7

1031 Words
ISANG buwan ang nakalipas. Nakakulong pa rin si Mina sa kuwarto. Pero hindi na kagaya noon. Tuwing gabi ay may pumupunta sa kuwarto niya. Nagtataka nga siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinakakawalan ng mga dumukot sa kanya. "Joana?" nagulat na tawag ni Manang Linda sa babae na kararating lang. "Hi, Manang." "Anong ginagawa mo rito? Alam ba ni Calvin na pupunta ka?" nagtatakang mga tanong ni Manang Linda. Hindi pa rin nawawala ang pagkagulat nito sa mukha ng makita si Joana. Umiling si Joana. "Wala naman, Manang. May nakapagsabi kasi sa akin na may ibinabahay daw si Calvin dito sa resthouse niya," sagot ni Joana. Mabilis na umiling ng ulo ang matanda na tumanggi. "Talaga lang?" nakataas ang sulok ng labi nito na tanong ni Joana. Nababanaag ang takot sa mukha ng matandang katiwala ni Calvin. "Walang ibinabahay si Calvin dito. Kaya puwede ba umalis ka na, Joana. Baka malaman pa ni Calvin at mananagot ka sa kanya," buong tapang na sagot ni Manang Linda. "Rex, halughugin mo ang buong bahay. At hanapin ang babae na 'yon. Kapag nakita niyo itapon niyo sa kalsada na malayo sa mga mata ni Calvin," madiing utos ni Joana sa isa sa tauhan nito. Lumapit naman ang isang tauhan niya at nagtawag pa ng tatlong kasama. Dali dali silang pumanhik sa itaas. "Joana, anong ginagawa mo?" "Manang, huwag ka ng makialam. Baka gusto mong masaktan din kagaya ng babae na iyon." "Please, Joana, itigil mo na ito. Wala ka naman mapapala sa ginagawa mo. Lalo mo lang gagalitin si Calvin. At mas lalong lalayo ang loob ng alaga ko sa 'yo." "Hangga't andito sa resthouse ni Calvin ang babae na iyon. Hinding hindi mapapasa akin si Calvin. Kaya itikom mo ang bibig mo, Tanda!" Naiiyak na napilitang hindi magsalita ni Manang Linda. Natatakot siya sa gagawin ni Joana kay Mina. Wala na bang katapusan ang mga pasakit ng mabait na si Mina? Maya maya ay naririnig na ni Manag Linda ang malalakas na sigaw ni Mina. Awang awa ang matanda sa nakikita sa dalaga. Hawak ito sa magkabilang kamay ng dalawang tauhan ni Joana. Habang si Joana ay mabilis na umalis sa tabi niya. "Manang, tulungan niyo po ako," umiiyak na pagmamakaawa ni Mina. Umiiyak na nalatakip sa bibig ang matanda. "Huwag ka ng pumalag pa. Simula sa araw ba ito makakalaya ka na. Magpakalayo layo ka at huwag na huwag ka naming makikitang nagpakalat kalat sa daan. Dahil kung makita kapa ni Boss. Sigurado akong ipapatay kana niyon. Maliwanag ba, babae?" sabi ni Rex kay Mina. Habang mahigpit na hawak ito sa braso. Tumango ng ulo si Mina habang umiiyak. Walang nagawa ang matanda kundi ang tumalikod at huwag tingnan si Mina. Impit siyang umiyak. Lumabas na ang mga tauhan ni Joana. Dala dala si Mina. At isinakay sa loob ng sasakyan ng mga ito. Sinusundan na lamang ng tingin ni Manang ang sasakyan habang papalayo. "Huwag na huwag mong ikakanta kay Calvin ito, Manang. Dahil kung hindi uubusin ko ang pamilya mo sa probinsiya," banta ni Joana. Natakot naman ang matanda. Wala siyang magagawa kundi ang umiyak. Kung saan nila dadalhin si Mina ay hindi niya alam. Sa opisina ni Calvin ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya may nangyayari na hindi maganda. Bumibilis ang t***k ng puso niya. At kinakabahan. "Mina," biglang pumasok sa isip niya ang babaeng hindi na magpatahimik sa kanya. Dali dali siyang tumayo at lumabas ng opisina niya. Naabutan niya ang sekretarya niya na abala sa ginagawa. "Cancel all my appointment today. And go home early," mariing utos ni Calvin. Saka ito mabilis na umalis sa harapan ng sekretarya niya. Pagkababa sa lobby ay halos hindi niya pinapansin ang mga empleyado niya na binabati siya. Hindi niya maintindihan. Kung bakit ganoon na lamang ang takot na nararamdaman niya. Bang makasakay sa kanyang sasakyan ay binuhay niya ang makina ng kotse niya at ponaharurot ito ng mabilis. Kailangan niyang makarating ng Batangas. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nasisiguradong ligtas si Mina. "Baby, wait for me," nausal ni Calvin habang tutol ang mga mata sa daan. Naglalakad si Mina sa gilid ng daan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pati ang lugar kung nasaan siya ay hindi niya alam. Pinatulog siya at nang magising siya ay nakahiga na siya sa gilid ng daan. Walang mga taong naglalakad at walang mga bahay sa gilid. Poste lamang ng ilaw ang kanyang nagiging gabay sa paglalakad. "Diyos ko, iligtas niyo po ako," mariing dasal ni Mina habang nakapikit ang kanyang mga mata. Dahil sa gabi na ay nalipasan na si Mina ng gutom. Gutom na gutom at kumakalam na ang sikmura niya. Pakiramdam niya malayo pa ang lalakarin niya para makakita ng bahay. At makahingi ng tulong. Pero hindi na niya kaya. Bumibigay na ang talukap ng kanyang mga mata. Sa pagod sa paglalakad at dahil na din sa gutom. Tumulo ang luha niya. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luhang umaagos. Saka unti unting ipinikit ang mga mata. "Mina! Mina!" malalakas na sigaw ni Calvin. Nasa kuwarto siya ng dalaga at hindi naabutan ito. Walang masabi si Manang Linda kung paano na nakalabas si Mina ng kuwarto niya. Kaya pala ganoon na lamang ang kaba na nararamdaman niya. Umalis na ang babaeng mahal niya. "Calvin, patawarin mo ako. Hindi ko nabantayan ng maigi si Mina," umiiyak na paumanhin ni Manang Linda. Habang nasa likuran ito ni Calvin. Walang alam si Calvin sa mga nangyayari at natatakot si Manang na sabihin ang totoo. Ang totoong dahilan kung paano umalis si Mina. Dalangin lang ni Manang na maging ligtas si Mina kung nasaan man ito. Humarap si Calvin sa kanyang yaya. At nilapitan ito. "Hindi ko po kayo sinisisi, Nay. Ako po ang may kasalanan. Kung sana pinawakalan ko na si Mina. Hindi sana aabot sa ganito," puno ng lungkot na sabi ni Calvin. "Patawarin mo ako, anak," patuloy pa din ito sa paghingi ng tawad sa alaga. Niyakap na lamang ni Calvin si Manang Linda. "Hahanapin kita, baby. Kahit saan ka man. Mahahanap kita at ibabalik sa, akin. Sisiguraduhin kong hinding hindi kana makakaalis pa sa piling ko, mahal ko," pangako ni Calvin sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD