalubong sa kaniya. “Oh ano masaya ka na? Sa tingin mo talaga uurungan kita---” “Kailangan ka pa pa lang pagsabihan bago lumaban, well ‘di na ako nagulat dahil basa ko pa lang sa’yo wala kang sariling paninindigan. Hindi ka marunong tumayo sa sarili mong mga paa. May remote na nagpapakontrol sa’yo. Isa ka lang sunod-sunuran at hindi kayang mag-isa.” Sa isang iglap ay biglang naglaho ang ngiti sa aking labi at tila natulala ako sa mga salitang binitiwan nito. At ‘di na ako nakamaang pa nang ngisian ako nito at sa mga tingin niya ay pawang binababa pa lalo ang pagkatao ko. Wala ng salitang lumabas pa sa bibig ko hanggang sa umalis na ito’t sinundan ko na lamang nang tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko ang lalaking iyon. Ang lalalim ng mga sinabi nito at tila kilalang-kilala nito kung sino talaga ako. Bigla na lamang akong natauhan nang maramdaman kong itinulak sa akin ng isang lalaki si Mikay na halos hindi na makatayo sa sobrang kalasingan. Tinapunan ko naman nang masamang tingin ang lalaki ngunit napakunot-noo ako nang mapansin ko ang ekspresyon ng mukha nito na nababalutan nang matinding kaba at takot at mabilis na umalis. Agad namang dumako ang tingin ko kay Mikay na halos wala nang lakas. Napapakamot na lang ako sa aking batok dahil sa pinanggagawa ng babaeng ‘to. “Napakabigat mo!” reklamo ko sa kaniya at nagkandaugaga akong alalayan ito. Hindi n anito natatapak pa nang maayos ang kaniyang paa sa sahig kaya halos magkandakuba ako sa pag-akay sa kaniya hanggang sa makarating kami sa park kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Halos matumba-tumba kami ngunit pinilit ko talagang isinakay ito sa sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag nang maipasok ko ito sa passenger seat. At halos habol ang aking hininga dahil sa matinding pagod. Dali-dali naman akong nagtungo na sa driver seat at mabilis na pinaandar ang sasakyan. At tinungo agad ang bahay ni Mikay. Agad ko namang tinawagan ang mama niya para salubungin kami at nang makarating ako ro’n ay nakita ko na ang nanay nitong nakatayo na sa tapat ng gate at pawang nag-aabang at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Mabilis naman akong bumaba sa sasakyan at agad-agad itong sumalubong sa akin. “Iha ayos lang ba kayo? Nasa’n ang anak ko? May nangyari ba? May nambastos ba sa kaniya---”   “Tita kalma lang po. Ayos lang si Mikay. Ayos lang kami. Nasobrahan lang talaga siya sa pag-inom kaya ayon hinang-hina siya. Pero don’t worry tita kasi sinigurado ko namang okay siya at ‘di siya mapahamak. Hindi ako uminom para siguradong safe kami pag-uwi,” pagpapakalma ko sa kaniya. Pagkakita lang kasi nito sa akin ay agad na akong pinutakte ng tanong at pawang ‘di na ito mapakali. Nagmamadali naman akong buksan ang pintuan ng passenger seat at awtomatikong napahinga nang maluwag si Tita n ang makitang mahimbing ng natutulog si Mikay. Kusang sumilay naman ang ngiti sa labi ko nang makita kong hinalikan nito ang noo ng kaniyang anak. “Mama!” parang batang saad naman ni Mikay, nakapikit pa rin ang mata nito ngunit naramdaman na niya agad ang presensya ng kaniyang ina. Natutuwa akong pagmasdan silang dalawa sapagkat kitang-kita ko talaga ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kailan ko kaya mararanasan ang ganito? Ang maramdaman ang presensya at pagmamahal ng sarili kong ina? Tila kahit sa panaginip ay ‘di ko ‘yan mararanasan dahil kahit kailan ‘di naman ako nito tinuring na