9

1459 Words
TATLONG buwan ng nagmamanman si Calvin kay Mina. Mula sa malayo ay natatanaw niya si Mina. Labis ang tuwa niya ng malaman na buntis ito. Nakuha niya ang impormasyon kay Xav na nasa Pampanga si Mina. Wala siyang inaksayang sandali at dali daling pinuntahan si Mina. Kontento na siyang makita si Mina sa malayo. Tatlong buwan na rin ang tiyan nito. Palagi siyang nakabantay kay Mina. Kumuha na rin siya ng matitirhan malapit sa bahay na tinutuluyan ni Mina. Para palagi niyang mabantayan ito. Nagtatrabaho pa rin naman siya at sa gabi siya nagtatrabaho kapag tulog na si Mina. Okay lang na walang tulog, laging puyat at pagod siya. Basta masubaybayan niya si Mina habang pinagbubuntis nito ang anak nila. Maaga pa ay may hinahanap si Mina na gustong kainin. Hinimas niya ang tiyan niya. "Baby, nagugutom ka na?" tanong niya sa tiyan niya. Naisip niya na masarap palang maging ina. Kahit na hirap na hirap na siya. Kailangan niyang alagaan ang sarili. Dahil may bata sa loob ng tiyan niya na umaasa sa kanya. Kumakapit sa kanya. "Parang gusto ko ng manggang hilaw at saka ice cream," ang weird pero natatakam siya. Pumunta siya ng kusina at binuksan ang ref. Walang manggang hilaw pero may ice cream. May mangga man iyon lamang ay hinog iyon. Gusto niya ng mangga na kapipitas lang sa puno. Kaya lumabas siya ng bahay at nakadaster na naghanap ng puno ng mangga na hitik sa bunga. Gutom na gutom na talaga siya. Naglalaway na siya sa manggang hilaw. Napansin ni Calvin si Mina na parang matamlay at malungkot na nasa labas ng bahay nila. Kapitbahay lang niya si Mina. "Miss, may kailangan ka? May gusto ka bang kainin?" lakas loob na tanong ni Calvin habang nasa may bintana lamang siya. Tanaw niya si Mina mula sa labas. "Gusto ko kasi ng mangga 'yong hilaw tapos nasa puno pa," nahihiyang sagot ni Mina. Parang maiiyak na ito. Dahil wala siyang makitang puno ng mangga. Nagmamadali na lumabas ng bahay si Calvin. At nilapitan si Mina. "Halika, hahanap tayo ng puno ng mangga," inilahad niya ang kamay kay Mina. Tinitingnan lamang iyon ni Mina. Kakakilala lang nila. Pagkatapos ay inilahas kaagad ang kamay sa kanya. Hindi naman kasi niya alam na may nakatira sa kabilang bahay. Palagi kasing wala siyang nakikitang tao. Ngayon pa lamang. Kaya Nagulat siya nang may lumabas na lalaki mula sa loob ng bahay na iyon. "Hindi ba nakakahiya sa 'yo?" tanong ni Mina. Ibinaba naman ni Calvin ang kamay niya. "No. Saka gutom ka na di ba? Alam kong naglilihi ka. Kaya halika na," muli niyang inilahad ang kamay niya kay Mina. Muling tiningnan ni Mina iyon. Pero kinuha din ni Mina ang kamay niya. Napangiti si Calvin. Habang si Mina ay hindi maintindihan kung bakit ganoon na lamang malapit ang loob niya sa lalaki. Hawak kamay sila na naglalakad. "Mina, saan ang punta mo?" tanong ni Aling Bebang na may ari ng tindahan na laging binibilhan niya. "Maghahanap po ng puno ng mangga na maraming bunga," sagot ni Mina. Tumingin si Aling Bebang sa kasama ni Mina. "Sino naman iyan kasama mo? Boyfriend mo ba?" "Naku, hindi po," mabilis na sagot ni Mina. "Ako po si Augusto nakatira d'yan sa tabi nina Mina," pakilala ni Calvin sa sarili. Hindi niya binibitawan ang kamay ni Mina. "Aba'y, ikaw ba ang nakabili ng bahay d'yan. Sige na at lumakad na kayo. Mukhang nagugutom na si buntis," sabi pa ni Aling Bebang. Tumango ng ulo si Mina. At umalis na silang dalawa ni Calvin. Naglalakad lamang sila. Magandang ehersisyo iyon para kay Mina. Lalo na sa umaga. Pinagmamasdan ni Calvin si Mina. Napagawi ang tingin niya sa kamay nila na magkahawak. Napangiti siya sa isipin na hindi magreklamo o tumanggi na hawakan niya ang kamay nito. Medyo lumalayo na ang nalalakad nila nang mapadpad sa isang malaking lupain. Maraming iba't ibang klase ng puno doon. At mayroon ding mga puno ng mangga na hitik sa bunga. Nangingislap ang mga mata ni Mina. At bumitaw sa pagkakahawak kay Calvin. Saka lumapit sa bakod. "Wow! Ang daming mangga. Pero paano ako makakapasok sa loob? Sarado ang gate at mukhang private property ang buong lupain. "Huwag kang mag alala. Gagawan ko ng paraan," sabi ni Calvin na ikinalingon ni Mina sa kanya. Ngumiti si Mina sa kanya. Kinuha ni