" Bakit kelangan nilang pagdaanan ang lahat ng hirap, gayong nanampalataya naman sila ng lubusan". Isang tinig sa karimlan ang sinundan ni Esther at mga tila maliit na anghel ang nag uusap. Natuwa siya sa mga inosenteng mukha ng mga kerubin, ngunit nag alala siya sa mensaheng ipinaabot nito sa kanyang kausap.
Lumingon kay Esther ang munting angel ngunit ndi ito nangamba na merong nakakarinig sa kanilang usapan.
" Lumapit ka Esther at meron kaming sasabihin sa iyo'. Sa tatlong paraan magpapahiwatig ng poot ang Diyos, upang hikayatin ang pagbabalik loob ng mga tao. Hanggang ndi naintindihan ng mga tao ang mensaheng tumulong sa mga nangangailangan. Wag sambahin ang pera at wag ipagbili ang kaluluwa kapalit ng pera. Tuloy tuloy ang mga kalamidad na darating sa mundo.
Sa tubig kung saan marami ang malulunod sa patuloy na pagulan at babaha sa maraming lugar sa mundo. Sa apoy kung saan tutupukin ang maraming lugar, madaming kaawa awang nilikha ng Diyos ang sisigaw ng tulong. Gayong ang mga nanampalataya ay maliligtas sa poot ng Diyos habang ang mga lumalapit sa kanyang kalaban kapalit ng pera at materyal na bagay ay tutupukin sa apoy ng impyerno. Patuloy gagalaw ang lupa at guguho ang maraming bahay, maging ang malalaking gusali.
" Esther, unti unti ng nagaganap ang nasusulat, maraming Kristiyano ang pinaparusahan dahil sa kanilang pananampalataya.
" Kung ang mga namumuno ay ganid sa salapi, sa kanila magsisimula ang kaguluhan dahil mas pipiliin nila ang pera kesa tamang paglilingkod sa bayan. Kung mag kaganon ay lalong maghihirap ang mahihirap habang magkakampihan ang mga gahaman sa salapi at kapangyarihan.
" Nakakalungkot na marami ang napapatahimik ng salapi at nagkukunwaring walang alam kapalit ng kayamanan. Dito magsisimula ang lahat ng kasalanan, sa paghahangad ng salapi at kapangyarihan.
" Magpapadala ng propeta ang panginoon, yung mga may mga kakayahang bumasa ng isip at pakiramdam ng kapwa, silang makaka alala ng mensaheng ipapaabot gamit ang panaginip, mga kayang magpagaling ng sariling karamdaman at karamdaman ng iba, at kapag sila ay nalungkot o lumuluha nagpapadala ang Diyos ng senyales sa mga lugar kung saan sila hinahamak at pinag tutulungan, upang ipaalala sa kanila na ndi sila nag iisa."
Nagising si Esther na naalala ang sinambit ng mga angel at tumingin sa bintana upang pagmasdan ang kumpol ng puting ulap sa langit.
Nakita niya rin sa labas si Ruth at nakangiti ito sa kanya. Binuksan niya ang pinto upang papasukin ang pinsan na noon ay me hawak na prutas na pasalubong sa kanya.
" Salamat, kahapon ko pa nga gustong bumili ng mansanas at ubas."
" Napansin ko kasi na puro pagbabayad na lang sa OLA ang ginagawa mo, haha. Ndi mo na mabili ang gusto mo kasi sa interest at tubo na lang napupunta ang sahod mo"
Nagkatawanan ang magpinsan sa tinuran ni Ruth. " Ate, ndi ko rin nga alam kung bakit isa ito sa ibinigay na misyon sa akin ng Diyos, haha. "
" Para sa iba, mahirap paniwalaan ang Isang hinahamak ng lipunan, yung kapos sa pera, yung walang mataas na posisyon sa lipunan. " Pero ndi naman nagpapadala ang Diyos ng propeta para turuan ang mga tao kung paano yumaman o magkaroon ng mataas na katungkulan. Ipinadadala sila upang hikayatin ang tao na magdasal, lumapit sa Diyos, humingi ng tawad sa mga kasalanan at magpatawad sa kapwa, tumulong sa mga nangangailan sa abot ng ating makakaya.
" Kaya kung ndi sila maniniwala sa atin na Diyos ang pinakamahalaga dahil lang sa ndi tayo mayaman, asa kanila na yun
" Ang misyon ng mga propeta ay maghatid ng mensahe mula sa Diyos tungo sa mga tao sa sanlibutan. Nung inutusan ng Diyos si Moses na lumapit sa Pharaoh. Ndi sinabi ng Diyos na kelangan niyang piliting maniwala ang hari ng Ehipto sa kanya. Ang misyon niya lang ay ipaliwanag ang kagustuhan ng Diyos at kung ano ang mangyayari kung ndi niya ito susundin. Gayon din nung inutusan ng Diyos si Noah na gumawa ng arko at magbigay babala sa mga tao ng padating na baha, ndi siya nagalit kay Noah kung wala ni Isa man ang naniwala sa kanya. Bagkus inutusan niya itong isama ang kanyang pamilya at ilang piling hayop sa arko upang magsimula ng bagong mundo. "
" Sapat na sa Diyos ang obedience natin sa Kanya dahil ang mga susunod na mangyayari ay Siya na ang magtatakda."
" Bakit nga kaya sa sunod sunod na delubyong nagaganap sa mundo lubhang walang nababahala na papalapit na ang pagbabalik ng Messiah" nakatingin si Ruth sa telepono habang pinagmanasdan ang ulat sa mga nasalanta ng bagyo sa ibang dako ng mundo.
" Bagyo, lindol at sunog, ndi normal na pangyayari na kada maka ilang linggo ay nagpapalit lang ng lugar ang mga delubyo sa buong mundo. Sobrang daming taong namamatay , mga gusaling nasisira at mga pangarap na nagtatapos ng ndi inaasahan.
" Ruth, lahat naman mamatay, pero yung handa na ba tayo o nakakasiguro ba tayo na sa langit tayo pupunta ang mas mahalaga. Mahina lng ang tinig ni Esther dahil ndi niya sigurado kung natatakot ba si Ruth sa sinabi niya.
" Esther, ndi mo kelangang mangamba, kung gustuhin ng Diyos na kunin tayo sa mundo, kung sa palagay Niya nagawa na natin ang itinakda Niya wala naman tayong magagawa kundi tangapin. Kaya para sa mga taong ndi nakakaintindi na me katapusan ang buhay para mag plano pang gumanti imbis magpatawad o pahirapin ang buhay ng kapwa imbis na tumulong, maaring ndi nila batid na sa kabilang buhay merong impyerno. At doon ndi tinatamggap ng hari ng kadiliman ang mga suhol na pera o kayamanan.
Kung puot ang naghahari sa puso mo imbis pagpapatawad , Yun din ang tatamasain mo sa kabilang buhay, sa dagat dagatang apoy me lugar ang mga taong puro paghihiganti ang asa puso. Kung sa tingin mo ay me nagawang mali ang iyong kapwa, pede mo siyang kausapin at paliwanagan. Bakit mo hihikayatin ang paghihiganti at gamitin ang pera para suhulan ang kapwa na magalit sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.
Mabigat ang parusa ng mga nagpapahirap sa kapwa lalo at tulong ang hinihingi nila sayo ngunit hirap at pasakit ang ibinabalik mo sa kanila..Maaring ndi sa kasalukuyang buhay mo ito mararamdaman ngunit sa kabilang buhay.
Merong munting ibon na dumapo sa me bintana at naaliw ang mag pinsan sa magandang tinig nito na tila ba ay umaawit.