Ang Digmaan at Ang Pagbabalik ng Diyos

1013 Words
Ang gabi ay lubhang nagpapahiwatig ng papalapit na delubyo. Sumilip si Ester sa labas dahil ndi tumitigil ang pagtahol at bahagyang pag ungol ng aso na ngayon niya lang narinig. Tinignan niya kung me iniindang sakit ang aso ngunit nakita niyang nakatingin ito sa langit. " Bakit kaya ndi mapakali ang kanyang alagang tutah, bagay na ndi normal sa maamo at tahimik nitong ugali." Isang palaisipan kung kayat sinundan niya ng tingin ang tila ay itinuturo sa kanya ng kanyang alagang aso. Pulang ilaw na paikot ikot sa kalawakan na bumabagtas sa bilis na ndi niya maipaliwanag. Sinubukan ni Ester kunan ng larawan at napansin niyang ndi ordinaryong eroplano ang pulang umiilaw na uri ng sasakyang panghimpapawid. Ikinalma niya ang alagang aso na nakikinig naman sa kanya. Sa tagal na niyang inaalagaan ang aso, nagawa nitong makipag usap sa kanya sa paraan ng sinyales o kilos na siya lang ang nakakaunawa at sa maamong mukha ng kanyang alaga naiintindihan niya kung meron itong gustong ipahiwatig sa kanya. Ipinikit ni Ester ang kanyang mata at muli sa kanyang panaginip nagtungo siya sa lugar ng Persia. Ang Persia ay isang malaking imperio sa ilang siglo BC, na sumasakop sa malaking bahagi ng Middle East at Asia Minor. " Mordecai," tinawag niya ang ginoo na naging pamilyar na sa kanya, dahil sa paulit ulit siyang dinadala dito sa kanyang panaginip. Kung anong pahiwatig nito mula sa Diyos ay ndi niya pa direktang matukoy. " Ester mabuti at bumalik ka na, kanina pa kita iniitay. Ikinuwento ni Mordecai na si Ester ang napili ng hari upang maging kabiyak. Ang kuwento ni Ester sa Bibliya ay nangyari sa panahon ni King Ahasuerus. Si Ester ay isang Hudyo na naninirahan sa Persia kasama ang kanyang tiyong si Mordecai. Nang pumili si King Ahasuerus ng mapapangasawa napili niya si Ester dahil sa taglay nitong ganda at kabaitan Ganon din, ndi matatawaran ang kanyang katapangan na hindi mapipigilang magsalita para ipahayag ang katotohanan. " Nakatingin si Ester sa kisame dahil sa tutuong lugar kung saan siya kasalukuyang nabubuhay, ndi siya gaanong kagandahan at meron na siyang edad. Ganon pa man, ang pag representa niya bilang si Ester sa panahong iyon ay nababase sa itinakda ng Diyos sa kanya. Maaring ang paulit ulit niyang panaginip ay maghatid ng importanteng mensahe sa mga kaganapan sa kasalukuyang panahon. Maikli lang ang usapan nila ni Mordecai, dahil naalimpungatan siya sa sigaw na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. " Ester', tinig ni Ruth ang parang umalingawngaw sa labas. Bakit ka sumisigaw Ate?, malungkot ang mukha ng pinsan ng isinaad ang kanyang pakay sa pagpunta. Nagsisimula na ang giyera sa gitnang silangan. Maraming mga bata at matanda ang nasawi , gayun din maraming bansa ang nadamay. " Madami pa naman tayong kababayan ang OFW na naghahapbuhay sa Middleast." Nakakalungkot naman dahil pagkatapos ng lindol, sunog at bagyo giyera naman ang sumunod. " Ate, ito ay nasusulat sa bibliya. Datapwat hinihikayat ang pananalangin ng taimtim para humupa ang giyera. Ang lugar sa kung saan nagsimula ang kaguluhan at ang parehomg lugar kung saan ako palaging dinadala sa aking panaginip. " Meron. kaya itong kahulugan? Tumingin sa paligid si Ruth at nakikita siya ng ilang pirasong puting balahibo ng kalapati. " Meron ka bang alagang kalapati?. tanong ni Ruth Kay Ester. " Wala, si tutah lang ang alaga ko". sagot ni Ester na namangha kung saan maaring nangaling ang mga puting balahibo ng kalapati. " Ayon sa ilang mga paniniwala, ang pagpapakita ng balahibo ng kalapati sa higaan o sa paliguan ay maaaring simbolo ng presensya ng isang anghel o ng Espiritu Santo. Sa Bibliya, ang kalapati ay simbolo ng kapayapaan at ng Espiritu Santo.".paliwanag ni Ruth sa pinsan. Binuksan ni Ester ang bibliya upang basahin kay Ruth ang pahina tungkol sa Digmaan sa Persia na ngayon ay tinawag na Iran. Ang kwento ni Ester ay bahagi ng Bibliya at naganap sa panahon ng paghahari ni Ahasuerus Si Ester ay isang Hudyo na naging reyna ng Persia matapos na piliin ni Ahasuerus na maging kanyang asawa. Sa panahong iyon, ang mga Hudyo ay nasa panganib ng pagpatay dahil sa mga plano ni Haman, isang mataas na opisyal ng hari. Si Ester, kasama ang kanyang tiyo na si Mordecai, ay nagtangka na pigilan ang mga plano ni Haman at humingi ng tulong sa hari upang iligtas ang mga Hudyo. Sa pamamagitan ng kanyang katapangan at pananampalataya, si Ester ay nakapagpabago ng desisyon ng hari at nailigtas ang mga Hudyo mula sa pagpatay. Ang kwento ni Ester ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng mga Hudyo at ng Bibliya, at ito ay nagpapakita ng kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga tao. Maaring umuulit ang nasusulat sa bibliya o maaring ang kaganapan ngayon ay bahagi ng nasusulat sa Ezekiel, sa nalalapit na pag babalik ng Diyos. Sa Bibliya, may mga propesiya tungkol sa mga huling araw at ang pagdating ng isang malaking digmaan sa Gitnang Silangan, partikular sa Israel at Iran (Persia). Isa sa mga kilalang propesiya ay matatagpuan sa Ezekiel 38-39, na tungkol sa isang koalisyon ng mga bansa, kabilang ang Persia (Iran), at ang pag-atake sa Israel. Sa ganitong mga panahon kinakailangan ang mas matinding panalangin at pagtitiwala sa Diyos. Sumang ayon si Ruth kay Ester. Maari tayong bumuo ng prayer warriors, yung mananalangin para sa kapayapaan at ito ay mas madaling maririnig at tutugunin ng Diyos kung sabay sabay ang panalangin. Batid ni Ester ang Diyos ay palagi lang asa kanyang tabi. Maraming taong ndi nakakaintindi sa kanya, mga nagbabase lang sa kung ano ang maririnig nila sa iba. Gayon pa man ang pagtitiwala niya sa Diyos ay ndi mababago ng mga sasabihin ng iba o ng mahirap na sitwasyon na pilit pang pinapahirap ng ibang tao. Nanatili siyang nananalig sa Diyos Sa lugar na temporary lang ang lahat, walang makakapagsabi kung hanggang kelan lang tayo sa mundo.Mas mabuting palagi tayong tatawag sa Diyos at magtitiwala sa kanya. Nakaalis na din si Ruth, kaya kumuha si Ester ng pagkain para kay tutah. Masaya naman itong nakatingin sa kanya, na wariy nagpapasalamat dahil palagi niya itong inaalagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD