Chapter One: Matured mind

3134 Words
Gemma Point of View ''Mabuti pa si Letitia naka-graduate ng kolehiyo may honor pero ikaw wala! Bukol!'' malakas na sigaw ni mama habang marahas nitong binuksan ang pinto ng aming bahay. Ngayong araw na ito ay ang araw nang aking pagtatapos sa kolehiyo. Sabi nila ito ay isa sa pinakamasayang yugto ng buhay ng isang estudyante ngunit para sa'kin tinuturing ko itong pinakamasalimuot na tagpo sa buong buhay ko. Nasaksihan ko ang mga klasmeyt ko na halos maluha-luha sa saya ang kanilang mga magulang at kitang kita sa bawat mata nila kung gaano nila pinagmamalaki ang kanilang mga anak. Ngunit ako, kabaliktaran ito sa sitwasyon na mayroon ako. Kakauwi lang namin galing sa graduation ko ngayon. At imbis na pagdiriwang ang sasalubong sa'kin dahil sa wakas ay nalagpasan ko ang hirap sa pag-aaral ay ito ang bumungad sa akin. Si mama na walang ibang ginawa kundi ang sumigaw at ipaglandakan sa akin na wala akong silbi at ang aking ama na walang pakialam sa kung anong narating ko. ''Ma kahit wala naman akong honor atleast nakapasa ako! Atleast naka-graduate ako! Ito may hawak na akong diploma---'' ''Diploma? Aanhin mo 'yan kakainin? Dapat may nakasabit na medalya riyan sa leeg mo! Akala ko ba ginawa mo ang best mo pero bakit wala ka pa ring napala? Wala ka talagang utak! Napakahina mo!'' bulyaw nito sa'kin. At ang mga katagang sinambit nito ay tumusok nang madiin sa puso ko. ''Na-kuwento ko pa naman kay Luciana na magtatapos ka na at sinabi ko rin na isa ka sa mga may mataas na nakuhang marka sa klase mo! Pero ito, ano itong ginawa mo? Anong mukha ang ihaharap ko sa kumare ko ha? Mapapahiya na naman ako ng dahil sa katangahan mo!'' dagdag pa niya't diniin ang hintuturo nito sa noo ko. Awtomatiko namang tumulo ang mga butil ng luha sa mga mata ko. ''Anong iniiyak-iyak mo diyan? 'Wag mo akong idaan diyan sa pag-iyak mo!Nakakainit ka ng ulo----'' ''Ano na naman bang ingay 'yan Fatima?'' walang ganang saad naman ni papa na 'di man lang tinuon ang tingin nito sa amin bagkos ay abala pa rin ito sa pagpirma sa mga tambak na papeles sa kanyang lamesa. ''Itong anak mo! Walang utak! Pinaasa na naman ako sa wala. Akala ko pa naman magkakaroon na ng silbi pero wala pa rin! Hindi ko alam kung anong klaseng utak ang mayroon ang babaeng ito!'' nanggigil na sagot agad ni mama at dinuro-duro pa ako nito nang marahas. ''Hayaan mo na Fatima, basta't nakapagtapos siya sa pag-aral. 'Yon naman ang mahalaga,'' saad ni papa na nagpakalma sa akin ng ilang segundo. Ngunit tulad nang inaasahan ay lalong bumigat ang kalooban ko sa susunod nitong sasabihin. ''Tanggapin mo nalang na hindi kaya ng anak natin maabot ang expectations natin para sa kan'ya. Hanggang diyan lang ang kaya niya kaya wala na tayong magagawa roon.'' Napapikit na lamang ako nang mariin nang marinig ko na naman ang mga salitang iyon mula kay papa. Ang mga nakasanayan nilang mga salita na halos paulit-ulit nang pumapasok sa utak ko. Namanhid na ako nang tuluyan. At 'di ko na kayang ibuka pa ang bibig ko at sabihin sa kanila na ginagawa ko naman ang lahat. Napagod na akong patunayan sa kanila ang sarili ko, dahil hindi naman nila nakikita ang bawat hirap at tiyaga na binuhos ko upang abutin ang pangarap na gusto nila para sa akin. Lagi pa nilang pinapamukha sa akin na hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging magaling na puwede nilang ipagmalaki sa lahat. Hindi ko kayang maiangat ang sarili ko para sa kanila. Hindi sila nagsasawang ipaalala sa'kin na kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako magiging perpekto sa mga mata nila. Tingin lang nila sa akin ay isang anak na walang kwenta at walang mararating sa buhay. ''Hindi ko