NAKATULALA lang ako habang nakatingin sa kabong na nasa harapan ko. Hindi ko na kayang umiyak pa. Pugtong-pugto na ang mga mata ko at pakiramdam ko ay naubos na ang luha ko. Wala na si Nanay Greta. Patay na siya. At ngayon ang huling gabi ng lamay niya. Unang beses niya lang inatake sa puso pero iyon na agad ang kumitil sa kanyang buhay. Matagal na palang siyang may sakit sa puso pero inililihim niya iyon sa akin. Napakagaling magtago ni nanay... Napalingon ako sa aking tabi nang may humawak sa aking balikat. Si Marichu pala. “Ilalabas ko na nga pala iyong mga sopas. Grabe, dinagsa ang huling gabi ng lamay ni Aling Greta pero karamihan mga hindi ko kilala. Nakikikain lang yata...” At umupo siya sa tabi ko. Dito sa bahay niya isinagawa ang lamay. Itinuloy pa rin kasi ni Ate Charming ang p

