NAPADPAD si Mina sa isang maliit na barangay ng Laguna. Malapit ito sa lawa ng Laguna De Bay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa ay doon siya. "Ale, nagugutom na po ako. Puwede po bang makihingi ng kaunting pagkain?" pakiusap na nagmamakaawa si Mina sa babaeng nakasalubong niya. Tatlong araw na siyang walang kain na maayos. Sa tabi ng kalsada na lamang siya natutulog. Tiningnan lang siya nito at nilampasan. Gusto ng umiyak ni Mina. Pinaghihinaan na siya ng loob. At gusto na niyang sumuko. Simula noong araw na umalis siya sa ospital ay nagpakakad lakad na siya kung saan saan. Isang pulubi at taong grasa si Mina. Mabaho ang damit at walang ligo. Hindi rin siya makahanap ng trabaho. Sa itsura niya tiyak na walang tatanggap. Lumakad pa muli si

