NAILIPAT na ng private room si Mina. Nagising siya na tulog si Augusto na nakatalungko sa higaan niya. Hinaplos haplos niya ang buhok nito. Naalimpungatan si Augusto att napatunghay ng ulo. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Mina. "Walang magbabantay sa 'yo." "Ang anak ko?" hanap ni Mina sa anak. Inilinga nag mata sa buong kuwarto niya. "Nasa nursery pa. Mamaya maya dadalhin na dito ng Nurse" nakangiting sagot ni Calvin. "Salamat, Augusto. Ang dami ko ng utang sa 'yo," taos sa pusong pasasalamat ni Mina. "Bakit sinabi ko bang may utang ka sa akin?" Napangiti na lamang si Mina. "It's my duty, baby. And my responsibility to you and our daughter," usal ni Calvin sa isip habang nakatitig sa mata ni Mina. Bumukas ang pinto at niluwa niyon si Nanay Emelita. Kasama ang nurse na karga

