Shaira's POV
Malapit na kami sa room nang matigilan ako. Pati sila Shane at Liro, tumigil rin sa paglalakad.
"Why?" Tanong ni Liro.
Napalunok ako at hindi naka-sagot dahil sa init ng titig ni Andrew. "Bakit ganiyan siya makatingin?" Tanong ni shane sa tabi ko.
May kasalanan kasi ako. Kinagat ko muna ang ibang labi bago humakbang palapit sa kaniya. Kumabog ng malakas ang puso ko pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa kaniya ay natigilan na ako. Nauna naman na sila Liro at shane. Sinenyasan lang nila ako bago pumasok sa room namin.
Binalik ko naman ang atensiyon ko kay Andrew. "Sige na, drew. Sumama ka na. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka." Malanding sabi ni Mia. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Kailan pa 'to nagkalakas ng loob lapitan si Andrew? Akala niya siguro approachable na si Andrew dahil parati kaming magkasama. Napairap ako.
Hindi ko na lamang masyadong pinagtuunan ng pansin si Mia. Maiinis lang ako. Tiningnan ko na lamang si Andrew na walang pakialam sa kaniya at ito na rin ang humakbang palapit sa'kin.
"Bakit ka umalis ng 'di ako kasama?!" Mariing tanong niya pagkatap
Tinaasan ko siya ng kilay 'tsaka ako tumingin sa braso niya, kung saan may tukong nakakapit.
"Ayaw mong bumangon, eh. Male-late na naman ako kaya nauna na ako sa'yo." Sagot ko.
Sinulyapan ko si Mia. Hindi niya pa ba nararamdaman na hindi siya belong dito? Bakit hindi pa siya umaalis?
"Dapat hinintay mo pa rin ako!!" Naiiritang sabi niya pa.
"Magpa-salamat ka nga sa'kin, eh. Kung hinintay kita, may tuko bang nakakapit sa'yo ngayon?" Irap ko sabay hawi kay Mia. Hinila ko si andrew sa tabi ko. " Pero okay lang basta sila ang kakapit sa'yo at hindi ikaw." May pagbabantang sabi ko sa kaniya.
"Btch! Ang kapal ng mukha mong ikumpara 'tong ganda ko sa tuko?" Inis niyang sagot.
"Ganda?" Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Ngumisi ako. " Sa pagkakaalam ko damit at mga alahas mo lang naman ang maganda sa'yo."
"Maganda ako sabi ng parents ko!" Pulang pula na siya sa inis.
Natawa ako. Pikon pala ang isang 'to, eh.
"Alam mo? dalawa lang naman ang ibig sabihin kung bakit ka sinasabihan ng maganda ng parents mo kahit mukha kang tuko." Humakbang ako palapit sa kaniya. "Una, baka malabo na ang mga mata nila." Ngumisi ako at nilapit ang labi sa tainga niya. "Pangalawa, baka Napipilitan lang sila." Bulong ko bago humakbang palayo. Mas lalo naman siyang nagalit.
"b***h!!!" Asik niya.
Akmang sasampalin niya ako nang maagap na sinalo ni Andrew ang kamay niya. Ngumuso ako.
"Don't you dare hurt my wife." Kalmado ngunit seryosong sabi ni Andrew.
Napalitan naman ng takot ang tapang sa mukha ni Mia. Unti unti nang nawawala ang sungay niya sa takot kay Andrew. I just sighed. Ayoko naman talaga ng g**o, pero nanghahamon kasi ang isang 'to.
"Let her go, Andrew. Halika na.." Hinila ko na lamang palayo si Andrew. Mahirap na baka patulan niya pa. Mukha pa naman siyang walang sinasanto. Lahat kakalabanin, eh.