KABANATA 13

650 Words
Shaira's POV "San ka pupunta?" Tanong niya sa'kin  habang nakapikit na ang mga mata. Ngumiwi ako. Akala ko pa naman tulog na 'to. "Magba-banyo lang ako. Huwag mong sabihing sasama ka pa?"  Sarkastikong sabi ko. Paano ba naman kasi mahigit dalawang buwan na siyang nakabunto't sa'kin. Mula rin nang makalabas ako ng hospital hindi niya na talaga ako nilubayan. Maski pag-tulog ko katabi ko siya. Yes, dalawang buwan na kaming natutulog sa iisang kwarto, kulang na lang nga pati sa CR samahan niya pa ako, eh.  Takot raw kasi siyang iwan ko. Parang siya pa ang na-trauma sa nangyaring pag-kidnap sa'kin. Naka-move on na ako doon, siya lang talaga. Pati nga sa school nakadikit siya sa'kin. Sumasama na rin siya madalas sa amin nila Shane at Liro. Maraming nagtataka at nagtatanong kung anong meron sa'ming dalawa. Hindi ko lang sinasagot dahil kahit ako, hindi rin alam. Sasabihin ko bang nasa arrange marriage kami? "Pwede ba?" Ngisi niya. Nakatuon na naman sa'kin ang mapupungay niyang mga mata. "Heee!" Namumula akong tumakbo sa CR. Ni-lock ko ang pinto, baka pumasok siya. Mahirap na. Napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin. Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng may kumidnap sa'kin. Hanggang ngayon marami pa ring tanong ang gumugulo sa isipan ko. Mga tanong na hindi ko alam kung may kasagutan pa ba. Kapwa tahimik kasi si Liro at Andrew sa nangyari. Mabuti nga at hindi na rin nag-aaway 'yong dalawa. Parang naging close sila dahil sa nangyari, minsan nga nakikita ko na lang na nag-uusap sila sa malayo at mukhang seryoso. May nakain siguro sila? Malaki rin ang pinagbago ni Andrew. Naging open siya sa'kin sa ibang bagay at palagi niya akong pinapasaya. Hindi siya umaalis sa tabi ko kahit anong mangyari. Minsan nga sinasama niya ako sa office niya kapag kailangan niyang pumasok. Kapag may meeting naman siya, kasama rin ako. Ayaw na ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya. Mas malala pa siya sa mga Body guard ko dati, eh. Mahirap siyang takasan.  Napangiti na lang ako. Kahit ganito ang set up namin, masaya pa rin ako. Lagi ko kasi siyang nakakasama at pakiramdam ko importante talaga ako sa kaniya. Nasanay na rin ako. Sana lang hindi ito matapos. Sana hindi siya magsawa sa'kin.  Napatalon ako sa gulat nang may malakas na kumatok. Kulang nalang wasakin niya ang pinto. I sighed heavily. "What?!" Irap ko.  "Lalabas ka ba ng puny*tang banyo na 'yan o ako mismo ang maglalabas sa'yo diyan?" Asik niya. Ganiyan talaga siya tuwing natatagalan akong sa CR. Iniisip niya atang may biglang susulpot na engkanto dito at kunin ako. Iksi din ng pasensiya. Padabog kong binuksan ang pintuan atsaka pinitik ang bunganga niya. Napanganga siya sa gulat. "Stop cussing." Irap ko bago siya nilampasan at humiga sa kama. Parang nag-aalaga na rin ako ng batang mahirap pangaralan. Sinabi ko na sa kaniya na iwas-iwasan ang pagmumura pero matigas pa rin talaga ang ulo. Pasaway. Naiiling na lang ako. Maya-maya lang naramdaman ko ng tumabi siya sa'kin sabay yakap sa baywang ko. "Shaira...." Malambing niyang bulong. Hindi ko siya sinagot. Pumikit na lang ako. Napagod din ako kanina kasi marami kaming pinuntahan. Marami siyang meetings ngayong araw at kasama ako doon kaya pagod din kahit wala naman akong ginawa. "Naiirita ka ba dahil parati kitang binabantayan?" Bulong niya pa. Nagmulat ako ulit ng mga mata bago siya hinarap. "Ikaw? Napapagod ka na ba sa pagbabantay sa'kin?" Tanong ko habang hinahaplos ang pisngi niya. Gusto ko rin namang parati kaming magkasama.  Umiling lamang siya. Ngumiti ako at pinatakan siya ng halik sa labi. "Hanggat hindi ka napapagod sa'kin, hindi rin ako mapapagod sa'yo." Sabi ko pa. Malakas siyang ngumiti. He look at me with so much love and passion. He sighed. "Please, stay with me." Malumanay niyang sabi bago ako hinalikan. Napapikit na lamang ako at walang pagdadalawang isip na tinugunan ang mga halik niya. Kay Andrew, pakiramdam ko buo ako. Pakiramdam ko sapat ako. I feel love. Nararamdaman ko ang kakaibang saya kapag kasama siya. At sa kaniya ko lang din naramdaman na may importante ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD