Chapter 3: Hatred

2261 Words
“Hmm…napakabango mo Gemma,” namamaos na turan niya at walang tigil ito sa paghalik sa leeg ko. Nakabaling lang ang ulo ko sa gilid at hindi ako gumalaw. Nakahiga lang ako nang tuwid at hinahayaan ito sa kababuyang ginagawa nito sa katawan ko. Nagngingitngit ang ngipin ko sa galit at halos sumisingkit ang mata ko sa tuwing nararamdaman ko ang dila nitong dumidiin sa balat ko. Napapakuyom na lamang ang palad ko sa halo-halong emosyong na namamayani sa akin. Galit, gigil at pandidiri.   Awtomatiko ko itong naitulak papalayo sa akin nang maramdaman kong ibinaba na niya ang suot kong palda at itinutok na nito ang nag-uugmigting at gising na gising niyang alaga.   Inipon ko ang lakas ko upang mailayo ito sa akin.  Nagtagumpay naman ako sapagkat tumalsik ito at nahulog sa kama. Mabilis akong bumangon at sumalubong naman sa akin ang nanlilisik at matalim nitong mga tingin. Ngunit ‘di ako natinag sa titig niyang iyon bagkos ay sinuklian ko ‘to nang tingin na tatagos sa kaibaturan nito. Akmang lalapit ito sa’kin kaya’t  agad kong ipinakita sa kaniya ang hawak-hawak kong spray. At tinapunan ko ito nang tingin na punong-puno ng pang-iinsulto at pang-aasar. Tila hindi naman ito makapaniwalang tiningnan ako. “F*ck Gemma! What do you think you’re doing?!” singhal niya sa akin at akmang dadaganan ako nang iharang ko sa mukha nito ang hawak kong spray. “Subukan mong lumapit, hindi ako magdadalawang-isip na i-spray ito sa mukha mo,” pagbabanta ko sa kaniya. Pawang wala naman itong narinig at malakas pa ang loob nitong lumapit sa akin at mangangahas pa itong daganan ako ngunit naging maagap akong sinipa ito nang malakas sabay spray ko sa mukha nito nang pabangong makakapagbigay sa kaniya ng panghihina at matinding pagkahilo. Awtomatiko naman itong napaluhod na sa sahig at tila hirap na hirap na nitong idilat ang mga mata niya. “You will gonna pay for this!” galit na galit na bulyaw niya sa akin. Napahalakhak naman ako nang malakas at tinapunan ito nang tingin na mapang-insulto.  Kahit na ‘di niya ito nakikita sapagkat tinatakpan niya ang kaniyang mata ay nasisiyahan akong masilayan ito sa ganitong sitwasyon. “Then keep the change,” natatawa namang tugon ko sa kaniya. At mabilis akong tumayo’t pinulot ang mga nagkalat kong mga damit at nagmamadaling isuot ito.   Pawang wala lang na dinaanan ko siya at sinipa pa nang marahan. Napadaing naman ito’t sunod-sunod akong pinagmumura. Napangisi na lamang ako’t hinagis sa harapan nito ang singsing na binigay nito sa akin. “Hindi ko kailangan ng lalaking katulad mo at  hindi ako makakapayag na matali sa’yo. Hindi ako mananatiling hawak niyo lang sa leeg!” bulyaw ko’t agad itong tinalikuran. Hindi ko naituloy ang paghakbang ng paa ko nang maramdaman ko ang paghawak nito sa aking binti. “Huwag mong gawin sa akin ito, nakaplano na ang lahat. Hindi ka na puwedeng umatras---” Walang pakundangan ko naman itong tinadyakan upang maalis ang nakapulupot nitong kamay sa aking binti. “Plano lang iyan, ito naman ang totoong gagawin ko, ang gisingin ka sa katotohang walang mangyayaring kasal, lahat nang mga pinagplanuhan at pinaghandaan niyo. Lahat nang iyon ay mangyayari sa imahinasyon mo lang,” nang-aasar pa na saad ko sa kaniya at tinapunan ko ito nang matalim na tingin. Napailing-iling naman ito nang sunod-sunod nang marinig nito ang sinambit ko. At kahit nakapikit ang mga mata niya ay alam kong nararamdaman nito ang masamang titig ko sa kaniya. “Hindi, hindi ako papayag,” matapang pa na sambit niya. At kitang-kita ko ang pagpupumilit nitong ibuka ang mata niya. “Edi pakasalan mo ang sarili mo,” sarkastiko kong tugon sa kaniya at tumayo ako nang tuwid bago nagmartsa paalis. Agad akong umalis sa impyernong kwarto na iyon. Hindi ako makakapayag na sa gabing ito ay may lalaking umangkin sa akin o makuha man lang ang pinakaiingatan ko. Napakislot naman ang dibdib ko nang marinig ko ang malakas na pag-ring ng aking telepono. Napabuntong hininga ako nang malalim nang makita ko kung sino ang tumatawag. “Ihanda mo na ang iyong tainga Gemma!” natatawang bulong ko sa aking sarili. Tumikhim na muna ako bago ko sinagot ang tawag nito. “Ano na naman itong ginawa mo Gemma? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Wala ka talagang utak kahit kailan! Wala ka talagang binigay sa akin kun’di puro kahihiyan! Napakadali ng gagawin mo pero ‘di mo pa magawa?!” malakas na singhal nito sa akin sa kabilang linya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ngunit nagpatuloy pa rin ito at inulan ako nang mura at mga salitang nakasanayan na nitong sambitin sa akin, mga pang-iinsulto at pangbababa sa pagkatao ko. “Hindi ba talaga malinaw sa’yo ang sinabi ko? Ikakasal ka na kay Mr. Hernandez hindi ba? Kaya dapat obligasyon mo na ibigay sa kaniya ang pangangailangan niya, lahat-lahat! Ibigay mo ang katawan mo, ang dignidad mo! Malaki ang impluwensiya niya Gemma, hindi mo ba alam ‘yon? O sadyang wala ka lang talagang alam? Lahat kaya niyang gawin at kontrolin! At sigurado bukas o mamaya laman na naman tayo ng balita dahil sa katangahan mo!” Mahabang litanya iyon ni mama, mabilis pa itong magsalita ngunit malinaw na malinaw sa akin ang mga salitang binitawan niya. Awtomatikong bumagsak na lamang ang luha ko sa mata. Kahit na paulit-ulit ko nang naririnig sa kaniya ang mga salitang iyon ay pawang tinutusok at winawasak pa rin ang puso ko. “Ano?! Hindi ka makapagsalita at natameme ka? Ngayon na-realize mo na ang katangahan mo? Ano ba, Gemma! Mag-isip ka nga nang naaayon sa edad mo! Kailangan ka pang turuan at pagsabihan sa dapat mong gawin! Nagtataka talaga ako kung paanong naging anak ko ang tulad mong walang utak! Kung puwede lang palitan ang anak, matagal na sana akong nakahinga nang maluwag!” singhal pa nito at agad na pinatay ang tawag. Marahas ko namang pinunasan ang mga luhang bumagsak sa mata ko. At mabilis na hinakbang ang mga paa ko patungo sa kotse ko at nang makasakay ako sa loob ng kotse ko ay ‘di ko napigilang mapahagulhol na lamang sa sakit na nakatira na yata sa puso ko. Pawang naglaho ang katapangan na dala-dala ko kanina. Ngunit alam ko namang wala talagang katapangan na dinadala. Wala akong tapang na maipagmamalaki. Nagpapanggap lamang akong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa ngunit ‘di ko maitatago ang panginginig nito at panghihina. Mahina ako at mananatili akong mahina. Mahigpit kong hinawakan ang manibela at pinaandar nang napakabilis ang sasakyan. Sa mabilis na pagtakbo nang sasakyan ay naramdaman kong malaya ako. Malaya ako sa sakit at pagiging madaya ng mundo. Halos ‘di ko na makita ang daan dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mata ko. Ngunit hindi ako nakaramdam nang takot bagkos ay nasisiyahan ako sapagkat sa tingin ko ito na ang magiging dahilan ng paghinga ko nang maluwag. Ang katapusan ng lahat ng paghihirap ko. “Gemma, mahal ko…” Awtomatiko naman akong napatigil sa mabilis na pagmamaneho nang marinig ko ang bulong na iyon. “Cedric…” Pagkahinto nang sasakyan ay bigla na lamang akong natauhan at napatingin na lamang ako sa passenger seat at kahit nanlalabo ang paningin ko ay kitang-kita ko ang malamyos nitong tingin sa akin at kusa kong naipikit ang aking mata nang maramdaman kong bigla ako nitong niyakap nang mahigpit. “Laban lang, mahal ko. ‘Wag kang sumuko,” saad nito na ikinasayan ko nang marinig at lagi nang nakatatak sa isip ko. Tuloy-tuloy na ang pagpatak nang luha sa aking mata, ramdam na ramdam ko ang lamig na bumabalot sa akin. “Miss na miss na kita mahal ko, dito ka na lang mahal ko, ‘wag mo na akong iwan.” Tulad nang inaasahan ay wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Alam ko namang hindi ko na maririnig ang sagot nito sapagkat nang unti-unti kong iminulat ang mata ko, do’n ko nasilayan ang katotohanang wala na siya. Wala na ang lalaking pinakamamahal ko at nabubuhay na lamang ito sa imahinasyon ko.     ** “That’s awesome Gemma!” manghang-manghang saad ng isa sa investor ko pagkatapos ng presentasyon ko sa bagong project. Nginitian ko naman ito at nakipagkamay rito. Nagitla na lang ako nang bigla nitong hinalikan ang kamay ko habang malamyos ang tingin na pinukol nito sa akin. “Hindi talaga ako nagsisisi na sa kompanya niyo ako nagtiwala, despite of your issues sa mga naging fiancée mo ay parang handa pa rin akong sumubok na maikasal sa’yo,” nakapangising turan nito na nagpawala nang ngiti sa labi ko. “Excuse me---” “Of course Mr. Cruz, puwedeng-puwede kang maikasal sa anak ko. Pasok na pasok ka sa standards niya. Sigurado na sa lahat ng naging fiancée niya baka sa’yo na siya bumagsak.” Hindi na ako nagulat nang biglang sumingit sa usapan si Mama. At ngiting tagumpay talaga ito sapagkat mayroon na naman itong nakuha na itatali nito sa ‘kin. “Tama naman ako, anak. Hindi ba? Mr. Cruz is a perfect guy for you---” “I don’t want to be called sugar mommy, I’m sorry. Limang taon ang agwat ko sa’yo. Maghanap ka na lang ng business woman na bata at pasok sa mundo mo,” walang pakundangan kong saad at agad na umalis. “Don’t mind her. Pagod lang siya. Don’t worry, Mr. Cruz. Gagawa ako nang paraan para ikaw ang mapakasalan ng anak ko.” Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim nang marinig ko ang sinabing iyon ni Mama. Ano pa bang bago? Siya ang humahawak sa lahat. Siya ang nagdedesisyon sa puwede at ‘di ko puwedeng gawin. Pagkapasok ko sa opisina ko ay awtomatiko akong napatingin sa pangalan kong nakadisplay sa ibabaw ng lamesa. “Gemma Villareal- Chief Executive Officer”   Napatingin ako sa buong paligid. At sumilay ang pekeng ngiti sa aking labi. Talagang natamo ko na ang lahat ng pinapangarap nila para sa ‘kin. Naabot ko na ang mga gusto nila at nasunod ko na ang tinakda nilang kapalaran ko. Ngunit bakit tila kulang pa rin. Kulang na