Maaga pa lang ay nakapag-ayos na ang tatlo. Sasama kasi ang dalawa kay Elsa sa kaniyang pagpunta sa dating guro para maglaba. Ala-singko pa lang ay gising na si Joyce tapos nagsaing kaagad siya at nagluto ng ulam. May sardinas at itlog pa naman sila kaya iyon ang kaniyang niluto. Pagkatapos ay nag-igib na rin siya habang tulog pa ang dalawa. Si Elsa ay mas naunang nagising at nag-ayos ng kaniyang dadalhin. Nagbabaon siya ng damit dahil kadalasan ay basa siya pagkatapos niyang maglaba. Mas mainam ng may dala siya para pamalit. Mabilis natapos sa pag-igib si Joyce, saka naligo na si Elsa. Habang si Amelia naman ay nagising na rin. Magkatulong sila ni Joyce na nagligpit ng higaan. “Maligo ka na agad pagkatapos ni Nanay,” sabi ni Joycr habang tinutupi ang kutson. “Paano ka?” “Sunod

