NAKABALIK na ng Manila si Calvin. Pero ang isip pa din niya ay nasa Batangas— na kay Mina. Hanggang ngayon nasa balintataw pa rin niya ang dalaga. Simula noong unang makita niya nang picture ng dalaga ay hindi na siya pinatahimik. Palagi niyang naiisip si Mina. Kahit na ano pa ang gawin niya ay palaging naroon sa utak niya si Mina.
"Why I can't forget your beautiful face?" tanong ni Calvin habang nangingiti. Natigil sa pagmumuni si Calvin. Nang pumasok sa loob ng opisina niya ang isa sa mga tauhan niya.
"Boss, andito po si Xav," imporma ng isang tauhan.
Madilim ang anyo na tumingin si Calvin sa tauhan niya. "Anong kailangan niya?"
"Hindi po sinabi. Pero gusto raw po kayong makausap ng personal," sagot nito sa kanya.
"Okay. Let him in," utos ni Calvin. Lumabas na ito ng opisina niya. May ideya na siya kung bakit gusto siyang makausap ng Xav na iyon. It's because of Mina.
Pumasok ang isang lalaking medyo may katandaan na. Ang Tatay ni Mina. Si Xavier Villareal.
"Magandang hapon po, boss," bati ni Xav kay Calvin. Iginiya ng tingin ni Calvin si Xav na maupo. Tumalimang umupo naman si Xav.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Calvin.
"Boss, lugi naman po ata ako. Ibinigay ko ang anak ko sa inyo. Pagkatapos wala man lang akong natanggap ng sukli."
"Anong ibig sabihin mong sukli?"
"Magkano lang po ang nautang ko sa inyo. Ang anak ko mas malaki pa ang halaga niya. At alam kong alam niyo ang ibig kong sabihin."
"Diretsahin ko na ako, Xav! Ang dami mo pang sinasabi," bulyaw na sabi ni Calvin. Napatiim bagang. At kumuyom ng kamao. Nakakagalit ang tono ng mga salita ng kaharap. Kung tratuhin si Mina ay parang bagay. At hindi sariling dugo't laman.
"Boss, kailangan ko ng pera. Sobra sa pagbigay ko ng anak ko sa 'yo. Kung hindi mo ibibigay ang gusto ko. Sa iba ko na lamang ibibigay si Mina."
Napahampas ng malakas si Calvin sa lamesa niya. "Anong akala mo sa akin? Basta na lamang papayag sa gusto mo! Tandaan mo, Xav may utang ka sa akin. At si Mina ay sa akin na siya! Pag aari ko na siya simula noong makuha ko siya!"
Napiiling ng ulo si Xav at ngumisi ng nakakaloko. "Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan. Ako ang Tatay ni Mina. At ikaw, wala kang karaparan! Kaya ko pang bawiin sa 'yo ang anak ko!"
"Anong klase kang ama?! Naatim mo na ipagbili ang sarili mong anak! Anong akala mo kay Mina? Bagay na puwede mong ipagbili. Hindi mo na mababawi si Mina sa akin, Xav! Hinding hindi ko ibibigay siya sa 'yo!"
"Kung ayaw mo ibalik ang anak ko sa akin. Di ibigay mo ang hinihingi ko. Alam mo ba na nakausap ko na si Congressman Marcelino. At ipinangako niya sa akin na bibigyan niya ako ng isang milyon. Kapalit ni Mina. Wala naman akong mapapala sa 'yo, Calvin. Halos nasa isang daang libo lamang ang nakuha ko sa 'yo. Kaya kong makuha ang anak ko sa 'yo kapalit nang malaking halaga na makukuha ko kay congressman."
Hindi nakasagot si Calvin. Ang iniisip niya ay ang kaligtasan ni Mina. At hinding hindi niya ibibigay si Mina. Hindi puwedeng may ibang lalaking aangkin sa dalaga. Namarkahan na niya ang dalaga. Sa kanya lamang si Mina.
