HAIDE "Nanay, Tatay, magandang umaga po! Nay, Tay babalik na po kami sa Manila. Baka ho matagalan na naman na makabalik kami dito. Nanay, Tatay mahal po namin kayo. Sana po gabayan niyo pa rin kami palagi." Kausap ko sa aking mga magulang habang pinupunasan ko ang aking luha. Hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha. Sobrang na-miss ko na talaga sila. Sana kung maaga kami nahanap ng pamilya ni Tatay sana hanggang ngayon buhay pa sina Nanay at Tatay. Pero baka nga ang lahat ay may rason kung bakit sila kinuha ng maaga ng panginoon. "Nay, Tay, good morning po. Babalik na po kami sa Manila. Ako na po ang bahala kay Haide at sa mga apo niyo po. Salamat po dahil binigay niyo sa akin ang anak niyo. Pangako po mamahalin ko siya at alagaan habang buhay." Kausap ni Diego sa mga magulang ko.