nga mawari kung anak ka ba talaga namin? Kung isa ka talagang Villarreal! Walang-wala ka sa kalingkingan ni Letitia!'' malakas na sigaw pa ni mama. Letitia. Ang pangalan na laging kaakibat ng kamalian ko. Ang pangalan na laging kinukumpara sa mga naabot ko. Ang pangalan na lagi nilang nasasambit kapag hindi ko nakuha ang mga gusto nito. ''Buti pa si Letitia! May utak! May diskarte! Kaya't napakasuwerte ni Luciana at nagkaroon siya ng anak na ganoon. Samantalang ako, ikaw! Ikaw ang anak ko pero wala! Hindi kita magawang ipagmalaki kasi gan'yan ka lang! Gan'yan ka lang kababa! Walang silbi!'' Paulit-ulit na dumagundong sa teynga ko ang mga binigkas na salita ng aking ina. Mahigpit na nakakuyom ako sa palad ko. At pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata ngunit 'di ko makayanan patigilin ito sapagkat pawang sasabog na ako dahil sa sobrang hinanakit na aking nararamdaman. ''Kailan ba ako nagkaroon ng silbi sayo mama? Sa inyo? Kailan ang araw na hindi niyo nakikita ang pagkakamali ko? Laging mali ko ang madalas niyong napapansin! Pero 'yong hirap ko! Naging bulag kayo!'' halos mapiyok na hiyaw ko sa kanila. Nanginginig ang bibig ko at ang buo kong katawan sa matinding emosyon na namamayani sa akin. ''Aba! Sumasagot sagot ka na! May maipagmamalaki ka na ba ha? Nakagraduate ka lang ng kolehiyo kung umasta ka para ka ng kung sino! Hoy! Palamunin ka pa rin! At mananatili kang palamunin habang buhay! Dahil wala kang utak!'' singhal naman pabalik sa akin ni mama at pinukulan ako nito ng pa-insultong mga tingin. ''Kung ako walang utak! Ikaw mama! Wala kang puso! Wala kang pakiramdam! Sarili mong anak minamaliit mo! Kung wala akong silbi! Ikaw wala ka namang kwentang ina---'' Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang isang malutong na sampal ang binigay nito sa akin. Halos mabingi ako sa lakas ng pagsampal nito sa aking pisngi ngunit tila wala akong naramdamang sakit dahil tuluyan na nga akong namanhid. Sisinghalan na sana ako nito nang may narinig itong kumatok sa pintuan. ''Fatima!'' Awtomatikong nagbago ang madilim na awra ni mama. Bigla na lamang umaliwalas ang kan'yang mukha at mabilis nitong pinakalma ang sarili. ''Umalis ka na sa harapan ko ngayon din!'' nakangiti pang ani niya at bakas rito na nagngingitngit ang ngipin niya sa matinding galit nito sa akin. Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha kong walang tigil sa pagpatak mula sa mata ko. At agad namang tumakbo si mama papunta sa pintuan upang salubungin ang inaasahan kong bisita niya. Napatingin naman ako kay papa na napailing-iling na lamang at 'di nakaligtas sa pandinig ko ang sinambit nito. ''Such a disappointment.'' Disappointment. Kahihiyan. Walang silbi. 'Yan ang katauhan ko bilang isang Gemma Villareal. ''Gemma!'' Napalingon ako agad sa nagsalita at hindi na ako nakamaang nang bigla ako nitong niyakap nang mahigpit. ''Letitia...'' ''Congratulations! I'm so proud of you! Sabi ko na nga ba makakapagtapos ka! And now you're a certifide accountant!'' masayang bungad nito sa'kin habang yakap-yakap ako nito. ''Thank you...'' mahinang tugon ko naman sa kan'ya. Kusa naman itong kumalas sa pagyakap at pawang nag- uusisa ang mga mata nitong nakatitig sa akin. ''Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba Gemma?'' tanong agad nito. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot ngunit mabilis namang sumingit ang aking ina. ''Umiyak 'yan dahil sa sobrang saya dahil sa wakas ay naka-graduate siya. Maski nga ako ay 'di makapaniwala na nalagpasan ng anak ko ang hirap sa kolehiyo. Nakakaiyak na nagawa ito ng anak ko. Bilang magulang niya ay napakasarap sa pakiramdam,'' mangiyak-ngiyak na saad ni mama. Napaikot naman ang mata ko sa ere. Mapagpanggap talaga ito. Ang galing nitong umarte na tuwang-tuwa ito. Samantalang kani-kanina lang ay pinagsisigawan ako nito at ipinamukha sa akin na isa akong malaking kahihiyan sa aming pamilya. ''Kumusta ang speech mo Gemma bilang isang comlaude? Sayang at 'di kami nakahabol. Napakabagal kasing magkilos ng apo ko na si Adam kaya na-late kami. Kaya't dumiretso na lang kami rito sa bahay niyo,'' ani naman ni tita Luciana habang matamis ang ngiti nitong pinukol sa akin. ''Ayos lang 'yon mare! Ayos naman ang speech---'' ''Hindi po ako comlaude.'' Hindi ko na hinayaang matapos ni mama ang sasabihin nito. Mabilis ko na itong inunahan kahit na alam kong magagalit ito sa gagawin ko. ''Pero ang sabi mo sa akin Fatima ay----'' ''It's okay! Comlaude man o hindi si Gemma atleast she did her best! And ang hirap kaya makapasa sa Accounting! Nakakadugo 'yan ng utak at nakakasira ng ulo! Kaya sobrang proud ako sa bestfriend ko at naka-survive siya!'' tuwang-tuwa namang sabat ni Letitia. Kaya't napatuon ang titig ko sa kan'ya at napangiti ako sa ginawa niyang pagtatanggol ulit sa akin. Yes. She's my bestfriend. 8 years ang tanda nito sa akin. Ngunit sobrang lapit ng loob namin sa isa't isa. Kambal-tuko nga ang bansag sa amin. Sapagkat sa lahat ng pagkakataon ay kami ang magkasama. Lagi rin kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay. Magkasosyo ang magulang namin sa negosyo. At isa sa aming dalawa ang mamamahala nito balang araw. At base sa nakikita ko. Si Letitia ang karapat dapat na tagapagmana at hindi ako. ''Yes, mas proud din ako sayo Letitia kasi you know, you graduated as comlaude before! And topnatcher ka pa sa board exam! What a genius right? I'm so proud of my daughter!'' ani naman agad ni tita Luciana at bakas sa boses nito ang pagyayabang. Napayuko na lamang ako nang sumalubong sa akin ang matatalim na titig ng aking ina. Ito ang laging tagpo na nakasanayan ko na. Ang ipagkumpara kami ni Letitia. Ang turing sa kanya ng lahat ay langit. Kumbaga perpekto ito at walang kahit anong maling nagawa samantalang ako ay isa lamang lupa na walang kahit anong nagawang tama. Hindi ko na makayanan kaya't mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawag ni Letitia sa pangalan ko ngunit 'di ko na iyon pinansin. Minadali kong ihakbang ang mga paa ko patungo kung saan maibubuhos ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. ''Wala ka talagang utak Gemma! Pipitsugin ka lang at wala kang silbi! Tama ang magulang mo! Wala kang lugar sa pamilyang Villareal! Wala!'' sigaw ko sa aking sarili. At kusang nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod na lamang sa lupa. 'Di ko namalayan na nasa labas na pala ako ng bahay. Medyo malayo-layo ito sa amin. Hindi ko akalain na makakarating ako sa lugar na ito. Napatingin ako sa paligid habang pinupunasan ko ang aking mga luha. Puro matatayog na puno ang nakikita ko, at ang mga ibon na walang tigil sa paghuni at ang ilaw ng poste na patay-sindi. Ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot bagkos ay napahagulhol pa ako dahil sa sobrang sama ng loob na dinadala ko. ''Ang bobo mo Gemma! Wala ka kasing bobo! Ay butiki!'' Laking gulat ko nang biglang may tumalon na kung ano mula sa puno. At sa isang iglap ay naudlot ang pagdadrama ko. ''Ano ba 'yan! Napakaingay mo naman! Alam mo bang natutulog ako?'' iritableng ani nito sa akin. Napatulala naman ako sa kan'ya. Ang guwapo nitong bata. Kahit na nakakunot noo ito kitang kita ang ganda ng kulay asul nitong mga mata. ''Bakit gan'yan ka kung makatingin sa akin? May problema ka ba?'' Sa tanong niyang iyon ay bigla akong natauhan. At napailing-iling ako sa inaakto nito. May itsura nga ito ngunit may bastos naman itong pag-uugali. ''Wala akong problema sayo bata. At bigla-bigla ka na nga lang sumulpot dito. 'Di ko alam kung saan ka nanggaling---'' ''Excuse me miss. May tatlo akong sasabihin sa'yo. Una hindi na ako bata, I'm 11 years old. Pangalawa, ako ang nauna sa'yo rito. Nasa taas nga ako ng puno, mahimbing na natutulog tapos bigla kang dumating at ngumawa na parang wala nang bukas at pangatlo ang pangit mo umiyak,'' walang prenong saad nito na nagpalaki sa mata ko. 'Di ako makapaniwalang maririnig ko ang mga salitang ito mula sa batang katulad niya. ''How could you---'' ''At isa pa pala, kung gan'yan kaliit ang tingin mo sa sarili mo. Gan'yan ka rin titignan ng mga taong nasa paligid mo. Paano mo maitataas ang sarili mo kung mismong ikaw walang tiwala sa kakayahan mo?'' Napanganga ako sa mga tinuran nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko itong pagalitan dahil bata pa lang ito pero kung makasagot sa akin ay animo'y magkasing edad lang kami. Ngunit sa mga sinabi niya ay pawang may malaking impact sa akin. ''Oh ito panyo,'' saad nito at inabot sa akin ang isang puting panyo. 'Di ko mawari sapagkat mabilis ko itong tinanggap. ''Punasan mo ang luha mo. At tumayo ka na riyan. Wala ka sa simbahan para lumuhod,'' dagdag pa niya't binigyan pa ako nito ng nakakalokong ngiti. Agad naman akong napatayo. At bago pa ako makapagsalita ay mabilis na itong kumaripas ng takbo papalayo sa akin. ''Teka!'' Napabuntong hininga na lamang ako nang malalim nang maulinigan kong nakalayo na ito. Napatingin naman ako sa hinahawakan ko. Napangiti ako sa nang makita ko ito. Ang puting panyo na binigay nito. ''Gemma!'' Nagitla naman ako nang marinig ko ang naghahabol hiningang sigaw sa akin ni Letitia. Nagtataka naman akong sinalubong ito agad. ''Bakit mo pa ako hinabol? Alam mo naman na----'' ''Hindi kita hinabol! Hinahanap ko si Adam,'' sagot naman nito agad at humawak pa ito sa balikat ko habang hingal na hingal pa rin ito sa pagtakbo. ''Ha? Sinong Adam?'' ''For pete sake Gemma! 'yong anak ko. Naturingan kitang bestfriend tapos 'di mo alam ang pangalan ng anak ko,'' di- makapaniwalang tugon niya. Napasapo naman ako sa aking noo. Oo nga pala, alam kong may anak na ang bestfriend kong si Letitia. Pero nakalimutan ko na ang pangalan nito. Sampong taong gulang palang ako noon nang mabalitaan kong nagdadalang-tao na si Letitia sa pinakasalan nitong tanyag na business tycon na si Alejandro Ledger. Pinagkasundo silang dalawa upang umangat ang aming negosyo. Bukod doon ay kaibigan ding matalik ng pamilya ni Letitia ang kilalang pamilyang Ledger. 'Di naglaon ay inamin din sa akin ni Letitia na nahuhulog na ang loob niya kay Alejandro ngunit pawang wala daw itong pakealam sa kan'ya. Kaya't lagi ko siyang dinadamayan sa bawat pag-iyak nito. Tulad ng inaasahan ay nagpakita rin ng pagmamahal sa kan'ya si Alejandro. Napakaganda ni Letitia. At napaka-imposibleng walang mahuhulog sa taglay nitong kagandahan kahit pa ang walang puso na si Alejandro. Kaya't naging perpekto ang lahat para kay Letitia. At dahil doon ay wala ng tigil ang aking ina sa pagkumpara sa amin. Wala naman talaga akong panama sa kung anong mayroon sa kaibigan ko. Dahil nasa kanya na ang lahat. Ang kagandahan, Ang suportadong pamilya, Ang karangyaan, Ang katalinuhan, At higit sa lahat ang totoong pag-ibig. ''Gemma nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?'' Natauhan na lamang ako nang biglang sumigaw na ito at kusa akong napatawa sa itsura nito sa harapan ko. Naniningkit ang mata nito na nakatingin sa akin. At nakataas pa ng bahagya ang makapal nitong kilay. ''Wow ha! Nakuha mo pang pagtawanan ako, nawawala na nga ang anak ko!'' pagtataray