Third Person's POV "Wow! Mukhang may lakad ang beshy ko, ah? Saan ang punta? Bakit ang laki ng dala mong maleta?" Usisa ni Ella habang tinutulungan si Sydney na magbuhat ng maletang dala nito pababa ng hagdanan. "Weekend bukas, magbabakasyon muna ako kahit ilang araw lang," nakangiting saad ni Sydney. "Wala kang kasama?" "Meron pero huwag kang maingay, ha? Kasama ko si Kuya Robi!" Napatakip naman si Ella sa bibig at tila ba hindi makapaniwala. "Talaga ba? O, sige! Bilisan mo na at baka ma-late ka pa sa lakad nyo." Kinikilig na sambit ni Ella. "Thanks! Ate Ella. Oh, pano? Kayo na muna ang bahala rito, ha?" "Oo naman-" "At saan ka naman pupunta, Sydney? Are you going somewhere?" Si Agatha na pababa rin sa hagdanan. "Yeah, weekend vacation," ani Sydney at hinila na ulit ang ma

