MABILIS na lumipas ang limang buwan. Sa susunod na buwan ay manganganak na si Mina. Sobrang sabik na makita ni Mina ang paglabas ng anak. Isang buwan na lamang ay masisilayan na niya ang mukha ng anak. Nakangiting hinahaplos niya ang kanyang malaking umbok na tiyan. Habang nakaupo sa tumba tumba na upuan. "Hi, baby ko. Kumusta ka na diyan? Excited na akong makita ka. Patawarin mo si Nanay kung hindi kita maalagaan. Sana maintindihan mo na ginagawa ko ito para sa kapakanan mo. Mahal kita. Dahil nagmula ka sa akin. Dugo't laman kita. Tandaan mo 'yan," napaluha na siya. Ngayon pa lang nasasaktan na siya. Ang bigat sa dibdib. Ang dami niyang sana. Sana hindi pabaya ang sarili niyang ama. Sana maganda ang buhay nila kung hindi sugarol ang ama. Sana hindi siya nagtotodo kayod. Sana hindi s