Calvin ang phone niya at may tinawagan. Lumayo ito ng kaunti kay Mina. Patingin tingin si Mina sa buong lugar. Ilang sandali pa ay lumalapit na sa kanya si Calvin. "Maghintay lang tayo sa may ari. Pagbubuksan niya tayo ng gate," ani Calvin. Tumango ng ulo si Mina. May narinig silang nagbubukas ng gate. Iyon na marahil ang may ari ng farm. Nagulat si Mina nang lumapit ito sa kasama niya at nakipagkamay. "Halika na. Pasok na tayo sa loob," aya ni Calvin sa kanya. Masayang sumunod si Mina dito at inalalayan pa siya. Pagpasok sa loob ng farm ay namangha si Mina sa paligid. Maraming puno ang may mga bunga gaya ng lansones, mangga, atis at guyabano. May maliit na batis din sa loob. "Mr. Dela Fuente, naiutos ko na po ang pagkuha ng mga mangga," sabi ni Dean. Ang may ari ng lupa. Mabilis na lumapit si Calvin sa kanya. "Don't be too formal, Mr. Dean. Baka makahalata si Mina," mahinang bulong ni Calvin. Tiningnan niya si Mina na busy sa pagtingin tingin sa buong farm. "Pasensiya na, Calvin. Ready na rin ang mga pagkain," nauutal pa na tugon ni Dean. Kilala si Calvin at iginagalang dahil sa impluwensiya nito. Tumango ng ulo si Calvin at binalingan si Mina. "Nakahanda na ang mga maganda, buntis," tawag niyang sabi kay Mina. Natawa naman si Calvin sa loob loob niya dahil sa itinawag niya kay Mina. Lumingon si Mina sa kanya. "Mina ang pangalan ko," sabi ni Mina na nangingiti. Lumundag ang puso ni Calvin. It's the first time that Mina smile to him. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. "Agusto," pakilala ni Calvin sa sarili habang lumalapit kay Mina. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay kay Mina. Tinanggap iyon ni Mina. At hinila siya ni Calvin para pumunta sa isang cottage doon. Masayang nilantakan ni Mina ang mangga at halos mabusog siya. Pero may kulang. Wala ang ice cream niya. Napansin ni Calvin ang mukha ni Mina na parang dismayado "Bakit? May problema ba? Kulang pa ba ang mangga para sa 'yo?" nag aalalang mga tanong ni Calvin. Hindi na kakain ng maayos si Calvin. Dahil mas gusto niyang titigan si Mina habang kumakain. Lalo pa at naglilihi ito. Umiling ng ulo si Mina. "E, bakit ganyan ang mukha mo?" hindi na napigilan ni Calvin na hawakan si Mina sa pisngi. "Wala 'yong ice cream ko," maluha luhang sagot ni Mina. Napailing ng ulo si Calvin. "Ganito ba ang maglihi? How she manage at night? Kapag nagutom si baby. Sinong nagbibigay ng gusto niya?" mga tanong ni Calvin sa isip. Narealised niya mahirap ngayon ang sitwasyon ni Mina. Hindi niya nakukuha ang gusto niyang kainin. Kinabig ni Calvin si Mina at isinandal sa kanya. Nagulat naman si Mina at naestatwa. "Dean, baka may ice cream ka diyan. Kung wala pakiutusan ang trabahador mo. Magpabili ka ng lahat ng flavor ng ice cream," utos ni Calvin kay Dean. Sinunod naman ni Dean ang iniutos ni Calvin. Pinapakalma ni Calvin si Mina. Hinahaplos niya ang buhok nito. Habang si Mina ay walang imik na nakasandal sa dibdib ni Calvin. Hapon na naiuwi ni Calvin si Mina. Ipinahatid sila ni Dean. Masayang masaya naman si Mina. Nag enjoy siya sa pananatili sa farm. Bitbit pa ni Calvin ang ibang natirang ice cream. Sa dami ng binili ay marami pa ang natira. Kaya iniuwi na lamang ni Calvin para may makain mamayang gabi si Mina. Kung sakaling maghanap ito. Humahangos na lumalapit si Nanay Emelita kina Mina at Calvin. "Saan ka ba galing na bata ka? Hapon na, ah. Kumain ka na ba?" tanong ni Nanay Emelita kay Mina. "Pasensya na po, 'Nay. Naghanap po kasi kami ng mangga. Huwag po kayong mag alala kasi busog na busog po si baby," sagot ni Mina. "Sino ka?" baling ni Nanay Emelita kay Calvin. Napansin niya ang lalaking kasama ng anak anakan. "Augusto po. D'yan po ako nakatira sa katabi ninyong bahay," sagot at turo ni Calvin sa tinitirhan niya. "Salamat sa pag aalaga mo sa anak anakan ko," sabi ni Nanay Emelita. Saka binalingan si Mina. "Tayo nang pumasok sa loob ng bahay," niyaya niya kay Mina. Sinusundan ng tingin ni Calvin sina Mina na papasok sa loob ng bahay. Napangiti siya ng maalala ang mga nangyari habang kasama niya si Mina. "Baby, I miss you so much," usal ni Calvin sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD