Chapter Two: Crime

1241 Words
''Adam say hi to your tita Fatima and tito Fred,'' nakangiting ani ni tita Luciana sa apo nito na pawang walang pakialam sa mundo. Nasa hapag na kami ngayon. Lahat kami ay abala na sa pagkain ngunit ang batang ito ay pinaglalaruan pa ang hawak nitong tinidor at tila 'di alintana ang sunod-sunod na pagtawag ng kanyang lola. ''Adam, hindi ka ba nakikinig---'' ''Hi tito Fred and tita Fatima, gusto ko lang sabihin sa inyo na 'wag niyong iparamdam sa anak niyo na wala siyang kwenta. You need to support her and push her to become the best. Her failures is not the end of her life,'' walang kagatol-gatol na saad niya na naging dahilan ng pagkabulunan ko. Dali-dali ko namang kinuha ang baso ng tubig at mabilis na nilagok iyon. ''Adam, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi mo ba nakikita kung sino ang kinakausap mo?'' nanggagalaiti namang turan ni tita Luciana. Pagkatapos kong uminom ay sumalubong sa akin ang matalim na tingin ng aking ina na kahit nakangiti ito ay bakas pa rin ang matinding inis na alam kong isang sampal na naman ang ibibigay sa akin. ''Adam!'' may pagkadiin namang tawag ni Letitia sa kan'yang anak. Ngunit pawang wala lang ito sa kan'ya. Bagkos ay prenteng tumayo pa ito at umaktong walang nangyari. ''Hihintayin ko na lang kayo sa kotse, I want to sleep,'' walang emosyon na turan pa nito at mabilis na umalis. ''Pasensya ka na mare,'' pawang nahihiya ani ni tita Luciana kay mama at hinawakan pa nito ang kamay niya. ''Sorry tita. Iba na talaga ang ugali ni Adam. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyon!'' dugtong naman ni Letitia at napakamot pa ito sa kan'yang batok hudyat na hindi na nito alam ang gagawin. ''Its okay mare! Ano ba kayo! Alam ko naman na ganoon na talaga ang ugali ni Adam. Napaka-matured nga niyang magsalita. Nakakahanga na sa ganoong edad ay may alam na sa buhay! Talagang nagmana ito sa ama niya,'' patawa-tawa pang sagot ni mama na alam kong puno ng pagpapanggap. Halatang halata ko naman na peke ito at alam ko na sa loob-loob nito ay galit na galit siya sa batang iyon at lalong lalo na sa akin. Hindi na ako nakinig sa mga ka-plastikan nilang pag-uusap at nagdesisyon na rin akong tumayo at sundan kung nasaan man ang batang iyon. Nakarating na ako sa garahe namin kung saan andoon ang kotse nila ngunit hindi ko ito nakita. Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid. ''Nasaan kaya ang batang iyon?'' Napabulong na lang ako sa kawalan. Mukhang umalis na naman ito at kung saang lupalop na naman nagpunta. Bumagsak na lang ang balikat ko sa kakahanap sa kan'ya dahil sa kahit anong sulok ay 'di ko ito natagpuan. Hanggang sa nagsawa na ako at babalik na sana sa loob ng bahay nang biglang bumungad ito sa harapan ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat dahil sa biglaan nitong pagpapakita. ''Papatayin mo ba talaga ako sa gulat ha----'' ''Bakit mo ako sinusundan?'' tanong nito habang nakatutok ang mga tingin nito sa akin. ''Gusto lang kitang pagalitan sa mga pinagsasabi mo kanina! Bakit mo sinabi iyon? Ano bang alam mo bata ka pa lang---'' 'Di na nito hinayaang matapos ako sa sasabihin at agad na itong nagsalita. ''Hindi na ako bata. May mata na ako, para makakita. May teynga na ako para makarinig at may bibig na ako para makapagsalita. Ikaw? Wala ka bang ganoon? Kaya hinahayaan mo silang tapak-tapakan ka? Wala ka lang ginawa kundi ang ngumawa at sisihin ang sarili mo dahil pinapabayaan mo lang sila sa ginagawa nila sa'yo,'' seryosong sambit niya. At ang bawat salitang ginamit nito ay 'di ko mawari dahil tumagos ito sa kaibaturan