HAIDE "Kuya Dante ikaw muna bahala kay adobo huh? Kapag manganak na ako bibisita kami dito ni Diego. Maraming salamat Kuya dahil naging Kuya kuyahan kita dito. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin." Paalam ko kay Kuya Dante. Ngayon ang balik namin sa Manila. Isasama ko si Nanay Consing. Kaya iiwan muna namin si Adobo at ang bahay ni Nanay Consing kay Kuya Dante. "Adobo narinig mo 'yun? Sa akin ka iiwan ni Aling Consing at Haide. Kaya magpakabait ka. Kung hindi ka magpakabait adobohin talaga kita." Kausap ni Kuya Dante kay Adobo. Parang nakakaintindi naman si Adobo dahil tinaas niya ang kanyang buntot at dinilaan ang paa ni Kuya Dante. "Dante ikaw muna ang bahala sa bahay ko. Maraming salamat. Pwedi mong kunin ang mga bunga ng mga prutas at niyog. Sayang lang naman kung hindi mapak

