“Tisay!” Masama ang tingin ang ipinukol ni Joyce kay Art. Kanina pa kasi ito Tisay ng Tisay simula noong nalaman níto ang kaniyang palayaw sa lugar nila. “Bakit kapag ikaw ang tumatawag sa akin niyan, pakiramdam ko nanunukso ka at hindi mo talaga ako tinatawag?” Nawala na ang paggalang niya dahil naiinis na naman siya sa lalaki. “Kuya, tumigil ka na!” saway naman ni Amelia na nakaupo sa likurang upuan. Dahil nandoon naman na ang lalaki, ito na ang sinakyan nila pabalik ng eskwelahan. Handa naman itong isama sila, saka babawi pa nga raw ito, e. Manlilibre raw ito sa kanila. Hindi na sumagot si Art pero nakangiti naman ito. Napairap na lang si Joyce bago tumingin sa labas. Ang kaniyang inis ay biglang napalitan ng pagtataka. “Saan tayo pupunta?” tanong niya kay Art. “Ililibre k