ko. Walang lumabas na kahit anong sagot sa bibig ko bagkos ay tumulo ang butil ng luha mula sa aking mga mata. ''Gemma, siguraduhin mo lang na hindi papalpak ang gagawin mo. Gamitin mo ng maayos ang maliit na utak na mayroon ka!'' Natauhan na lamang ako nang narinig kong bumulong si mama sa teynga ko. Kaya't namalayan ko na lamang na nakaalis na pala si Letitia at namataan ko ang sasakyan nilang nasa malayo na. ''Nakakainit talaga ng ulo ang apo ng Luciana na iyan! Walang modo at kung makapagsagot sa akin ay akala mo kung sino! At may sinabi ka ba sa batang 'yon kaya pawang may alam ito sa----'' ''Wala akong sinasabi sa kan'ya. Sadyang napansin lang siguro ng batang 'yon kung anong klase kayong magulang,'' pagpuputol ko sa sasabihin niya at binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti. ''Anong sabi----'' ''Huwag ka mag-alala mama, gagawin ko ngayong gabi ang binabalak mo. At sinisiguro ko sa'yo na sa gagawin ko ay masisira ang pamilya ni Letitia.'' Napataas naman ang kilay nito sa tinuran ko, ''Huwag mo akong idaan sa salita Gemma! Gawin mo! Para kahit sa isang beses ay masasabi kong anak kita. At magawa na kitang ipagmalaki.'' Awtomatikong napakuyom ako nang mahigpit sa aking palad. 'Di ko maintindihan kung bakit lahat ng gusto nito ay 'di ko magawang hindi sundin. Lahat ng mga inuutos niya ay kusa kong ginagawa. Para akong robot na sunod-sunuran at hindi kailanman nagreklamo sa mga gusto nilang ipagawa sa akin. Kahit isip ko na ang nagdidikta na mali ito ngunit ang puso ko ay may sariling boses na ipahiwatig sa utak ko na kailangan kong gawin ito para maramdaman ko ang aking magulang. Kahit ikasira pa ito ng pagkakaibigan namin ni Letitia. Wala akong pakialam. Basta't marinig ko lang mula sa aking magulang na ipinagmamalaki nila ako bilang anak. Dumating ang gabing iyon. At naaayon sa plano namin ang lahat. Hindi umaalis ang titig ko sa lalaking nakahiga sa kama ngayon. Habang inaayos ko ang camera sa tamang pwesto ay pumapasok sa isip ko ang masayang alaala namin ng aking kaibigan. Kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Napapikit ako nang mariin. At pilit tinatanggal sa isip ko ang mga tagpong iyon. ''Gemma, isipin mo ang magulang mo. 'Pag nagawa mo ito, hindi ka na nila mamaliitin at siguradong matutuwa sila sa'yo. Kaya kayanin mo!'' sunod-sunod na bulong ko sa aking sarili. ''Hindi na ako bata. May mata na ako, para makakita. May teynga na ako para makarinig at may bibig na ako para makapagsalita. Ikaw? Wala ka bang ganoon? Kaya hinahayaan mo silang tapak-tapakan ka? Wala ka lang ginawa kundi ang ngumawa at sisihin ang sarili mo dahil pinapabayaan mo lang sila sa ginagawa nila sa'yo.'' Argh! Sa 'di ko malamang dahilan ay bigla na lamang nag-echo sa isip ko ang binigkas ng batang 'yon. Ngunit nilabanan ko at kahit nanginginig ang buo kong katawan ay nagsimula pa rin ako sa aking binabalak. Unti-unti kong inalis ang damit na suot ko at nakahubo akong naglakad patungo sa lalaking pawang hilong-hilo na at 'di na makatayo. Sinalubong ko ng malagkit na tingin ang lasing nitong mga mata. ''Letitia...'' Napangisi ako nang marinig ko ang pagbanggit nito ng isang pangalan. Sa isang iglap ay naglaho ang kaba at takot na aking nararamdaman. Mukhang nagtagumpay nga ako sa panggagaya sa aking kaibigan. ''Alejandro,'' mapang-akit na saad ko sa kan'ya. At tulad ng inaasahan ay siniil ako nito ng mapusok na halik. Gumuhit ang isang demonyong ngiti sa aking labi. Sa wakas ay maibibigay na ng magulang ko ang matagal ko nang hinihingi sa kanila. Ang pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD