Nakatulala si Adella, habang inaayos ang mga damit. Iniisip niya ang nangyari kagabi, ang halik at ang pag-uusap nila ni Apollo. "Oy! Ang lalim ata ng iniisip mo? Ano chikahan mo nga kami, kung ano ang ganap kagabi sa VIP room?" Excited na sabi ni Kimmy sa kanya. Umupo pa ito sa kama niya. Napansin nito na nag-eempake siya. "Hala, Inday. Saan ka pupunta?" Nabalot ng pagtataka ang mukha ng kaibigan. Napabuntonghininga siya. "May usapan na kami ni Apollo. Ang nangyari sa VIP room kagabi ay usapan lamang, " aniya. "Usapan? Anong usapan?" "Simula ngayong araw na ito, titira na ako sa penthouse niya." "Ano?! Ibabahay ka niya?!" Gulantang na sabi ni Kimmy. "Ibabahay? Iyon ba ang term doon? Basta ang sabi niya lang na much better kung titira na ako sa penthouse niya. Pero siya ay hindi

