Nagulat pa si Apollo nang paglabas niya sa kwarto ay mabungaran si Adella. "K-kanina ka pa diyan?" Nag-aalangan niyang tanong sa dalaga. "H-hindi naman. Halos kadarating ko lang, " anito na nakangiti. "Kain na tayo? Hindi pa ako kumain kasi hinihintay kita." Napangiti siya. How nice when someone is waiting for you para sabayan ka lamang kumain. Inakbayan niya si Adella at naglakad sila patungong kusina. "Maupo ka lang diyan. Ako na ang bahala." Muli na naman siyang napangiti, pinaghanda siya ni Adella, Ganito pala ang pakiramdam when someone is taking care of you, an unexplainable feelings. "Thank yoyu," saad niya kay Adella nang umupo na rin ito para magsimula na silang kumain. Magkaharap sila ngayon. Isang kiming ngiti lamang ang iginanti nito sa kanya, pagkatapos ay magana na si

