NAGMAMADALING pumapasok si Calvin sa loob ng rest house na pag aari niya. Nasa sala na siya nang mapansin siya ni Manang Linda.
"Calvin, andito ka na pala," sabi ni Manang Linda habang lumalapit sa binata.
"Kumusta po, Nay? Si Mina po, nakakain na po ba? Kumusta po siya?" mga sunod sunod na tanong ni Calvin.
"Okay naman ako. Nakakain na rin si Mina at matutulog na 'yon. Maayos ang lagay ni Mina," sagot ni Manang Linda kay Calvin.
"Ako nga ay tapatin mo, Calvin. Ginahasa mo ba si Mina? Nagsabi sa akin 'yong bata. Iyak nang iyak si Mina. Nakikinig ako sa bawat kuwento niya at paghihirap. Pero hindi ko siya magawang tulungan," dugtong na tanong ng matanda. Seryoso na tumingin si Calvin kay Manang. Nahihiyang tumango ng ulo si Calvin. Hindi niya kayang magsinungaling kay Manang Linda. Dahil ito ang nagpalaki sa kanya.
"Naaawa na ako sa dalaga na si Mina. Napakabait na bata nito. Bakit kailangan mong gawin iyon, anak? Hindi ka ba naawa kay Mina? Hindi kita pinalaki para lamang manakit ng walang laban na babae, Calvin."
"Nay, kilala niyo po ako. Kung nagawa ko man po kay Mina,. Iyon ay dahil gusto ko po si Mina. Mahal ko po si Mina."
"Gusto mo pala at mahal mo na. Bakit kailangan mong daanin sa dahas ang walang laban na babae? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at nagawa mo iyon kay Mina. Pero, Calvin, hindi kita tinuruan maging ganyan at walang puso. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako ngayon kay Mina," naiiyak na sabi ni Manang Linda.
"I'm sorry po, Nay. Kung nawala ako sa katinuan ko. Huwag po kayong mag alala. Pakakawalan ko naman po si Mina. Naghihintay lang po ako ng tamang tiyempo."
"Pakakawalan mo? Paano ang mga ginawa mo sa kanya? Hindi mo ba naisip na baka mabuntis mo si Mina? Paano ang bata, ang magiging anak mo? Anong gagawin mo kay Mina, itatapon? Hindi na kita kilala, Calvin," may galit na mga tanong ni Manang Linda. Hindi na niya ang alaga kilala ang alaga niya. Simula ng isilang ito ay siya na ang nag alaga.
Hindi nakasagot si Calvin. At napayukong umalis sa harapan ni Manang Linda. Wala siyang mahanap na salita na isasagot sa mga tanong ni Manang Linda. Ngayon niya naisip ang mga kamalian niya. Kung sana ay ginawa niya ng tama ang lahat. At hindi idinaan sa, dahas si Mina.
Diretso siyang pumunta sa kuwarto ni Mina. Hawak niya ang duplicate key ng kuwarto ng dalaga. Kaya malaya siyang nakakapasok. Kahit kailan na gusto niya. Pagkabukas niya ng pinto ay dahan dahan niyang pinihit ang seradura para makapasok sa loob. Walang ingay na nakapasok siya. Bukas ang ilaw pero nakita niya si Mina na nakatagilid na nakahiga sa kama. Pinuntahan niya ang switch ng ilaw at pinatay ang ilaw. Saka niya nilapitan si Mina.
Naupo siya sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang buhok ng dalaga. Hanggang sa makarating sa braso ni Mina ang mga kamay ni Calvin. Dahan dahan na humiga siya sa tabi ni Mina. At iniyakap ang kamay sa beywang dalaga. Inamoy amoy pa ni Calvin ang batok ni Mina.