kulang pa rin. Nagulantang naman ako nang malakas na kumalabog ang pintuan at mabilis na lumapit sa akin si Mama at buong lakas ako nitong sinampal. Halos namanhid ang aking pisngi at awtomatikong bumagsak ang luha sa aking mata. “Hindi ka ba talaga marunong mag-isip ha?! Ang lakas ng loob mong sagutin nang gano’n si Mr. Cruz! Wala ka talagang utak! Alam na alam mong malaki ang share niya sa kompanya natin. Paano ‘pag tinanggal niya iyon dahil sa mga sinabi mo? Ano bang utak ang mayroon ka ha!” bulyaw nito sa akin at dinuro-duro pa ako’t pinukulan nang masamang titig. Pawang wala naman akong narinig sa mga sinambit niya sapagkat walang lumabas na salita sa bibig ko bagkos ay nanatili akong tahimik at ‘di man lang sumagot sa mga masasakit nitong litanya sa akin. “Napakawalang utak mo talagang babae ka!” sigaw pa nito at madiin na tinusok ng daliri ng daliri nito ang noo ko. “Subukan mong gumawa na naman ng kalokohan at makikita mo talaga ang puwede kong magawa na sa’yo! Ayusin mo na ang pag-iisip mo ha? Ngayon papakasalan mo si Mr. Cruz, hindi ka puwedeng gumawa na ng bagay na makakapagpaatras sa kaniya! Naiintindihan mo ba Gemma?!” bulyaw nito sa ‘kin. Sinalubong ko naman ang nanlilisik nitong mga tingin at hindi ko magawang tagalan na tingnan nito. “Naririnig mo ba ako ha? Wala ka na ngang utak, wala ka pang pandinig---“ “May magagawa pa ba ako Ma? Hindi naman ako puwedeng umayaw ‘di ba?” Napaiyak na lamang ako nang marahas nitong hinila ang buhok ko’t sinampal-sampal pa ako nang malakas sa magkabila kong pisngi. Ngunit tila wala na akong naramdamang sakit o hapdi sa ginawa nito. Tila ba’y namanhid na ako’t ‘di na makaramdam. “Malamang! Lahat ng gusto ko gagawin mo dahil iyon ang nararapat sa’yo! Wala kang sariling disposisyon sa buhay mo! Walang-wala ka talagang panama kay Letitia! Mabuti na lamang at nawala na ang presensya nito rito kun’di wala! Wala kang mapupuntahan! Sa kangkongan ang bagsak mo dahil sa utak na mayroon ka!” Napayuko na lamang ako nang marinig ko na namang banggitin nito ang pangalan ni Letitia. Ang kaibigan ko. Ang kaibigan kong nagawa kong saktan para lamang sa kaniya. Ang kaibigan kong sinira ko ang buhay para lamang makuha ang simpatya’t pagmamahal nila. “Ma, wala na ba talaga akong nagawang tama para sa’yo?” Bigla naman itong napatigil nang bigla kong itanong sa kaniya ang bagay na iyon. Kaya’t awtomatikong napadako ang tingin ko sa kaniya at nagbabakasakaling may marinig akong tugon nito kahit na malabo at imposible. “Hindi mo na kailangan sagutin Ma, alam ko namang---” “Isa lang ang nagawa mong tama, ‘yon ang alisin sa mundo natin ang pamilyang Ledger. At ikaw ang namuno sa kompanya na ito,” sagot niya. Napangiti naman ako nang marinig ko iyon. “Dahil ba ro’n naging proud din kayo sa akin---” Hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ko’t marahas nitong hinawakan ang aking panga at tinapunan ako nang matalim na tingin. “Kulang pa, kulang na kulang ka pa. Kayang-kaya ka pang tapak-tapakan. Kaya’t hindi ko magagawang ipagmalaki ka na anak kita kasi wala ka pang kuwenta, wala. Wala ka pa ring silbi.” Pawang winasak at nadurog ang puso ko sa bawat pagdiin nito sa mga masasakit na salitang binigkas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD