Nang makarating sila sa covered court, makikita agad sa gilid ang iba’t ibang taong nagtitinda. Malapad ito at maraming puwedeng gawin dito. Mayroong basketball court, volleyball court, at may mga bench din sa gilid. May nakatayo ring mga barong-barong na siyang nagtitinda ng mga pagkain. Mayroon mamihan, lugawan, isawan, at iba pa na gusto nilang kainin. May mga karinderya rin na siyang kinakainan ng mga traysikel driver dito. Itong covered court nila ay malapit sa lahat. Mula sa Barangay Hall, plaza ng barangay, Health Center, at isama na rin ang mga maliit nilang palengke. Dahil dito, nagkaroon na rin ng terminal para sa traysikel. Isang kanto lang ang layo nito sa binabaan nilang magkaibigan noong pagdating nila kaya hindi kalayuan. Nasa gilid man ito, kahit malalayo ang iba ay d

