NAGDILAT ng kanyang mga mata si Mina. Isang 'di pamilyar na kuwarto. Napabalikwas siya ng bangon. Agad na sinuri ang buong kuwarto. Hindi ito ang dating kuwarto kung saan siya ikinulong ng hindi niya kilalang tao. Puwedeng nasa ibang bahay siya?
"Magandang umaga sa 'yo, Hija. Kumusta ang pakiramdam mo?" malambing na tanong sa kanya ng isang babae na may dalang tray at isang paper bag.
"O-Okay n-naman po," medyo nauutal na sagot ni Mina. Nagpalinga linga siya sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siyang lugar.
"Nakita ka namin sa daan na walang malay at nakahandusay sa sahig. Siguro nawalan ka ng malay dahil sa gutom at pagod. Kaya isinama na kita dito sa bahay ko. Huwag kang mag alala hindi ako masamang tao," sabi ng matandang babae sa kanya.
Nahihiyang tumango ng ulo si Mina.
"Salamat po. Nasaan po ako?"
"Hindi mo ba alam kung saan lugar ka ngayon?" balik na tanong nito sa kanya.
"Hindi po, e. Naligaw po ata ako," pagsisinungaling na sagot ni Mina. Hindi siya makatingin ng diretso sa babaeng kausap niya.
"Andito ka sa Pampanga," maikling sagot nito sa kanya.
"Pampanga po?"
"Oo, Hija. Bakit taga saan kaba?" tanong ng babae sa kanya.
"Taga Maynila po ako. Puwede po ba akong makahiram ng phone sa inyo? Tatawagan ko lang po ang Nanay ko. Sigurado pong nag aalala na siya sa akin," pakiusap ni Mina. Ngayon na nakalaya na siya sa kamay ng mga lalaking dumukot sa kanya ay kailangan niyang balaan ang pamilya niya. Sa posibleng mangyari.
"Sandali at kukunin ko sa kuwarto," sagot ng babae sa kanya at lumabas kaagad ito ng kuwarto kung saan si Mina natulog.
Bumangon siya at pumunta sa bintana. Sumilip siya mula sa bintana. Marami ng bahay ang nakikita niya labas at mukhang tahimik ang lugar na ito.
Sumamyo siya ng sariwang hangin. Pakiramdam niya isa siyang ibon na nakawala sa hawla. Malaya ng lumilipad. Malayang malaya na siya sa kamay ng mga taong gustong manakit at lumapastangan sa kanya.
Napahawak siya sa ulo niya ng biglang makaramdam ng hilo. Parang umiikot ang paligid niya. Maya maya pa ay parang masusuka siya. Kaya dali dali siyang pumunta ng banyo para doon sumuka. Pero wala namang laman ang tiyan niya. At puro laway lamang ang lumalabas na naisusuka niya.
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
"Maari kayang buntis ako?" natigagal siya sa pumasok sa isip niya. Maluha luhang napatakip ng mukha.
"Hindi maari ito! Hindi ako puwedeng mabuntis" panaghoy ni Mina.
Bumukas ang pinto at pumasokang babae.
"Hija, eto na ang telepono," tawag nito sa kanya. Sabay abot ng telepono kay Mina.
Dahan dahan naman siyang tumayo at pinunasan ang luha niya. Inaayos ang sarili saka lumabas ng banyo.
Napansin naman kaagad siya ng babae at nilapitan siya. Nakita nito ang lungkot sa mukha ni Mina. Maamong mukha pero nababalot ng lungkot at pighati.
"May problema ka ba, Hija?" tanong nito sa kanya at hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Napaiyak muli si Mina nang maalalang buntis siya.
"Buntis po ako," umiiyak na amin ni Mina. Naawa naman ang babae sa kanya at niyakap siya. Pagkatapos ay iniharap siya nito.
"Dapat nga maging masaya ka. Dahil ang baby na iyan ang blessing sa buhay mo. Ako ay nag iisa na lamang sa buhay. Walang asawa at walang mga anak. Dahil sa nabigo ako sa pag ibig. Sumumpa ako na hindi na muli magmamahal. Kaya eto ako ngayon mag isa sa bahay na ito," mahabang litanya nito sa kanya.
"Hija, huwag mong isipin na wala kang karamay andito ako para sayo. Tawagin mo na lamang akong Nanay Emelita. Tutulungan kitang itaguyod ang iyong anak" dugtong pang sabi ni Nanay Emelita sa kanya.
"Hindi niyo po kasi alam kung ano ang totoong nangyari sa akin. Hindi ko gusto na magkaroon ng anak sa isang lalaki na hindi ko po kilala! Ppinagsamantalahan po ako. At hindi ko kilala ang lalaking lumapastangan at bumaboy sa katawan ko. Alam niyo po ba kung gaano ako nandiri. Diring diri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang libag libag ko na" bulalas na kuwento ni Mina. Saka humagulgol ng iyak.
"Hindi ko po matatanggap ang batang ito. Wala akong ibubuhay sa kanya. At ayoko na madamay siya sa kamalasan sa buhay ko. Ayoko siyang makitang mahghirap. Kagaya ng sarili kong pamilya. Binubugbog ang Nanay ko. Wala kaming makain. Ayoko pong maranasan iyon lahat ng anak ko" dugtong pang sumbat ni Mina sa sarili.
Kinabig ng yakap ni Emelita si Mina. Napaiyak na din ito nang marinig ang kuwento niya. Sa murang edad ay nagkaroon na kaagad siya ng pagsubok sa buhay. Naawa siya para kay Mina at para sa magiging anak nito. Hindi niya masisisi si Mina dahil nagdaan siya sa napakasamang karanasan sa buhay. Kung siya man ay baka ganoon din ang sasabihin niya.
"Anong plano mo, hija?" tanong ni Emelita nang iharap niya sa kanya si Mina.
"Ipapa-ampon ko po ang bata. Pagkapangak ko. At pagkatapos ay kakalimutan ko ang lahat ng mga nangyari at magpapakalayo."
"Hindi ka ba naawa sa anak mo?"
"Mas nakakaawa po siya kapag patuloy na sa akin siya. Walang magandang buhay ang maibibigay ko sa kanya. Patapon na po ang buhay ko. Halos pakiramdam ko wala ng halaga ang buhay ko dahil sa mga pinagdaanan kung kalupitan. Alam ko po na maiintindihan din ito ng anak ko. Balang araw. At kung sino man po ang aampon sa anak ko. Alam ko po na kaya nitong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko na hindi ko kaya kayang ibigay sa kanya," desidido na si Mina na ipaampon ang anak niya. Alam niyang mali at masakit. Pero ito lamang ang nakikita niyang tamang paraan.
Habang si Calvin ay hilong hilo na kahahanap kay Mina. Isa na lamang talaga ang paraan. Ang kausapin si Xav. Ang ama ni Mina. Dahil hindi magtatagal ay alam niyang tatawagan nito ang ina ng dalaga. At si Xav lamang ang tangi niyang paraan para mahanap si Mina.
"Damn! Where are you, baby?!" malakas na sigaw ni Calvin.