"Kung kaya mong higitan ang isang milyon. Sayong sayo na si Mina, Calvin. Hindi ko na kukunin ulit ang anak ko sa 'yo. Kaya pag isipan mo ang hinihingi ko sa yo," dagdg pang sabi ni Xav. Saka tumayo at tinalikuran si Calvin.
Nang makalabas si Xav ng opisina ni Calvin ay tinawagan kaagad nito si Congressman Marcelino para makipagkita at makausap ng personal. Kailangan niyang makumpirma kung totoo ba ang sinasabi ng Tatay ni Mina sa kanya.
"You are mine only, baby. And I will do everything para hindi ka makuha ng iba sa akin," nawika ni Calvin. Sakay siya ng kanyang kotse. Papunta siya sa restaurant. Kung saan niya katatagpuin si Cong. Marcelino.
Napatayo si Cong. Marcelino nang makita si Calvin na nasa harapan na niya. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay. Kinuha naman iyon ni Calvin at nakipag kamay sa kaibigan. Saka naupo na silang dalawa.
"Nagtataka lang ako, Calvin. Bakit biglang tinawagan mo ako? Akala ko hindi ko na ako maalala," ang tanong ni Cong. Marcelino. Seryoso namang tumingin si Calvin kay Delfin
"Mr. Dela Fuente, why all of a sudden you want to meet me?" dugtong na tanong ni Cong. Marcelino.
"May itatanong sana ako sa 'yo, Mr. Marcelino"
"Ano 'yon?"
"Kilala mo ba si Xavier Villareal?"
"Si Xav ba?" tanong din Cong. Marcelino. Naalala niya ang lalaking inalok ang anak sa malaking halaga.
"Oo," maikling sagot niya.
"May ireregalo raw sa akin. Pero may kapalit na malaking halaga. Nakakatawa na inaalok niya sa akin ang sariling anak. Ibang klaseng ama. Regalo pero may kapalit."
"Anong isinagot mo sa kanya?"
"Honestly, at first, I doubt Xav. But when he showed me a picture. Tinanong ko siya kung anong kapalit," kuwentong sagot ni Congressman.
"At sino naman ang nasa picture?" tanong ulit ni Calvin.
"Her innocent smile. I really love it. Alam mo ba after kong makita ang litrato niya. I knew it. Maybe she is the one for me. Kaya sinabi ko kay Xav na magbibigay ako ng isang milyon kapalit ng babae na iyon na nasa picture "
Naigting ng panga si Calvin. Pilit na pinipigilan ang pagsabog ng galit sa kamyang kaibigan.
"Don't bother to give that money. Because that girl is mine, Marcelino! Kaya kalimutan mo na ang pinag usapan niyo ni Xav. Dahil pag aari ko na ang babaeng pinapantasya mo!" maigting na sigaw ni Calvin.
"Hey, relax," pagpapakalma ni Cong Marcelino kay Calvin. Pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon sa restaurant.
"Ang sinasabi ko lamang dito, Daniel. Huwag mo ng tangkain pa na maging sa 'yo ang babae na iyon. Dahil matagal ko ng nakuha iyon! At walang ibang lalaki ang kukuha sa kanya sa akin. Magkakamatayan na muna tayo, Daniel Marcelino."
"Wait. Can you just calm down, Calvin? Alright, sa 'yo na siya. Hindi ko na kukunin. Pero ang balaan mo ay si Xav at hindi ako. Kaya kong magparaya para sa pagkakaibigan natin," at napangiti sa nakikitang possessiveness ni Calvin sa babaeng inalok sa kanya ni Xav.
"Mukhang tinamaan ka, Calvin. Sino ba talaga ang babae na iyon sayo?"
"She's mine. And I don't want to share her with anyone, Daniel," pinal na sagot ni Calvin. Napatango ng ulo si Daniel. Matagal na silang magkakilala ni Calvin. Naging malapit na magkaibigan. At ngayon lang niya nakita na naging ganito kaapektado si Calvin sa isang babae.