Hindi na namalayan ni Adella ang mga sumunod na nangyari. Pati kung paano sila nakarating ngayon ni Apollo sa kama ay hindi niya alam. Magka-ugpong pa rin ang mga labi nila at mas lalong nagiging mapusok ang kanilang bawat sandali. Nagiging mapaghanap ang bawat paghalik ni Apollo, na mas lalong binubuhay at pinapaliyab ang init sa kanyang katawan. Nararamdaman niyang hindi na rin niya makontrol ang sariling pakiramdam at paghahangad sa mas malalim pa. "Apollo," bulong niya na tila hirap-hirap. Dumadaing siya na hindi niya alam kung ano pa ang ninanais. "Tell me to stop, Adella." Dinig niyang sabi ng binata. Stop? Pipigilan ba niya ang lalaki gayong gusto rin ng katawan niya ang mga nagaganap? Kahit tumutol ang isip niya ay mas nangingibabaw ang paghahangad ng kanyang katawan. "Tell me

