Nakatayo ngayon si Adella sa gitna ng VIP room, habang nakahawak sa pole na nasa gitna. Patay ang ilaw. Kapag sumindi na ang pulang ilaw, hudyat na iyon upang magsayaw na siya. Alam niyang nang mga oras na iyon ay naroon na rin sa malaking VIP room si Apollo at inaabangan ang pagliwanag ng kwarto upang masilayan siya. Sa unang pagkakataon ay magsasayaw siya sa mismong harapan ng binata, tanging ito lamang ang makakasaksi sa pagsasayaw na gagawin niya. Sari-saring emosyon ang naglalaro ngayon sa kalooban ng dalaga, halos mamawis ang kamay niya sa tindi ng kabang nadarama nang mga sandaling iyon. Pero kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Isang tao lamang ang sasayawan niya ngayon, pero tila haharap siya sa maraming tao dahil sa sobrang kaba. Mas nanaisin pa ata niyang magsayaw sa harap n

