Glase Point of View Pagkatapos naming kumain at uminom ng kape ay naglakad na naman kami pabalik sa parking. May pupuntahan daw kami sabi ni Kellix pero hindi niya sinabi kung saan. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na tinanong pa. Pinagbuksan niya kami ulit ng pinto ng kotse. Bumili pa siya ng fries, burger at drinks para malibang daw kami habang kumakain. Mayroon pa siyang biniling cookies saka chips sa may tindahan malapit sa parking lot. “Daddy, saan po ba k-kasi tayo pupunta?” tanong na naman ni Krizza. “Secret baby, basta magugustuhan niyo ‘yon!” sagot niya at hindi na rin pinilit ng anak. Bigla kong naalala na nasira nga pala ang bigay na story sa birthday ng anak ni Ismael, ang kaibigan ni Kellix. Paano kaya dumaan kami sa bilihan ng gamit. Susubukan ko sanang ayusin kaya lang