"I really can't get enough of you, baby. But I want to control myself not to touch you again. Tama si Nanay Linda. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Kung puwede lang naging maging akin ka na lang. Puwede ba, Mina?" bulong ni Calvin habang nakayakap siya kay Mina. Inabot ang kamay ni Mina para pagsalikupin ang mga kamay nilang dalawa.
Ipinikit ni Calvin ang kanyang mga mata. Gusto niyang makatabi si Mina sa pagtulog. Hindi na siya gagawa ng bagay na walang permiso ni Mina.
Nakaramdam si Mina ng bigat sa kanyang mga hita. Kinapa niya ang nakadantay sa hita niya. Nanlaki na may paa na nakadantay sa kanya. At may kamay na nakapit sa beywang niya. Bigla niyang kinapa ang tinidor na itinago sa ilalim ng unan niya. Nang makuha iyon ay bigla siyang humarap sa taong nakayakap sa kanya at inundayan ng saksak.
Hawak ni Calvin ang kamay ni Mina na may hawak na tinidor.
"Sino ka?! Hayop ka! Binaboy mo ako!" galit na mga sigaw ni Mina. Hindi nagsalita si Calvin at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ni Mina. Saka kinuha ng isang kamay ang tinidor na hawak nito. Hinagis ni Calvin ang tinidor sa kung saan. At muling itinalikod si Mina sa kanya habang mahigpit pa din na hawak niya ang kamay nito. Kinuha ni Calvin sa bulsa niya ang panyo.
Nakita iyon ni Mina. At iniiwas ang mukha dito.
"Ano ba?! Bitawan mo ako!" pagpiglas ni Mina. Nakakuha ng tiyempo si Calvin at naitakio niya sa ilong ni Mina ang puting panyo.
Dahil sa lakas ni Calvin ay walang nagawa si Mina. Napaluha na lamang siya habang unti unting ipinipikit ang mga mata. Nang masigurong nakatulog na si Mina ay iniharap niya ito sa kanya.
Hinaplos ni Calvin ang mukha ni Mina at kinintalan ng isang pinong halik sa labi. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili. Lumalim ang halik niya kay Mina na nagdulot ng init sa kanyang katawan.
"f**k!" Calvin cursed. And kissed Mina forehead. Saka niya pinagdikit ang mga noo nila. "I'm sorry. I'm really sorry, baby" nasabi na lamang ni Calvin. At inayos ang pagkakahiga ni Mina. Saka niya muli itong niyakap. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata.
Kinaumagahan ay nagising si Mina. Sinuri niya ang sarili. May damit siya. At parang magaan ang pakiramdam niya. Dahil walang masakit sa parte ng katawan niya. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag si Mina na hindi siya ginalaw ng lalaking nadatnan niyang nakayakap sa kanya. Bumangon siya at pumunta ng banyo. Siniguro niyang nakalock ang pinto ng banyo.
Alam ni Calvin na gising na si Mina. Kaya mabilis siyang pumasok sa loob ng kuwarto nito. Dala niya ang tray ng niluto niyang almusal para sa dalaga. Pagkalapag ng tray ay lumabas na din kaagad si Calvin. Pabalik siya ng Maynila mamaya. May trabaho pa kasi siyang hindi pa natatapos. Dinalaw lang talaga niya si Mina. Dahil sa miss na niya ang dalaga.
Lumabas ng banyo si Mina. Nagtaka siya na hindi siya tinawag ni Manang Linda at sinabihan na dala na nito ang pagkain niya. Hindi din siya hinintay na matapos sa banyo bago umalis.
Nilapitan niya ang pagkain niya. Scrambble egg, salad, toasted bread at juice.
"Special ata ang breakfast ko ngayong umaga," nangingiting nasabi ni Mina sa sarili. Hindi na lamang iyon pinansin ni Mina at nagsimula ng kumain.
Habang may mga mata na nakasilip sa maliit na awang ng pinto. Napangiti si Calvin nang makita na maganang kumain si Mina. Doon na niya dahan dahan na isinarado ang pinto.