anak. Isa lamang akong tauhan nito na kailangan sundin ang bawat sasabihin niya. Hindi niya nga ako magawang maipagmalaki at matawag man lang na anak nito, mahalin pa kaya? “Gemma, okay ka lang ba? Halika na pumasok ka na sa loob at magkape.” Bigla akong napabalik sa reyalidad nang biglang magsalita si Tita kaya’t napadako ang tingin ko sa kaniya. At ‘di ko namalayang naihatid at naiakay na pala nila si Mikay papasok sa bahay nito. Mabilis naman akong napailing at nginitian ito. “Okay lang Tita, mauuna na ako. Kailangan ko na rin kasing magpahinga,” saad ko rito. Napatango naman ito at nagitla na lamang ako nang mabilis itong lumapit sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit. Kahit nagtataka ako ay ginantihan ko pa rin nang mahigpit na yakap. “Salamat sa pag-alaga sa anak ko Iha, mag-ingat ka sa pag-uwi mo,” malambing na ani niya at mabilis din nitong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. At ‘di ko mawari kung bakit kakaiba ang titig nitong pinukol sa akin. “Bakit tita---” “Napakabait mong tao Gemma, kaya napakasuwerte ng magulang mo at ikaw ang naging anak nila,” nakangiting saad nito sa akin. Pawang may kumirot naman sa puso ko nang marinig ko ang sinambit nito. “Hindi Tita, hindi nga nila ako matawag-tawag na anak nila kaya paanong suwerte sila sa ‘kin? Wala akong kayang gawin kun’di ang sumunod sa sasabihin nila,” tugon ko sa kaniya at tinapunan ko ito ng isang pekeng ngiti. Nangingilid naman ang luha ko at pinipigilan ko ang makakaya kong hindi ito pumatak. “Kung nabigyan lang ako nang pagkakataon na maging anak din kita ay ipagmamalaki kita dahil deserve mo iyon, kitang-kita ko pa lang sa’yo Luna na isa kang mabuting anak kaya kahit sinong magulang ay magnanais na magkaroon ng anak na katulad mo. Lahat kayang gawin para sa pamilya at talagang pinapahalagahan ang magulang. Malaking pasasalamat ng isang magulang kapag naging kagaya mo ang naging anak nila,” malambing na boses na saad niya. Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak at bumuhos mula sa aking mata. Kung kaya’t agad-agad ako nitong niyakap nang mas mahigpit. “Hindi ko alam Tita, lahat naman ginagawa ko para maging proud sila sa ‘kin pero bakit hindi pa rin sapat, bakit kulang pa rin sa kanila iyon?” mangiyak-ngiyak na saad ko at halos mahirapan na ako sa pagbigkas ng salita sapagkat sa walang tigil na pagpatak nang luha ko. “Sshhh. Hindi mo naman kayang gawin lahat para maging proud sila sa’yo o ‘di kaya maipagmalaki ka na nila sa lahat. Dahil alam mo Luna, sobrang nakakahanga ka na. ‘Yong pagkatao mo pa lang. Kaibigan ka ng anak ko kaya lagi ka niyang naikukwento sa akin at natutuwa ako sa tuwing binabanggit ka niya dahil lahat talaga ay pinapasok mo para lang sa magulang mo kahit ‘di mo iyon kagustuhan. Don pa palang Gemma, ang suwerte na nila sa’yo,” mahabang litanya nito. Tila wala nang salita pang gustong lumabas sa bibig ko bagkos ay ang mga luha na lamang mula sa mata ko ang walang hinto sa pagbuhos. Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likuran ko na senyales na pinapatahan ako nito. “Balang araw makikita rin ng magulang mo ang mga nagawa mo para sa kanila, sigurado ako na magsisisi sila sa kung ano man ang tratong binibigay nila sa’yo sapagkat sa darating na mga araw, maaabot mo ang sarili mong pangarap at makakausad ka sa sarili mong paa,” saad nito na naging dahilan sa pagtigil nang pag-iyak ko.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD