THIRD PERSON Pagpasok ni Kano sa loob ng kusina upang ilagay ang dalang cartoon ni Diego mula sa Iloilo. Nakita niya si Greta na may hawak na baso habang nakaupo sa mesa. Malayo ang tingin na halatang may malalim na iniisip dahil hindi niya manlang naramdaman si Kano na pumasok na sa kusina. Bigla nalang siyang nagulat ng tumikhim si Kano sa kanyang harapan. "Dinala ko lang ang dito ang dala ni Diego at Haide galing Iloilo. Nasa sala sila nag-usap." Wika ni Kano. Hindi sumasagot si Greta at inubos ang laman ng tubig sa baso saka tumayo. Hinugasan niya ang baso. Nakatingin lamang si Kano kay Greta. Iniisip niya na kausapin si Greta tungkol sa kanila. Kung ayaw talaga ni Greta sasama nalang siya kay Lester upang makasama ang kanyang anak. Pagkatapos hugasan ni Greta ang baso na ginamit n