nito sa akin. ''Bakit na naman nawawala ang anak mo? Aba! Akala ko ba kaya mo siya pinatira roon sa isla para magbago ang pag-uugali! Pero bakit tila lalo yatang lumala?'' tanong ko naman agad sa kan'ya. Napahinga naman ito nang malalim. Ito pala ang nag-iisang problema ni Letitia. Ang kan'yang pasaway na anak. Nasilayan ko ang kan'yang anak noong limang taong gulang pa lamang ito. Sa murang edad nito ay tripleng sakit ng ulo ang binigay nito sa kaibigan ko at sa lahat ng nakapaligid sa kan'ya. Hindi ito sumusunod sa utos at tila may sarili itong mundo na siya lamang ang nakakaintindi. Wala itong pinapakinggan. Maraming nagsasabi na nagmana ito sa ugali na mayroon ang kan'yang ama. Kaya't nakapagdesisyon si Letitia na dalhin ito sa isang isla. Kung saan matutunan nito ang mga dapat nitong matutunan. Ngunit sa nakikita ko ay pawang wala itong pinagbago. ''Ewan ko ba Gemma! Lahat naman ginawa ko para magbago ang ugali niya pero wala! Hindi siya nakikinig sa akin!'' ani nito at bakas sa boses nito ang labis na pagka-stress. Tinapik ko naman ng marahan ang balikat niya. ''Maya na natin pag-usapan 'yan. Kailangan na muna natin hanapin ang anak mo baka napaano na 'yon. Delikado pa naman ngayon, gabi na at----'' ''Sino ka bang bata ka? Nasaan ang magulang mo ha?'' Napatigil kami nang marinig namin ang sigaw ng isang lalaki. Kaya't dali-dali naming tinignan iyon. ''Bakit 'di ka sumasagot wala ka bang bibig ha?!'' pabulyaw na turan pa ng isa nitong kasama. Napalaki naman ang mata ko nang makita ko ang batang lalaking bitbit nila. ''Mayroon akong bibig. Ikaw wala ka bang mata para 'di mo ito makita?'' pabalang naman na sagot nito. ''Aba! Napakabastos mo naman palang bata----'' ''Wait! He's my son! Bitawan niyo siya!'' sigaw agad ni Letitia at mabilis na tumakbo ito patungo sa kanila. Awtomatiko naman nilang binitiwan ang batang lalaki. ''Sorry Maa'm Letitia, 'di namin alam na anak niyo pala ito,'' pawang kinakabahang saad ng lalaking bumitbit sa bata kanina. ''Nakita kasi namin ito sa taas ng puno. At pinagbabato pa kami nito. Kaya hinuli namin siya. Dadalhin na sana namin siya sa barangay hall dahil bawal ng lumabas ang mga bata sa ganitong oras,'' maowtoridad namang ani ng isa pang kasama nito. ''Sinabing hindi na ako bata eh! Kaya ko kayo binabato dahil natutulog kayo! Oras na 'di ba nang trabaho niyo pero humihilik kayo na parang baboy!'' sabat naman agad ng batang ito. Halos mapanganga ako sa paraan niya ng pananalita. Para na itong matanda kung umasta, at pawang kung titignan ay mas marami siyang nalalaman kaysa sa amin. ''Adam! Shut up!'' suway naman agad ni Letitia sa kan'yang anak. Ngunit bingi ito sa tinuran ng kan'yang ina bagkos ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. ''Dapat kayo ang dinadala sa barangay hall kasi 'di niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo!'' dagdag pa niya at pinukulan pa niya ng masamang titig ang dalawang lalaki na bakas sa mga mata nila ang gigil sa batang ito. ''Pasensya na talaga kayo. I will manage it,'' ani na lamang ng kaibigan ko. Pawang napipilitan namang tumango ang dalawang lalaki at mabilis na rin itong umalis. ''Adam---'' ''What mom?'' walang gana naman nitong tanong. At napakurap-kurap ako nang sunod-sunod nang dumako ang tingin nito sa akin. ''Miss ngawa girl,'' nakapangising ani niya sa akin. ''Adam, don't call your ate Gemma like that. She's my bestfriend! You must respect her,'' saad agad ni Letitia sa kan'yang anak. Ngunit nanatili naman ang makahulugang tingin nitong tinuon sa akin. ''Why are you looking at me---'' ''I can't. She's fake! I hate her!'' Nagitla na lamang ako sa huling sinambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD