KINABUKASAN ay nagising si Mina, nagtataka na nakahubad siya sa ilalim ng kumot. Sinuri ang sarili at parang may mahapdi na naramdaman sa kanyang gitna ng bigla sana siyang tatayo. Tinanggal niya ang kumot at nakita ang bahid na dugo sa bedsheet.
Napahagulgol ng iyak si Mina. Hindi niya malaman kung sino ang hayop na gumawa sa kanya na kunin ang kanyang pinakaiingatan puri. Ilang taon din niya iyon iningatan ang kanyang dangal. Pagkatapos ay basta na lamang ito kukunin ng ganon ganon lamang.
"Ahhh—!" malakas na sigaw ni Mina. Pinaghahampas ni Mina ang kama. Galit na galit siya. Sino ang kanyang hahabulin ngayon? Sino ang pananagunatin niya sa mga nangyari sa kanya? Hanggang ngayon ay nakakulong pa din siya sa apat na sulok ng kuwarto ito. Ni hindi niya alam kung saan siya puwedeng humingi nang tulong. Kahit si Manang Linda ay hindi siya kayang tulungan.
Narinig ni Mina na may nagpihit ng pinto. Bigla siyang natakot at kinabahan. Iniisip niya na baka ang lalaki na naman na iyon ang gustong pumasok sa loob kuwarto niya. Sumandal siya sa headboard ng kama at naitakip ang kumot sa kanyang kahubaran. Mahigpit na hinawakan ang kumot habang patuloy na umaagos ang mga luha niya sa kanyang mga mata.
Nagulat si Manang Linda sa kanyang nabugaran pagkapasok sa loob ng kuwarto ni Mina. Mabilis na inilapag niya ang pagkain na dala para sa dalaga. Saka nilapitan si Mina na nanginginig sa takot. At nakataklob ng kumot.
"Mina, anong nangyari sa 'yo?" nag aalalang tanong ni Manang Linda. Saka niyakap ang dalaga na hawak pa din ang kumot. At pagkatapos ay iniharap niya ito sa kanya.
"Manang, pinagsamantalahan po ako," umiiyak na sagot ni Mina. Napahagulgol na naman ng iyak si Mina. Niyakap siya ni Manag Linda. At iniharap sa kanya.
"Sinong gumawa nito sa 'yo, anak?"
"Hindi ko po alam, Manang. Nakatulog lang po ako kagabi. Pagkatapos po naramdaman kong may humaplos sa mukha ko. May, nakapasok po pala sa loob ng kuwarto ko nag hindi ko malalaman. Tapos nagising na lamang po ako na nakahubad na po ako at masakit ang buong katawan ko," kuwento ni Mina. Panay ang iyak ni Mina dahil sa kanyang sinapit.
Muling niyakap ng mahigpit ni Manang Linda ang dalaga. Pati siya ay napaiyak na din. Kumalas sa pagkakayakap kay Mina at humarap dito.
"Patawarin mo ako, Mina," nasabi ni Manang Linda. Kahit siya ay hindi niya alam ang gagawin. Kung tama ba ang ginagawa niyang pagtatakip kay Calvin.
"Bakit po kayo humihingi ng tawad? Wala naman po kayong kasalanan sa akin?"
"Dahil wala akong lakas ng loob na tulungan ka na makaalis sa bahay na ito. Kung may magagawa lamang talaga ako. Matagal na kitang tinulungan na makatakas," ani ng matanda na umiyak. Napapunas si Mina nang kanyang mga luha sa mata.
"Alam ko po iyon, Manang. Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Hayaan niyo po. Alam ko na may hangganan ang lahat ng ito. At makakaalis din po ako sa bahay na ito," desidido pa din siya na gusto niyang makaalis sa bahay na iyon.
Tumango tango ng ulo si Manang Linda. Saka hinawakan ang kamay ni Mina.
"Kumain ka na, qnak. Para makabawi ka ng lakas. Pupunta lamang ako ng banyo para maihanda ko ang pampaligo mo," sabi ni Manang Linda kay Mina. Napilitan tumango ng ulo si Mina. At pinunasan ni Manang ang mga luha ni Mina sa mga mata nito.
Pagkatapos ay tumayo na si Manang Linda para pumunta sa banyo. Impit na umiyak si Mina habang sumusubo ng pagkain. Mahigpit na hinawakan niya ang kutsara. Nakita niya ang tinidor at kaagad na kinuha iyon.
Tinitigan niya ang tinidor na hawak. At mabilis na itinago sa ilalim ng unan niya. Puwede niya iyong magamit para sa kanyang proteksiyon. Tamang lumabas si Manang Linda galing sa banyo.
"Tapos ka na bang kumain, Mina? Maligo ka na pagkatapos mong kumain. Kung gusto mong samahan kita sa banyo. Sabihin mo lang sa kin. Alam ko na mahihirapan kang humakbang."
"Kaya ko na pong maligong mag isa. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot ni Mina. Nilapitan naman ni Manang Linda si Mina at hinawakan sa mukha.
"Maging matapang ka na harapin ang lahat ng pagsubok. Lahat ay nakikita mula sa Itaas. Kaya wala kang dapat na ikabahala," ani ng matandang si Linda. Ngumiti ng pilit si Mina. Saka tumango ng ulo.
Umalis na si Manang Linda dala ang tray na may lamang ng mga pinagkainan ni Mina. Muli itong bumalik ng kusina. Habang si Mina ay nakahubad na pumasok na ng banyo.
