Third Person's POV Nang magsimula ng paliparin ang Private helicopter ay kabadong-kabado si Sydney. This is her first time kaya naman hindi pa niya alam ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano habang lumilipad sa himpapawid. Nahigit niya ang kanyang hininga lalo na ng lumiko na ang helicopter papunta sa destinasyon na pupuntahan nila. "Relax, babe ko. I am here with you." Hinawakan ni Robi ng mahigpit ang kamay ni Sydney saka dinala sa kanyang mga labi. "Breath in... breath out... and enjoy the view..." payo pa ni Robi na kaagad namang sinunod ni Sydney. Tila nawala naman ang kaba na nararamdaman ng dalaga at nagawa na niyang silipin at tingnan ang ibabang bahagi. Manghang-mangha siya ng makita niya ang tila ba kabuuan ng kanilang lugar. para bang nakalimutan na niya ang kaba at na

