Third Person Pov
Kinabukasan ay nag-isip na naman si Sydney ng paraan para mawala na ang galit sa kanya si Robi. Talaga yatang hindi siya titigil hangga't hindi nawawala ang galit nito sa kanila ng mommy niya.
Maaga siyang bumangon para magpaalam sa mayordoma na ipagluluto niya lang ng almusal si Robi. Naunawaan naman siya ng mayordoma kung bakit niya yun gagawin kaya pinayagan na rin siya nito pero hindi siya hinayaan na mag-isang gagawa.
Una ay naghanap muna siya ng left over rice. Balak niyang lutuan ng heavy breakfast ang Kuya Robi niya. Isa pa, paborito rin yun ng daddy niya at kapag galit ito sa kanya ay nawawala ang galit kapag pinaglulutuan niya ng masarap na pagkain. So, naisip niyang baka mawala rin ang galit sa kanya ni Robi kagaya ng daddy niya noon.
"Sydney? Bakit ikaw ang nagluluto dyan?" Napalingon siya ng marinig ang boses ng Daddy Enrico niya.
"Paglulutuan ko po sana si Kuya Robi ng almusal-"
"No need, hija. Hindi ko kayo dinala rito para gawin kayong katulong ng mommy mo. Napakaraming katulong rito kaya hayaan mong sila ang gumawa niyan para kay Robi."
"P-pero Dad-"
"Sige na, hija..."
Napanguso na lang si Sydney ng kuhain na sa kanya ng maid ang sandok na ginagamit niya sa pagpuluto ng fried rice.
"Dun ka na lang sa sala. Manood kayo ng tv ng mommy mo." Utos pa ni Enrico kay Sydney na agad naman nitong sinunod.
"Oh? Bakit nakanguso ka?" Ani Cornela sa anak.
"Si Daddy Enrico po kasi, ayaw niya akong payagan magluto," sumbong ni Sydney pero nginitian lang siya ng kanyang mommy at hinaplos ang buhok.
"Sydney, tama lang si Daddy Enrico mo. Marami na siyang maids huwag ka ng dumagdag pa sa kanila, okay?" Aniya ng kanyang ina sabay yakap sa kanya. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal ni Cornelia sa anak kaya naman gagawin niya ang lahat mapabuti lang ang kalagayan nito.
Maya-maya pa ay nagsimula na silang kumain ng almusal. Magkatapat ang upuan ni Robi at Sydney kaya naman nakakaramdam si Sydney ng hindi pagkakumportable lalo na ng magkasabay pa sila ng pagkuha sa plato na may laman na beef steak.
"Ikaw na ang mauna, Kuya Robi." Natigilan naman si Robi at nais na naman sanang sigawan si Sydney dahil sa pagtawag sa kanya ng kuya pero mas pinili niya ang magtimpi.
"Sorry..." ani Sydney ng mapagtanto ang sinabi.
"Uhm, itong pork chop na lang ang sa'yo, Sydney. Mamaya ka na lang kumuha ng beef steak pagkatapos ng Kuya Robi mo," ani Enrico at iniabot pa kay Sydney ang lagayan ng pork chop.
"Thanks, Dad!" Ani Sydney habang nakangiti.
Napahigpit naman ang hawak ni Robi sa kubyertos dahil sa mga nakikita niyang hindi nagugustuhan ng mga mata niya.
"Dad, I'm leaving. Mas mabuti sigurong dun na lang ako tumira sa condo na binili sa akin ni mommy."
"Sell that condo. Malawak itong pamamahay natin. Hindi mo kailangan ang condo na yun lalo at galing sa mommy mo!"
"No. Dad! Mas pipiliin kong dun na lang tumira kesa makasama ang bago mong pamilya!" Tumayo si Robi at naglakad papunta sa hagdanan.
"Robi! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!" Galit na tumayo rin si Enrico. Pupuntahan sana nito si Robi pero maagap siyang napigilan ni Cornelia.
Si Sydney naman ay halos takpan na ang tainga dahil ayaw na ayaw talaga niyang makakarinig ng sigawan.
"Robi! Bumalik ka rito!" Sigaw pa ni Enrico pero hindi naman nagpaawat si Robi at hindi na pinansin ang Daddy niya saka siya nagmamadaling umakyat papunta kwarto niya.
Hindi niya mapigilan ang kamuhian ang bagong pamilya ng daddy niya dahil alam niya ang pakiramdam ng iniwan at hindi pinili ng taong pinaglaanan mo ng buong buhay mo. Pero tapos na yun.
This time ay hindi na siya magpapasakop sa daddy niya.
Kinuha niya ang kanyang maleta at isinaksak doon ang lahat ng damit na magkakasya. Dalawang maleta na ang pinaglagyan niya pero hindi pa rin sapat dahil sa dami ng damit niya sa mansion.
"Draco, umakyat ka rito at tulungan mo ako," hinging tulong niya sa kanyang kanang kamay. Pagkasabi ay pinatay niya rin agad ang tawag at ipinagpatuloy ang pag-iimpake.
Eksaktong kakatapos niya lang sa ginagawa niya ng biglang bumukas ang pintuan. Akala niya ay si Draco na pero hindi pala dahil paglingon niya ay si Sydney ang nakita niya.
"What are you doing here in my room?"
"Kuya Robi. Ako na lang ang aalis rito. Basta huwag ka lang umalis at magalit sa mommy ko," ani Sydney sa nagmamakaawang boses. Natigilan naman si Robi at ng makita niya na papasok si Draco ay pasimple niyang sinenyasan ito na umalis muna. Nakakaintindi namang tumango si Draco at lumabas na ulit.
"Buo na ang desisyon ko. Ayaw mo bang masolo ng nanay mo ang napakalaking mansion na ito at magbuhay reyna?"
" Kuya Robi, maniwala ka at sa hindi. Hindi ganyan ang intensyon namin ni Mommy." Ani Sydney habang umiiling kay Robi. Pumatak na rin ang luha nito kaya para bang nakaramdam ng awa si Robi kay Sydney. At sa unang pagkakataon ay lumamlam ang mga mata ni Robi pero pinipilit niya pa rin na huwag lapitan o hawakan si Sydney.
"Sa tingin mo ba ay ganun ako kabilis na paniwalain? Hindi na ako bata, Sydney. Hindi ko mararating ang buhay ko ngayon kung aasta akong maawain at paniwalain kagaya ni Daddy!"
Tumayo na si Robi at hinila ang dalawa niyang maleta pero natigilan siya ng yakapin siya ni Sydney sa kanyang likuran.
"Please, Kuya... Huwag ka ng umalis rito. Ayokong may mawala na naman o umalis ng dahil lang sa amin ni Mommy. Ako na lang ang aalis dito. Sige na naman, Kuya Robi..." nagmamakaawang saad ni Sydney.
Natigilan naman si Robi sa ginawang pagyakap sa kanya ni Sydney. Tila ba nanigas ang lahat ng dapat manigas sa buong katawan niya.
"Stay away, Sydney and don't you ever do this again." Nahihirapang saad ni Robi na naging sunod-sunod ang paglunok at paghinga.