"NAY! Nay!" malalakas na tawag ni Mina kay Nanay Emelita. Humahangos naman na tumatakbo si Emelita para daluhan ng anak anakan na nasa sala. Napansin niya ang tubig na nasa sahig. At muling tumingin kay Mina. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ayos ni Mina. "Diyos ko, Mina! Manganganak ka na!" natatarantang sigaw ni Emelita. Sa sobrang taranta ay hindi malaman ang gagawin. "Masakit na po ang tiyan ko," hindi na maipinta ang mukha ni Mina dahil sa sakit na nararamdaman. Hawak niya ang tiyan, animo'y ilang minuto lang ay lalabas na ang anak niya. "Hihingi ako ng tulong d'yan sa binata sa kabilang bahay. Sandali tatawagin ko lang si Augusto," pinaupo niya muna si Mina. Tagaktak na ang pawis nito. At parang init na init. Sumasabay pa ang paghilab ng tiyan niya. Mabilis na tumakbo