Tumapat siya sa shower. At binuksan iyon. Kumuha ng sabon at kinuskus ang buong katawan ng sabon. Sobrang kuskos na halos namula na ang balat niya. Pinandidirijan niya ang sarili. Para siyang punong puno ng libag sa katawan. Ang dumi na mahirap nang tanggalin. Dahil nasa kanyang pagkatao.
Gusto niyang maalis ang mga natuyong laway at mga marka sa katawan niya. Panay ang pagtulo ng luha niya habang kinukuskos niya ang kanyang katawan ng sabon at scrub.
"Napakawalang hiya mo! Kung sino ka man!" mga sigaw ni Mina habang panay ang kuskos niya ng sabon sa kanyang katawan.
Samantala si Calvin ay ang lawak ng ngiti habang nakapikit na inaalala ang mga nangyari kagabi.
"Oh, my Baby Girl.. I can't wait to see tonight. And we will both enjoy the night," nasabi ni Calvin sa isip habang sinasariwa sa isip ang magandang mukha ni Mina.
Napaayos siya sa kanyang upo ng biglang pumasok sa opisina niya ang pakendeng kendeng niyang sekretarya. Napailing ng ulo si Calvin. Paano ba niya naging sekretarya ang katulad nito?
"Sir, may bisita po kayo na dumating. Papasukin ko na po ba?" maarteng sabi nito sa kanya.
"Who?"
"Si Ma'am Joana po."
Napabuga ng hangin si Calvin.
"Ano raw ang kailangan niya?"
"Hindi ko po alam, Sir. Papasukin ko na po para makausap niyo siya," sagot ng sekretarya ni Calvin.
"Okay. Let her in. And huwag ka nang tatanggap ng bisita. I'm leaving early today."
Tumango ng ulo ang sekretarya niya. Pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanya at pakendeng kendeng na naglakad papunta ng pinto para lumabas.
Pumasok si Joana sa loob ng opisina ni Calvin. Nakafitted dress ito hanggang hita niya na may malalim ang cleavage. Kitang kita na ang dibdib nito na pawang ang gitna na lamang ang natatakpan.
August Calvin Dela Fuente, ay kilala bilang isang magaling na negosyante. Maraming negosyo ito na napalago sa kanyang sariling kasipagan. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang politician. Ang mga Dela Fuente ay tinitingala sa larangan ng politika. Ang kanyang ama na si Augusto Dela Fuente ay kilalang gobernador sa kanilang lugar. Ang kanyang ina ay isang tanyag na artist sa pagpipinta.
Dire diretso si Joana na lumalapit kay Calvin. Habang si Calvin ay walang reaksiyon sa babaeng papalapit sa kanya. Si Joana ay anak ng kaibigan ng kanyang ama. Isa ding politiko ang ama nito. Ang Bise Gobernador sa kanilang lugar sa Fuentes. Matagal na itong nagpapansin sa kanya. Pero si Calvin ay pa ay ang iwas dito. Dahil para sa kanya si Joana ay parang kanyang nakababatang kapatid. Spoiled ito na nakukuha ang lahat ng gusto nito.
"Anong kailangan ng aking magandang kinakapatid?" bungad na tanong ni Calvin. Inaanak kasi ng Papa niya si Joana. Napasimangot naman si Joana.
"Can you stop calling me kinakapatid? Naalibadbaran ako d'yan," inis na sagot ni Joana. Nang makalapit ito kay Calvin ay kumandong pa ito sa kanya.
Umiwas naman si Calvin para hindi niya mahawakan si Joana. Pero may pag kapilya talaga ang dalaga na ito at pinagkadiinan ang kanyang upo sa p*********i ni Calvin.
Calvin control what is Joana trying to wake up from him. Kaya para makaiwas ay biglang tumayo si Calvin. Napasalampak sa sahig si Joana. Matalim na tumingin ito kay Calvin habang tumatayo.
"Masakit 'yon," sabi ni Joana na himas himas ang kanyang pang upo.
"Kung wala ka nang sasabihin. Umalis kaba lang Joana. Marami pa akong gagawin," pagtaboy ni Calvin dito. Napaismid naman si Joana.
"I just came here to invite you. Today is my birthday and I want to celebrate it with you."
"Happy birthday, Joana. I'm sorry hindi ako puwede. Busy ako."
"At saan ka naman busy Mr. Dela Fuente? Isusumbong kita, kay Ninong. Ayaw mo akong samahan sa special day ko," tanong at nagbabanta ni Joana.
"Joana, kapag sinabi kong busy ako. Busy ako! Hindi mo ako dapat diktahan sa kung anong gusto kong gawin. Besides, wala naman akong pakialam kung magsumbong ka pa kay Papa. Dahil hindi ako natatakot sa pagbabanta mo. Kaya umalis ka na, Joana sa opisina ko. Bago kalimutan na kinakapatid kita," hindi na napigilan ni Calvin ang sarili pagsalitaan si Joana. Si Calvin pa ang tinakot niya. Siya ang taong walang kinakatakutan. Kahit pa sa Papa niya.
Inis na nagmartsa si Joana palabas ng opisina ni Calvin. Pagkaalis ni Joana ay lumabas na siya ng opisina niya para umuwi. Uuwi siya ng Batangas. He want to see Mina. Simula nuong gabi ay hindi na siya natahimik nang dahil kay Mina.