"HAPPY birthday to you!" sabay sabay na masayang kanta ng mga bisita kay Cay. Limang taon na si Cay ngayon. Nasa tabi niya ang Daddy niyang si Calvin, si Nanay Emelita. Ang parents ng Daddy Calvin niya at ang mga magulang ng Mommy niya. They are all happy on this special day of Cay. Humingi ng tawad kay Calvin si Xav. At tinulungan niya itong magbagong buhay. Ngayon nga ay nagtatrabaho ito sa isa sa kompanya niya. Everything is falling into right a place. Si Mina na lang ang kulang at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap si Mina. "Daddy, I'm five years old na po. Bakit wala pa po si Mommy?" inosenteng tanong ni Cay. Palaging tinatanong ng bata ang kanyang ina. Hindi naman nito nasilayan ang mukha ni Mina. Hanggang pictures lang ang nakita niyang mukha ng ina. "Baby, busy pa an

