Pinagmamasdan ngayon ni Apollo si Adella na masarap ang tulog sa kanyang tabi, matapos ang isang nakakaliyong pagniniig. Napangiti siya. Kailan pa ba niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa tuwing pagkatapos may maikama? Wala. Ngayon lamang niya naramdaman ito, at kay Adella lamang. Wala siyang gaanong alam tungkol sa babae, basta ang alam lamang niya ay nagtatrabaho sa Stary Club bilang pole dancer. Maliban doon, wala na siyang alam tungkol sa personal na buhay nito. Hindi rin naman siya nagtatanong, ganoon rin ito sa kanya. Ngayon, naroon ang pakiramdam na gusto niyang alamin ang lahat ng tungkol kay Adella. Naghahangad siya ng mas malalim pang connection at hindi niya alam kung bakit. Nais niyang makilala ang pamilya nito, there is something in her na napaka interesante at hindi

