KABANATA 14

816 Words
Shaira's POV "Andrew, bumangon ka na!" Inis ko siyang hinampas ng unan. Kanina ko pa siya ginigising. Male-late na naman kami nito, eh.  "Gumising ka na nga kasi ayokong ma-late na naman!" Sinabihan ko naman kasi siya kagabi na matulog ng maaga kasi maaga klase namin ngayon. As usual hindi na naman siya nakinig sa'kin. He's so busy working. "Bahala ka na nga diyan!" Sabi ko bago nag-walk out. Siguradong magagalit siya pero ngayon lang naman, eh. Bahala na nga.  "Señorita, baka po magalit si señorito kung aalis kayo ng 'di siya kasama." Natatarantang sabi ng driver ni Andrew. Iyong ibang guard na-alarma din pero siyempre wala namang nagtangkang lapitan ako. Takot lang nila sa boss nila. "Tulog mantika nga kasi, Manong. Kanina ko pa ginigising. Male-late lang ako kung hihintayin ko pa siya." Katwiran ko bago sumakay sa kotse. Wala na rin namang nagawa si Manong. Umiiling pa ito nang pumasok at binuhay ang makina. Wala din namang pumigil sa'min kaya tuloy tuloy kaming umalis. siguradong may sasabog mamaya. Nang makarating ako ng school, dumiretso muna ako sa locker ko. Titingnan ko lang kung buhay pa ba mga gamit ko. Hindi ko na kasi nadadalawa 'to, dinadala na kasi ni Andrew mga kailangan ko. Hindi ko na rin naman kailangan mag-iwan ng gamit kasi boys scout ata fiancee ko. Laging handa 'yon sa mga kailangan ko, eh. Nagulat ako nang may mga papel at envelope na nahulog mula sa locker ko. Napatingin muna ako sa ibang estudyante bago 'yon isa isang pinulot. Namula ako sa hiya. Mga love letters kasi 'yon galing sa mga taong hindi ko naman kilala. Masaya naman ako kasi nakakatanggap ako ng mga sulat, nahihiya lang talaga ako. Naipon na rin pala mga sulat sa loob ng locker. Nilagay ko muna lahat ng sulat sa bag bago muling sinara ang locker ko. Babasahin ko ang mga 'yon mamaya sa bahay. "Shai!" Huminto ako sa paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sa'kin. Napangiti ako nang makita kung sino 'yon. Kumaway ako at sinalubong siya. "I miss youuuu!" Sabi niya bago ako niyakap. Natawa ako. "Dalawang linggo ka lang nawala, pero sige. I miss you toooo!" Niyakap ko siya pabalik. Dalawang linggo kasi siyang nag-stay sa Singapore. Dinalaw niya kasi parents niya doon. Matagal na kasi silang hindi nagkikita. Hindi naman makapunta ang parents niya dito kasi busy din sa mga business nila, kaya si Shane na ang pumunta doon. "San ka galing? Hindi mo ata kasama buntot mo. " Tanong niya. 'Buntot' tawag niya kay Andrew kapag kaming dalawa lang. "Sa locker lang. Si Andrew naman ay iniwan ko na sa bahay. Tulog pa, eh." Kumapit ako sa braso niya. "Buti hinayaan ka niyang umalis ng hindi siya kasama?" Seryosong tanong niya.  "Hindi niya nga alam. Siguradong galit na 'yon ngayon." Ngiti ko. Tumango siya.  "Mukhang masaya ka. uh?" "Oo naman!" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Medyo nagtataka na ako sa tono ng boses niya. Napaka-seryoso niya rin ngayon. "Uhm may problema ka ba, Shane?" Tanong ko. Kapag ganito kasi siya, siguradong may pinagdadaanan siya. Dahil ba kay Jared? Naghiwalay na daw kasi sila. "Wala naman. Walang problema," Nanginig ang boses niya. "Uh masaya ako kasi masaya ka. A-At gusto ko sanang mag-sorry...." Nangigilid ang mga luha niya. Kinabahan ako at nag-aalalang tumigil sa paglalakad para harapin siya. "Shane? Bakit? May problema ba? Pwede mong sabihin sa'kin." Sabi ko. Umiling siya sabay iwas ng tingin. Magtatanong pa sana ako nang biglang sumulpot si Liro. "Good morning, Ladies." Bati niya sa'min. I sighed.  "Walang good sa morning." Sabay naming tugon ni Shane sabay irap. Nagkatinginan kaming dalawa 'tsaka nagtawanan. Ngumiti naman ng nakakaloko si Liro. Nagulat na lang kami ni Shane nang kilitihin niya kaming dalawa. Nagtitili kami habang tawang tawa naman si Liro. Pinagtitinginan na naman tuloy kami. "Liro haha s--top!" Masaya kong pinagmasdan ang dalawa. Mahal na mahal ko silang dalawa kahit alam kong may mga bagay pa rin akong hindi alam sa kanila. Tanggap ko kung sino talaga sila. Huwag lang silang mawala sa'kin. Ngumisi ako habang pinagmamasdan ang mga ngiti ni Shane. Sana ganiyan na lamang siya parati. Sana lagi na lang siyang masaya, at sana sabihin niya rin sa'min ang mga problema niya. Sana kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon, sana malampasan niya rin kaagad. Ayokong nabubura ang mga ngiti niya. Ayokong nasasaktan siya tapos wala akong magawa. Napatigil na lang ako sa pag-iisip ng may biglang umakbay sa'kin. Hinihingal pa siya. Nilingon ko si Shane na nasa gilid niya at hinihingal din. Bakas sa mukha nila ang saya. Sana hindi na 'yon mabura. "May problema ba? Bigla kang tumahimik?" Puna ni Liro. Ngumiti lang ako at umiling.  "Shane, saan na mga pasalubong namin?" Tanong na lang ni Liro kay Shane. Inipit niya kaming dalawa sa braso kaya sabay kaming nag-reklamo ni Shane. "Nasa kotse po. Bibigay ko mamaya." Ngisi niya. Napa-yes naman si Liro. Natawa na lamang ako. Minsan napapaisip rin ako, paano kaya kung wala sila sa tabi ko? Paano kung 'di ko sila nakilala? Paano kung walang Liro at Shane na nag eexist sa mundo ko? Saan kaya ako pupulutin? Baka nabaliw na ako. Hindi ko kayang may mawala sa kanila. Masyado silang importante sa'kin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD