Plan

1505 Words
Third Person Pov "Sigurado ka na ba, Boss?" "Sigurado saan?" "Sa pag-alis sa mansion nyo?" Napabuntong hininga naman si Robi sa naging tanong sa kanya ni Draco. "Oo, at isa pa, mas okay na rin ito. Ayaw kong isipin ni mommy na nagugustuhan ko na ang bagong pamilya na ini-uwi ni Daddy sa sarili naming pamamahay." "What about Sydney?" Natigilan naman si Robi sa naging tanong ni Draco. Napaisip na rin siya kung bakit napasali si Sydney sa usapan. "What about her?" Nagtatakang tanong ni Robi. "I saw her. Niyakap ka niya, Boss. Sa tingin mo ba may gusto siya sa'yo-" "Draco. Hindi kita kinuhang kanang kamay para lang lumikha ng chismis, okay? Teka nga? Hindi ba't pinaalis kita kanina? Paano mo nakita na niyakap ako ni Sydney, ha?!" Robi gave him a deathglare kaya napakamot si Draco sa ulo. "Akala ko kasi boss aalis na agad si Sydney. Hindi ko naman alam na may yakapan pa palang magaganap," wika pa ni Draco na tila ba inaasar pa ang kanyang boss. "Sa susunod, kapag sinabi kong umalis ka. Aalis ka, okay?" "Okay po, Boss! Pero wala ka bang naramdaman, Boss- Aray ko naman, Boss!" Binatukan siya ni Robi para hindi na ituloy ang nga pinagsasabi. "Kalalakeng-tao mo, napakadaldal mo!" Sikmat ni Robi sabay batok kay Draco. Napayuko na lang tuloy si Draco sabay halakhak habang nagmamaneho. Bigla naman nanumbalik ang ginawang pagyakap ni Sydney sa isip ni Robi pero iwinaglit niya rin kaagad sa isipan niya. Buong buhay kasi niya ay wala pang gumawa ng ganung bagay sa kanya na yung babae mismo ang unang yayakap para lang pigilan siyang umalis. Pero sa isip-isip ni Robi ay bata pa si Sydney at hindi pa ganun ka-matured mag isip kaya nito nagagawa ng basta na lang yayakap sa kanya. Samantala, sa mansion ay malungkot si Sydney habang nakatulala sa litrato ng Kuya Robi niya. Akala pa naman niya ay magkakaroon na siya ng kuya na makakasama at makaka-bonding niya pero wala pa rin pala dahil iiwan rin siya nito. Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga paa niya sa silid ng stepbrother niya. Nakita niya ang litrato nito nung kabataan pa nito. Kinuha niya ito at tinitigan na para bang nakita na niya si Robi dati pa. May nakapa siya sa likuran kaya itinalikod niya ang litrato. Napakunot naman ang noo niya at biglang nagtaka ng makita niya ang litrato ng babaeng sobrang ganda sa kanyang paningin kaya kinuha niya ang litrato ng babae at pinakatitigan. "Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend kaya ni Kuya Robi?" Sa isip-isip ni Sydney. Itinalikod niya ang litrato. "Felicity?" Sambit pa niya. "Baka girlfriend..." ani Sydney at ibinalik na ang litrato sa pwesto nito. Naglibot-libot pa si Sydney sa buong silid. Binuksan niya rin ang bawat closet ng Kuya Robi niya at totoo ngang tuluyan na itong umalis dahil lumang damit na lang ang itinira nito sa lalagyan ng mga damit nito. Napabuntong hininga tuloy siya at laylay balikat ng lumabas sa silid nito. "Pasaway talaga ang batang yan! Tingnan mo? Aalis-aalis dito sa mansion pagkatapos ngayon ay kukunin si Ella bilang katulong niya?" Pababa si Sydney sa hagdanan ng marinig niya ang sinabi ng Daddy ni Robi. Nagmemeryenda ang mga ito. Wala naman sa bokabularyo ni Sydney ang makinig sa usapan ng may usapan pero tila ba naging interesado siya sa pinag-uusapan ng mommy niya at ni Enrico. "Saan po ba ang condo ni Kuya Robi?" Biglang tanong ni Sydney at patay malisyang umupo sa unahan ng dalawang nag-uusap. "Naku, hija. Huwag mo ng alamin at baka ma-stress ka lang sa kuya Robi mo. Noon pa man ay napakatigas na ng ulo niyan. Mabuti na nga lang at hindi niya nakatuluyan ang kinahuhumalingan niyang babae noon dahil marami pa akong pangarap para sa kanya," litanya ni Enrico. Nakikinig lang naman si Sydney at ngayon ay malinaw na sa kanya na baka naging gf nga yun ng Kuya Robi niya. "Narito pa rin po ba sa Manila yung babae?" Ani Sydney na tila naging interesado. "Hindi ko na alam. Pero matagal na yun. Ang alam ko ay wala na silang komunikasyon nung babaez." Yun lang ang sinabi ni Enrico. Hindi naman na muling nagtanong si Sydney at pagkatapos nga ng usapan nila ay si Ella naman ang pinuntahan nito. "Ate Ella? Pwede ba kitang makausap?" Nagsasampay si Sydney ng nga kobre kama sa backyard. Napahinto siya ng biglang sumulpot si Sydney at magtanong. "Oh, Señorita Sydney? Bakit? May kailangan ka ba?" Aniya at inihinto muna ang ginagawa. "Nalaman ko kasi na ikaw ang kinukuha si Kuya Robi nilang maid niya. Pwede ba akong sumama kapag pupuntahan mo na siya?" "Aba, oo naman! Yun ay kung papayagan ka ni Senior Enrico?" Anito at ipinagpatuloy na ulit ang pagsasampay. "Uhm, Ate Ella, pwede bang huwag na lang natin sabihin sa kanila-" "Naku! Baka naman masesante ako niyan. Panigurado magagalit sa akin si Senior Enrico e," "Ako na ang bahala dun, Ate Ella. Magpapaalam naman ako kay Mommy and for sure papayagan ako nun." "Sigurado ka, ha? Pero hindi naman ako stay-in dun sa condo. Ang sabi naman ni Sir Robi ay kapag may need lang siya ipalinis saka niya ako ipapatawag." "Okay, Ate Ella. Basta kapag pupunta ka, sabihan mo agad ako, ha?" "Oo, nagtetext naman sa akin si Sir Robi-" "May number ka niya? Pwede kong malaman?" "Oo naman! Ito, oh! Save mo na lang," ani Ella. Kinuha niya sa bulsan niya ang cp niya. Inilagay sa phonebook at iniabot ang cp kay Sydney. "Salamat, Ate..." ani Sydney pagka-save ng numero ni Robi sa cp niya. "Alam mo, mabait naman yun si Sir Robi. Kaya lang siguro nagkaganun ay alam mo na." "Oo, Ate. Kaya nga nakokonsensya ako dahil siya pa ang umalis sa pamamahay niya kesa sa amin ni mommy." Ngumiti na lang naman si Ella at hindi na nagsalita si dahil baka marinig pa siya ng senior at magalit pa sa kanyang kadaldalan. "Oh, sige, Ate Ella. Mauna na ako sa'yo, ha? Maliligo pa kasi ako," ani Sydney at iniwan na si Ella sa backyard. Masayang umakyat si Sydney sa silid niya. Balak niyang maligo pero mas nauna pa ang paghilata niya sa kama. Kahit alam niyang galit ang Kuya Robi niya sa kanya ay gusto pa rin niya itong makita at umaasan na balang araw ay mawala rin ang galit nito sa kanya at sa mommy niya. Kinahapunan ay ipinatawag siya ng daddy niya sa kanyang silid. Hindi kasi namalayan ni Sydney na nakatulog na pala siya at kahit paliligo ay hindi na niya nagawa. "Maliligo lang po ako, mabilis lang po, Manang Soledad," aniya sa babaeng medyo kay kaedaran na. "Sige, hija. Bilisan mo na lang at nakahain na ang mga pagkain sa dining table." "Opo!" Ani Sydney at dumiretso na sa cr niya. Minadali na ni Sydney ang paliligo niya at bumaba na rin siya kaagad. "Pwede na tayong magsimula sa ating hapunan," anunsyo pa ni Enrico. "Sorry po, Dad. Na-late po ako." "No worries, hija. Maupo ka na at kumain na tayo." Umupo naman agad si Sydney sa tabi ng mommy niya at naiilang na ngumiti sa daddy Enrico niya. Kung alam niya lang na may patakaran ang daddy Enrico niya na dapat ay sabay-sabay sa pagkain ng hapunan ay hindi na lang sana siya naligo. "I'll be gone for a week." Napatingin si Sydney sa daddy Enrico niya. "Saan po kayo pupunta, Daddy?" "May aasikasuhin lang ako sa America." Tipid na tugon nito. Napatingin naman siya sa kanyang Mommy Cornela pero bahagya lang itong ngumiti sa kanya. Wala kasing naiiiwento ang kanyang mommy sa kanya. "If something happened here, call me immediately, okay? If someone you disrespect you two, just fired them. From now on, si Cornelia na muna ang in-charged sa pamamahay na ito," ani Enrico na talagang ipinarinig sa mga maids. Nakatungo naman ang mayordoma na lumapit sa gilid ni Enrico. "Don't worry, Senior Enrico. Sinisigurado ko pong magiging maayos ang pakikitungo ng lahat ng mga maids rito." "That's good, Esther." Tahimik naman si Sydney sa gilid ng kanyang mommy habang pinagmamasdan ang pagsasalita ng kanyang Daddy Enrico dahil sa pagiging istrikto nito pero okay na din dahil alam niyang sa salita pa lang nito ay protektado na silang mag-ina. Kinagabihan ay nasa kwarto na si Sydney ng makarinig siya ng katok mula sa pintuan niya. Bumangon agad siya at binuksan ang pintuan. "Ella? Halika, pasok ka," ani Sydney at nilakihan ang pagbukas ng pintuan. "Señorita Sydney, nagtext na si Sir Robi. Pinapupunta ako bukas, sasama ka na ba?" "Talaga? Oo! Sasama na ako. Tsaka Sydney na lang ang itawag mo sa akin. Naiilang ako sa seniorita, e." "Okay, Sydney. Oh pano? Hintayin kita ng alas sais ng umaga?" "Okay, Ate Ella. Salamat, ha?" "Walang anuman." Ani Ella at lumabas na ulit ng silid ni Sydney dahil nag-aalalang baka mahuli pa siya ng kanyang amo. Tuwang-tuwa naman si Sydney dahil sa wakas ay malalaman na niya kung saang condi nakatira ang Kuya Robi niya dahil gusto niya talagang bumawi rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD