"Hi, Sister." Iyon ang pagbati ni Apollo sa kanyang kapatid, pagpasok niya sa opisina nito. Pagkahatid niya kasi kasi kay Adella sa penthouse niya ay iniwan niya muna ito upang magpunta sa Ate niya. "Oh? Buti naligaw ka rito? Anong meron?" Usisa ng Ate niya habang seryosong nakatingin sa papeles na hawak at bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin nito. Napailing siya, napaka-busy na naman ng Ate niya. Halos buhay ata nito ay inilaan nito sa mga business ng pamilya nila na naiwan ng kanilang Ama. Kahit nga magka Love life ay hindi na nito naharap, kaya sobra niyang hinahangaan ang kapatid. Ito ang iniidolo niya pagdating sa trabaho at sa ano pa mang bagay. "Namiss lang kita. It's been a while since lumabas tayong dalawa para mag unwind," aniya at umupo sa isang upuan na nasa harap ng

